Chapter 1: Fist as a Welcome!

55 0 0
                                    

“Good morning class.” Bati ng professor ng isang klase.

“Good morning sir.” Bati naman ng mga istudyante nito.

“Before we start, we have a transferee here and he will be your classmate. I don’t know if she or he.” Pagpapaliwanag ng Professor sakanila. “Come inside Mr. Ricafort.” Pagpapaanyaya niya sa transferee na nasa labas.

Nagtawanan naman ang mga estudyante na nasa loob ng room. Natatawa sila kasi pumasok ang estudyanteng iyun na lakad babae, kilos babae, at nagfe-feeling na babae.

“Hi classmate. I am Redenthor Ricafort but you can call me Reign.” Pagpapakilala niya na may kasamang landi ang boses.

Laking gulat ng mga klase dahil sobrang gwapo naman nito para maging bakla I mean hindi siya mukhang bakla. Mukha siyang lalaki talaga.

“You may sit at the back row Ms. Ricafort.” Natatawang sabi ng Professor at sumunod naman itong baklang to.

Habang nagkaklase, Tinitignan ni Reign ang isa sa mga kaklase niyang babae na never tumingin sakaniya simula pa lang ng pagpasok niya sa room.

Pagtapos ng klase, nagsilapitan sakaniya ang karamihan ng babae upang makipagkilala at kung anu-ano pa.

“Sige susunod ako girls.” Sabi niya sabay kindat sa mga babae na hindi nila alam kung kikiligin or what >.<

Hindi pa lumalabas ang ibang estudyante dahil doon ung iba magkaklase sa loob ng room. Nilapitan niya yung babaeng kanina niya pa tinitignan upang makipagkilala.

“Hello girl!” Bati niya sa nakatalikod na babae at hinawakan pa ang balikat nito. Parang napigil ang mga ginagawa ng mga estudyante ng makita nila ito.

Napatingin naman siya sa mga ito at umiwas ng tingin yung iba, lalo na ang mga lalaki na natatawa-tawa pa.

Biglang tumayo yung babae at marahas na inalis yung kamay ni Reign sa balikat niya. Napapikit ang mga estudyante ng susuntukin ng babae si Reign sa mukha.

“Isa pang lapit mo sa akin, babasagin ko mukha mo!” Nanginginig ang boses nito, nakayuko ito at two inches or one inch lang ata ang layo ng kamao ng babae sa mukha nitong baklang to. Halata talaga sa boses at pagkakatayo nito na galit ito. Napalunok naman si Reign.

Padabog niyang kinuha ang bag at mga gamit niya at lumabas na ng room.

“Okay ka lang ba Reign?” Nag-aalalang tanong ng ibang babae at nagsilapitan sakaniya.

“O… okay lang ako.” Ngarag na boses na sagot nito. Pinagpawisan siya at ang lakas ng tibok ng puso niya.

“Lapitan mo na lahat ng babae sa campus na ito wag lang yun.” Pangbubulyaw ng ibang lalaki at lumabas na.

“Bakit?” Mahinhin niyang tanong.

“Galit yan sa mga lalaki. Never naming nakita yan na kumausap ng lalaki. Maski mga Professor namin na lalaki eh hindi kinakausap niyan. Basta ayaw niya sa lalaki bata, matanda, may kapansanan man o wala.” Pagpapaliwanag ng isang babae sakaniya.

Nakatulala namang nakatitig si Reign.

“Bakla naman ako ehh!” Medyo paawa effect pa ang boses niya.

“Maski bakla!” Sabay-sabay na sagot ng mga babae.

Sa kabilang banda naman, pumunta si Cassie sa comfort room. Nanginginig pa rin ito sa galit. Hinugasan niya ang mukha niya. Pagkalabas niya ng cr eh nakatingin sakaniya ang ibang estudyante ngunit hindi niya ito pinansin. Pumunta siyang canteen at doon nakita niya ang mga kaibigan niyang babae. Tumabi siya sa mga ito.

“Alam na namin Cass…” Sabi ni Maecy.

“Hindi naman niya alam.” Pagpapakalma sakaniya ni Annie.

“Kalmado na ko no! Hahahahahaha!” Tumawa siya ng malakas at hindi naman pilit yun.

“Tangnang mga lalaki yan! Try pa nila once. Sa susunod nga magdadala akong four finger para saktong basag pati bungo nila!” Galit nitong sabi.

“Cass… tama na nga! Ang kulit nito.” Naiiritang sabi ni Kristy. “Ni hindi ka na nga nila nilalapitan eh. Alam mo namang hindi namin hahayaan na malapitan ka nila eh.” Dagdag pa nito.

Habang nag-uusap usap ang magkakabarkada, sina Reign at ang mga bagong kakilala niya sa school ehh umupo malapit sa pwesto nila. Hindi naman maintindihan ng mga kasama ni Reign na mga babae kung bakit doon sila naupo malapit kina Cassie. Ang alam lang nila, gusto niyang mag-sorry, kahit pigilan nila ang bakla eh tuloy pa rin siya sa napagdesisyunan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell In Love With My GayfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon