Unang panahon, sa isang malaking kaharian. May isang Hari na ipinagmamalaki ng kaniyang kinasasakupan.
Dahil sa taglay nitong kabaitan, katapangan at talino sa pamumuno ng kaniyang bansa ay lubos siyang kinagigiliwan at hinahangaan ng lahat.
Sa likod ng matagumpay niyang pamumuno ay hindi alam ng kaniyang mga tao kung anong tunay niyang katauhan at sekreto ng kanilang angkan.
Bagamat nanggaling din sa kaniyang angkan ang nagdaang mga Hari, ay hindi alam ng lahat ang tungkol sa abilidad na tinataglay ng kaniyang pamilya.
Sa bawat Hari na namununo sa kahariang iyon ay may iba't-ibang abilidad. Bigay iyon ng kataas-taasan upang matamo ang kapayapaan sa kanilang bansa.
Kalaunay ang napakamabuting Hari ay nakapag-asawa at nanggaling din sa maimpluwensiyang angkan.
Nagkaanak sila ng dalawang lalaki at hindi naglalayo ang edad nila sa isa't-isa. Para sa kaniya ay napaka perpekto na nang kaniyang buhay at wala na siyang ibang mahihiling pa.
Lumaki ng maayos at matalino ang dalawang Prinsipe ngunit habang sabay silang lumalaki ay may napansin siyang kakaiba sa bunsong anak.
Masyadong mainitin ang ulo nito sa tuwing nalalamangan siya ng kaniyang panganay na kapatid.
Hindi din maayos ang pakikitungo niya sa mga taong nasa paligid niya at higit sa lahat palagi niyang pinaparatangan ang kaniyang kapatid sa walang katuturan.
Napansin ng mag-asawa ang pag-uugaling mayroon ng bunso nila kung kaya't maging ang Hari na mismong Ama nila ay nababahala na.
Nababahalang baka sa huli ay hindi niya matanggap ang desisyon ng langit para sa kanilang dalawa na magkapatid.
At nangyari na nga ang kinatatakutan ng kanilang Ama. Biglang nagbago ang kulay ng langit at naging kulay itim na ang himpapawid.
Sa kahit saang bahagi ay naroon ang malalaking pulang kidlat at malalakas na kulog.
Hudyat na nagwagi ang kasamaan...
At simbolo ng pagkawala ng kapayapaan at ang pag-usbong ng gulo sa kanilang kaharian.
Wala siyang itinira, lahat ng miyembro sa kaniyang pamilya ay pinaslang niya.
Pati ang magiging Hari na siyang kapatid niya ay hindi din niya pinalampas.
Tuluyang nagtagumpay ang kasamaan at walang ibang hinihiling ang mga taong naroon kundi maibalik ang kanilang kalayaan.
----
Kamora's POV
"Hanggang doon nalang ang maaring kong ikwento..." nakangisi ngayong biglang saad ni Propesor Inkong at biglang nagsinghalan ang aking mga kasamahan dito sa silid aklatan.
Nakaupo lang kami dito sa may sahig, malinis naman ito at komportable din naman.
"Ano ba naman 'yan!"
"Paano na ang kaharian? Talaga bang tuluyan na niyang sinakop iyon?"
"Pambihira naman oh! Tapusin mo na Propesor Ingkong..."
"Nasaan na panganay niyang kapatid? tuluyan niya ba talagang napaslang?"
"Propesor Ingkong! Magkwento ka pa, wala pa namang oras eh."
Ganiyan talaga sila kung makareklamo kapag binibitin na sila ni Prop. Napakaganda palagi ng mga kinukwento niya ngunit lagi din niya kaming binibitin sa parte kung saan nakakasabik na.
Kung maari ngang manatili dito sa silid aklatan ay ginawa na namin. Sa lahat ng parte dito sa kaharian ay itong silid aklatan ang pinakapaborito ko.
Ang amoy ng silid, ang sandamakmak na libro, ang sahig na napakintab at ang nagagandahang mga kwento ni Propesor Ingkong ay gugustuhin mo nalang talaga na manatili dito.
YOU ARE READING
The Awaken of Ethrusian War
FantasyCollaboration with Ms. GorgeousCally Sila Trevo, Kamora, Modestia, Hawk, Archaic, Natalia ay magkaklaseng nabigyan ng isang misyong babago sa buhay ng mga mamayan sa Ethrusia. Malaking dagok sa kaharian ang pagkawala ni Haring Ethrusian dahil pinata...