Masayang nag uusap ang magjowa habang nagyayakapan ng biglang magsalita ang lalaki
"Love laro tayo"saad ng lalaki na ikina laki ng mata ko ng babae
"Sige, ano bang laro love"saad nya habang nakangiti sa tuwa
"Sige yayakapin kita tapos dapat makawala ka sa yakap ko"saad ng lalaki
"Yun lang ba?"tanong ng babae na parang sinasabi na walang ka hirap hirap ang laro nila
"Oo"tipid na sagot ng lalaki sabay ngiti
"Kung ganon ano naman ang makukuha kung premyo?"tanong naman ng babae
"Nakikita mo ba yung kahon na yun? Yun ang premyo mo"sabay turo ng lalaki sa isang box na nasa malayo
"Ok yun lang pala simulan na natin love"saad nito sabay ngiti nya sa lalaki
"Handa kana ba?"malungkot na saad ng lalaki
"Oo naman"masaya nitong saad
"Kung ganon magsimula na tayo"saad ng lalaki
At nagsimula na sila, ginamit ng lalaki ang lahat ng kanyang lakas para hindi maka wala sa pagkakayakap nya ang kanyang girlfriend.
pero disidido talaga ang babae na makuha ang premyo kaya pinilit nya talaga na makawala sa pagkakayakap ng kanyang boyfriend di nagtagal ay naka wala ito sa pagkakayakap ng kanyang boyfriend at bilis bilis na tumakbo papuntang kahon na syang premyo nya kapag naka wala sya.
Pero laking gulat nya ng mabuksan nya ang kahon na yung isang sulat lang ang kanyang nakita na ikinabagsak ng kanyang luha
"LET'S BREAK UP"
saad ng nasa sulat kaya dali dali namang nagtungo ang babae sa boyfriend para tanungin kung ano ba ang ibig sabihin nun
"Te-teka love a-ano to?"nauutal nyang tanong habang umiiyak
"Mas pinili mo yan kaysa mana tili sa yakap ko"malungkot na saad ng lalaki
"Pe-pero hindi ko alam na ganito pala love"iyak na saad ng babae
"Sana maging masaya ka sa pinili mo"saad ng lalaki sabay alis
At naiwan naman ang babae na iyak ng iyak
𝐊𝐀𝐘𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐓𝐎 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐑𝐎𝐍 𝐊𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐊𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈