FROM THE DAY I SAW YOU(short story)

135 2 2
                                    

Hinding-hindi ko malilimotan ang araw na yun doon ko sya nakilala at unang hinangaan,unang minahal........

bakasyon na at sobrang boring dahil wala nman akong magawa sa amin...hanggang sa dumating ang aking mga kaibigan at niyaya nila ako na manood ng basketball game...gabi na noon pero sinabi nila na sumama ako baka daw doon ko mahanap ang true love ko...kaya naman sumama ako sa kanila...at sa di inaasahang pagkakataon mukhang nagkatotoo nga ang kanilang sinabi  may nahagilap ang aking mga mata number 27 oo yan ang numero ng kanyang jersey unang kita ko palang sakanya namangha at hinangaan ko na sya....ang galing-galing nyang mag laro ng basketball halos sya na ang nakaka-score sa kanilang team..ang aking mga mata ay naka focuse lang sa kanya garvii kahit pawis na pawis na sya ay ang gwapo-gwapo nya parin...

simula ng araw na yun palagi ko na syang ini-isip at sumasama na ako sa mga kaibigan ko tuwing manonood sila ng praktis dahil doon ko lang sya makikita...inalam ko lahat-lahat tungkol sa kanya inadd ko sya sa FB inalam ko talaga kung saan sya nag-aaral ko ilang taon na sya,kailan ang b-day nya..lahat-lahat ng tungkol sa kanya....

araw-araw akong nangangarap sa kanya araw-araw humihiling na sana lingonin din nya ako pansinin ka-usapin maski HI o HELLO MAN lang.....pero sabi ng mga kaibigan ko tigilan ko na daw ang kahibangan ko dahil wala naman dawng patutungohan dahil LANGIT sya at LUPA ako..sabi nga ni lady na

 "tigilan mo na yan wala kang mapapala sa kanya ni hindi ka nga nya kilala eh.."

ang sabi ko nalang sakanya "ok lang kahit di nya ako mapansin basta ang importante makita ko lang sya na masaya" 

lumipas ang mga araw at lalong lumalalim ang pag-ibig ko sa kanya kaya napag disisyonan ko na mag sesecond year ako sa school nya sinabi ko sa mga magulang ko na mag tratransfer ako at pinagalitan nila ako dahil ang mahal-mahal daw ng tuition sa school na yun...kaya ang ginawa ko ay nag-take ako ng scholarship sa school nya dahil malaki naman ang grades ko...sa awa ng dios ay nakapasa ako at ang saya-saya ko talaga dahil araw-araw ko na syang makikita...

Hanggang sa natapos na ang bakasyon at excited na ako na pumasok dahil makikita ko na sya at dahil baka classmate ko sya...pagdating ko sa school ay laking dismaya ko dahil hindi kami magkaklase pero ok lang atleast makikita ko pa rin sya kahit sa malayo....lumipas ang mahigit 4 na buwan parati lang ganun ang aking daily routine sumusulyap sa kanya sa malayo at palaging nangangarap sa kanya....

Foundation day nanamin at mayroong magaganap na Mr. & Ms. ______ at kasali sya sa pageant   ...ang ganda nga ng kapartner nya eh at satuwing manonood ako ngpraktis nila ay para talagang  nadudurog ang puso ko dahil talagang napaka sweet nila sa isat-isa palagi syang tumatawa kapag magka-usap sila pinangarap ko nga na ako kaya mapapatawa ko rin kaya sya.???....

"oi aegil nagsisimula na yung pageant baka gusto mong manood" sabi ng aking kalssmate

kaya naman dali-dali akong pumunta sa quadrangle kahit ako ang nagbabantay sa booth namin ay iniwan ko dahil gusto ko talaga syang mapanood.....walang nakaka-alam ni isa sa aking mga kaklase na mahal ko sya tanging ako lamang at ang mga kaibigan ko sa amin ang nakaka-alam...gravii ang galing nya talagang rumampa at bagay na bagay sila ng partner nya :( ....natapos ang paeant at sila ang nanalo...

"oi alam nyo ba na ang chismis na girlfriend na ni relee si deby" sa chismis na yan parang dinorog ng ilang libo ang aking puso ang sakit-sakit talaga ;(...pero kung doon sya masaya susuportahan ko sya dahil kong saan sya masaya..masaya na rin ako....lumipas ang christmas bagong taon at valentines day patuloy ko parin syang sinusulyapan at tinitingnan sa malayo at nangangarap na sana mapansin nya rin ako na andito lang ako nag-hihintay sakanya at patuloy nangangarap sa kanya..

FROM THE DAY I SAW YOU(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon