Nang Dahil Sa Jeep

51 0 0
                                    

GoodMorning... Good ba talaga? Haynako. Parang nag-GGM lang talaga ako nuh?.

Graduation na DAW mamaya? nakakalungkot. di ko na SIYA makikita. ;(

Im Celina, 3rd yr student at ito'y nagdadrama at gagraduate na si Rex.

Sa loob ng 3 years na nilalagi ko dito sa school, kasama ko sya every morning, pagpasok at pag-uwi. hindi po kami !! sadyang coincidence lang na lagi kaming nagkakasabay sa jeep at sa paglalakad papuntang abangan ng jeep at pagpasok sa school galing jeep. Pagpapasok ako, lagi ko syang nkakasabay sa paglalakad papuntang school. Pagpauwi naman lagi sya yung unang bumababa kaya medyo kabisado ko na kung saan sya bababa everytime na kasabay ko sya. We don't talk in that 3 yrs. hindi ko nga alam kung alam niya name ko. kasi nga COINCIDENCE lang parati ito. 

Thanks sa jeepney at nagkaroon ako ng sariling lovestory, Lovestory na ako lang ang may alam. :( 

Mamimiss ko sya. mamimiss ko yung araw araw kelangan ko magmadaling magbreakfast para maabutan ko sya st makasabay sa paglalakad. Pinipilit ko lang kayong maniwala na Coincidence pero ang totoo sinasadya ko na. OO nung una, hindi planado kaso nitong last year niya kahit hindi kami nagkakausap, tingin ko, napamahal na sya sa akin.

Hayyy.. REX, babay na ba talaga?

--

last time na to. 

Nagmadali ako sa breakfast ko at susubukang manuod sa graduation nya. sana makasabay ko uli sya sa paglalakad papuntang school mamaya. For the last time man lang, makita ko yung mukha nyang laging may earphones sa tenga.

---

8:30 na. 8;15 ang start. Failed ang mission ko. :(

YATA 

O.O

Ang gwapo niya. 

nakatingin pa sya sa akin? am i dreaming?

nararamdaman ko yung luha ko, bumabagsak na.

he is handling a bunch of big cards.. saying:

'Last walk trip ko na yata

papuntang school kaya...

nagbakasakali ako...

na may papanuorin ka ngayong grad namin...

kaya inintay kita.

Mamimiss kita ;)

mamimiss ko yung babaeng cute

yung babaeng walang ginawa kundi

titigan ako sa jeep.

kulang ang 3yrs

para makasabay ka sa jeep pero

sapat na yon para mapagtanto ko na...

MAHAL NA MAHAL NA PALA KITA.

niyakap nya ko. ako, naiiyak pa. kapit yung kamay niya, naglakad kami papuntang gate. para ihatid sya sa graduation hall nila. Bakit naman ganito to. Mahal niya din daw ako.. ayoko matapos itong 3yrs please.

----

*beep beep*

3yrs? kulang talaga. eto na kami...

"tara na, late ka na sa klase mo aba. Sa araw araw na pagsundo ko sayo, wala ng pinagbago, mabuti pa nung jeep lang ang uso sa tin."

"love mo naman ako, oki lang yun :))"

"oo na. osya, sakay na :)) "

bukas gagraduate na uli yan. May engineer na akong boyfriend. Thanks sa jeep talaga :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

A/N: thank you for reading. its not pg-13

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil Sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon