Liturgy Of The Word

11 0 0
                                    

Kanina pa nagsimula ang misa, kasalukayang nagbibigay ng homiliya si Father Joel ang kanilang Kura Paroko. Lahat ng atensyon ng tao'y nasa Kura lamang, makikita mo sa mukha ng lahat na nakikinig talaga itong maigi. Aliw na aliw din ang mga ito dahil sa mga nakakatuwang mga biro ng pari, mga kwelang hirit pero higit sa lahat namamangha sila sa mga payo at sermon sa buhay at pati nadin sa pag-ibig.

"Magandang Umaga mga Kapatid!" panimula ng kanilang kura

"Mas maganda ang umaga kapag binati natin ang ating kapwa upang tayong lahat ay masaya at masigla. Kaya naman pakibati sa mga katabi ninyo na 'Magandang Umaga kapatid at purihin natin ang Panginoon!'.

sumunod naman lahat ng tao at binati nila ang kanilang mga katabi.

"Diba, masarap sa feeling kapag nabati natin ang ating kapwa. Parang wala tayong problema, ang gaan lang sa pakiramdam na nabati natin sila at nabati din tayo pabalik, napapalaganap natin ang kasiglahan at kasiyahan ng buhay sa ating kapwa.

Pero alam niyo mga kapatid ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pag-ibig. Kasi malapit na ang February 14, sa susunod na na linggo tsaka Love Month din ngayon di ba? Kahit naman araw-araw ay araw padin ng Pag-ibig, So pag-uusapan natin ang pag-ibig.

Sa bawat araw na nabubuhay tayo, hindi mawawala sa atin ang pag-ibig. Lahat tayo at umi-ibig, Pag-ibig sating mga magulang, kapatid, kaibigan, at pati narin sating kapwa.

Ngunit minsan hindi din ito madali, minsan tayo ay masaya, nalulungkot, natatakot at nasasaktan na umibig.

Diba pag tayo'y nagmahal nakakaramdam tayo ng saya kasi sa kadahilanang nagmamahal tayo eh at lalong-lalo kapag yung taong mahal natin ay mahal din tayo. Nakakalungkot din minsan kasi kahit mahal natin yung tao ay di nasusuklian yung pagmamahal natin. Natatakot din tayong umibig kasi, yung iba sa atin takot sa commitment, pinapangunahan ng kaba, takot kasi pinagbabawalan ng iba o di kaya ng mga magulang angdaming hadlang. Takot magtake risk kasi minsan naiisip natin na di natin makakaya. Ang iba naman ay takot umibig ulit kasi naranasan na nila ngunit sa huli ay nasaktan lamang sila. Takot sila kasi naging pusong bato na. Takot din kasi kapag umibig sila ay baka mawala nalang parag bula at kunin nalang bigla. Masakit din umibig kasi nasasaktan ka, umiibig ka nga ngunit yung taong mahal mo ay nasa iba o di kaya ay kinuha na.

Diba samo't sari ang nararamdaman natin sa tuwing umiibig tayo, ngunit mga kapatid lalong-lalo nasa mga kabataan, kapag umibig o nagmahal tayo di dapat minamadali.

Alam niyo na aamaze ako sa mga kabataan ngayon eh kasi, kahit sa chat lang ayun kinabukasan magkasintahan. Kasintahan ba tawag niyo ngayon? Jowa, jowa na pala ang term sa mga kabataan ngayon sa amin kasi noon Kasintahan pa. Isang chat lang, isag text lang na Hi tas kinabukasan ayun magjowa na. Ni hindi man lang nahingi ang basbas ng mga magulang, hindi man lang nakapag-paalam ng mga magulang. Sugod lang ng sugod na pawang alam na lahat kaya minsan ang bunga nasasakyan tayo sa huli.

Sa amin noon, may ligawan pang nangyayari, hinaharana ang mga babae, nagsisibak pa ng kahoy amg mga lalake para lamang makuha ang basbas ng mga magulang para sa anak nila. Pinaghihirapan ang oo nila, kahit na mahirapan, sa huli masarap naman sa feeling kapag nakuha muna ang basbas nila.

Ngayon paeasy easy lang wala na akong nakikitang nanghaharana, nagsisibak ng kahoy. Yun wala na.

Alam niyo mga kapatid sa pag-ibig hindi madali, kailangan mong mag-take risk tsaka hindi din ito minamadali. Kaya nga may kasabihang 'We Must Learn The Art Of Waiting'.

Ang paghihintay ay isang art yan di nga lang tulad ng ibang art diyan, Isang art din ang paghihintay, kasi kung sa una wala pa o di mo pa nakikita ang resulta pero kung dumating na dun mo lang masasabi na 'Wow! Ang Ganda!. Parang late reaction lang ba kumbaga. Di mo pa nakikita ang kagandahan sa una kailangan mo pang hintayin ng maigi bago mo makikita ang kinalabasan niya.

HEAVEN SENT (A LEAGA FANFICTION STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon