First Kiss

860 1 0
                                    

UNANG HALIK


"Tagay pa," anyaya ni Steph. Makukulay na ilaw ang sumasabay sa tugtog ng musika, may mga nagsasayawan, nagkakatuwaan, kantahan, hiyawan habang ang iba ay tahimik lang nakikinig sa kwento ng tropa nilang sawi sa pagibig.

Ganito ang eksena habang nakaupo kami sa sulok ng bar malapit lang ito sa aming paaralan. Nilalak ko ang natitirang baso ng redhorse na nasa aking harapan bago pa man mawala ang lamig nito. Napadami na yata ako ng nainom. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo, umiinit na rin ang aking sikmura hudyat na tila nawawala na ako sa katinuan dulot nang kalasingan. Ramdam ko na umiikot ang mundo sa aking ulo na ngayon ay masakit na pero ang paningin ko ay hindi pa rin naaalis sa magandang dilag na nasa aking harapan. - si Steph


Sino bang hindi mabibighani sa isang campus crush ng school. Malusog ang kanyang pangangatawan, Kapansin pansin ang kulay pulang shades nang kanyang buhok, bilugan na mukha at makinis na kutis. Maganda sya kahit saan angulo mo tignan, tunay na kabigha-bighaning talaga. Maswerte nalang talaga at malapit na kaibigan ko siya, kaya sa inuman ako lagi ang hinahatak nya.


Patuloy sa pagtitig, inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Napakabango ng kanyang buhok," sabi ko sa sarili. "Sobrang lambot," habang pinaglalaruan ko ito gamit ang aking mga daliri. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata habang nagkakatama ang aming paningin.Inabutan pa nya ko ng isang Tequilla na walang pasubaling ininom ko naman. Kasabay sa pag guhit ng alak sa aking lalamunan ay naramdaman ko ang init sa na dumadaloy sa aking katawan hindi ko alam ang pumasok sa aking isipan nang bigla ko syang hinalikan.


Dahan-dahan ang paglapat ng mga labi ko sa kanyang labi. "Napakalambot nito," salita na namutawi sa isipan ko. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan at diniinan ko pa ang pag halik sa ka akit akit nyang labi. Ang akala ko ako ay itutulak nya palayo at aalis o kaya naman ay babatukan at ihahatid na pauwi ngunit ako'y nabigla nang siya ay gumanti rin ng halik sabay kagat sa ibaba ng aking labi. Walang kasing tamis, parang natutunaw ang aking puso habang sumasabay sya sa bawat pag lasap ko sa kanyang labi at pagpasok ng dila sa kanyang bibig.


Lalong Umiinit habang lumalalim ang gabi. Tunay nga ang tinuran nila na kapag nakahalik ka na ng isang kapwa mo babae ay para bang may salamangka na magkukulong sayo sa sensasyon upang hindi ka na makaalis dito. Kumbaga, hahanap hanapin mo na para bang nakatikim ka ng ipinagbabawal na gamot.


Hindi alintana ang paligid, Nakalimutan ko na yatang nasa bar kami. Marami na rin ang mga matang nakatitig sa amin, lalo na ang dalawang lalaki sa kabilang lamesa. Lumuwa na ata ang mata sa nakita. Ngunit wala akong pakialam sinakop na ng alak ang aking isipan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang bewang at hinila upang ilapit sa akin ang kahuma-humaling nyang katawan ngunit nang akma ko nang ipapasok ang aking kamay sa Jacket na suot nya ay pinigilan nya ako. "Lasing ka na," mahinang bulong nya sa tenga ko "Uwi na kita sa inyo may pasok pa tayo bukas."


Kinabukasan, ramdam ko ang tensyon sa aking katawan nang maalala ang naganap kagabi. Ikinalma ko ang aking sarili at ngingiti-ngiti lang akong lumapit sa kanya. "Hi," bati ko sabay kamot sa ulo. "Yung kagabi__" pinutol nya ang aking sasabihin sabay tawa. "Ganyan ka pala malasing nang hahalik bigla," pang aasar ni Steph sa akin. "Mabuti nalang at hindi sya nagalit," bulong ko sa sarili.

Sexcapade ConfessionsWhere stories live. Discover now