5

5 1 0
                                    

- sa bawat kahilingan

paano mangyayari ang lahat? paano magaganap ang mga itinadhana? ang mga naisulat na?

laging katanungan kung bakit tayo ipinanganak. kung bakit pa tayo nabubuhay sa magulong mundong ito kung wala naman tayong magagawa para masilayan ang tinatawag na pagbabago.

laging may kulang. kulang na pahina sa libro ng ating mga nakaraan. mga nawawalang sagot sa mga nakatagong katanungan.

mangyayari kung naniniwala ka. mangyayari kung lumalaban ka. hindi man madali, pero sana.

sana kayanin mo pang maglakad, kahit pa masyado nang mabigat ang bawat hakbang.

sana kayanin mo pang tumakbo kahit sobrang tulin na ng panahon.

sana kayanin mo pang takasan ang lahat ng sakit at hirap.

at mangyayari ang mga sanang iyong pinaniniwalaan. mangyayari dahil ikaw ay lumalaban.

sweets and soursWhere stories live. Discover now