Traitor Heart

35 1 1
                                    

Traitor Heart

Dear Angry Bird,
Lumipas ang ilang buwan na naging mag-kaklase tayo. Sa ilang buwan na iyon, pinagulo mo ang sistema ko. Nagsimula ito nang dahil sa sulatan. Nagsusulatan kayo ng dalawa kong classmate na babae na close ko, to be exact, nag g-geting to know each other kayo sa sulatan. Bilang isa namang kalahating chismosa ako, tinignan ko ang mga palitan ng sulat niyo pero di ko inakala na ang dalawang loka-loka ay papasulatin ako dun sa papel na mismong sinusulatan niyong tatlo! Ang sabi ng isang classmate ko, tanungin lang daw kita kung sino ang crush mo sa room kasi nahihiya siya na magtanong, so ano? Ako walang hiya? Err.. Pasalamat siya at mabait ako kaya ginawa ko ang sinabi niya, sinulatan kita (nilagdaan niya ng pangalan ko ang huling sulat) sa kanya and to our surprise, isa daw sa aming tatlo na nagsulat ang crush mo ang sabi mo pero- ba't nadamay ako?! Wala akong pake kung sino ang crush mo kaya tinigil ko na ang pagsulat at dumistansya para hindi madamay sa kahibangan sa buhay ng dalawang close friends ko. Pero ako na yata ang nahihibang, hindi ako pinatigil ng mga salitang sinabi mo na isa sa amin ang crush mo hanggang sa dumating ang pinakakinakatakutan kong panahon, I just found myself hoping that I was the one whom you like. Alam ko, masama na 'to. Aware ako sa nararamdaman ko sayo. At pilit kong isinasaksak sa utak ko na hanggang crush lang kita but my heart betrayed me, my feelings for you gone deeply and it's not healthy anymore. I should have stop my stupid feelings for you, but my mind can't fight against my heart, that's why I fell, with a stupid boyscout who can't catch me at the bottom of his ocean-like world, that's when I need him to. That's when I need you the most.

Dear Angry BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon