*** CHAPTER 1 ***
Kakatapos ko lang magbasketball. Grabe nakakapagod. Pero, enjoy! Panalo ulit kami e. HAHAHA. Panis sila sa mga basketball moves ko. At saka isa pa, magaling si Coach. Sana talaga, wag niya kaming iiwan. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami gagaling sa pag laro ng basketball.
Sigurado ako, nagtataka ka kung sino ako. Sige na nga, magpapakilala na ako. Ako lang naman ang pinakapogi at pinakasikat sa Mendez High. Haha. Ang yabang ko ba? Pasensya na, ganito talaga kapag lalaki. ;)
Ako si Zachary Mendez. Zach ang tawag sakin dahil ang haba daw ng Zachary e. Oo, Mendez apelyido ko, katulad ng pangalan ng school na pinapasukan ko. Lola ko kasi ang may ari ng school na 'yun. Si Mamu Celedonia Mendez, Celly for short. Mamu Celly ang tawag namin sakanya. Napakabait ng lola ko na 'yan. Dahil sa kanya kaya maganda ang buhay naming mga Mendez. Ang swerte swerte namin dahil siya ang lola namin. Yun nga lang, nung nakaraang taon, namatay si Papu Arcadio Mendez, Archie for short, dahil sa lung cancer. Ep ep ep! Huwag niyong iisiping naninigarilyo si Papu! Good boy kaya yun! Namana lang ni papu yung cancer na yun. At saka sa Maynila siya nagtatrabaho, kaya malamang, yung napakaduming hangin doon, lagi niyang nai-inhale. Sobrang lungkot namin nung iniwan na kami ni Papu, lalung-lalo na sa part ni Mamu. Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
*TOK! TOK! TOK!*
"Hoy kuya! Bumaba ka na daw sabi ni Mom! We're going to eat na!"
"Grabe ka naman kumatok! Sisirain mo ba pintuan ko! Oo na, eto na!"
"Hmm! Sungit! HAHAHA"
Sino yung kumatok? Yung bunsong kapatid lang naman naming babae na SOBRANG kulit. Oo Caps lock para intense. Napakakulit kasi yang kapatid ko na yan. 8 years old na siya. Emily ang pangalan niya. Apat kaming magkakapatid, ako yung pangalawa. Panganay si Ate Madison. At ang pangatlo ay si Ethan. Mom and Dad tawag namin sa parents namin, para sosyal. Haha! Our mom's name is Xandra and our dad's name is Xyril. Astig no? Parehong sa letter X nagsisimula ang mga pangalan nila.
Bumaba na ako, at umupo sa dining table. Proud ako sa pamilya ko. Masasabi ko talaga isa kaming HAPPY FAMILY. Lagi kaming kumpleto sa hapag kainan, sa outing. Basta, ayaw namin na may nahihiwalay. Mahal namin ang isa't isa. Kaming magkakapatid mahal na mahal namin sila Mom at Dad. Kaya ang pag-aaral namin ng maigi ang sinusukli namin sa kanila. Si Ate Madz, last year na siya sa college at running for Cum Laude! Si Tan, 2nd honors sa klase nila at Vice President ng student council. Si Ems, first honors. At ako. 3rd honors at varsity ng basketball. ;) Pero hindi poket, apo kami ng may ari e kelangan nang palagi kaming nasa honors or kung ano man. Sadyang masisipag lang kami. At walang favoratism ang nagaganap.
"Zach, kailan ang laban niyo?" Tanong ni Mom sa akin. "Next month, mom. Pero subsob na kami agad sa training." -__-
"Hahaha! Ginusto mo yan e!" Nakangiting sabi ni ate Madz. "Oo naman no, last ko na to sa Highschool. Kasi pag college ko, magtututok muna ako sa pag aaral." Sabi ko naman kay ate.
"Naks! Maganda yan, anak! Galingan mo, nandito lang kami para suportahan ka!" :) Tinap ni dad ang balikat ko. "Thank you, dad. Dabest talaga kayo!" :)
Nakakatuwa diba? Ang swerte ko sa pamilya ko. Sila ang pinaka-IMPORTANTENG tao sa buhay ko. Syempre kasama don si Mamu. :)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Shunga
Teen FictionProperty of iwanttoseeyousmile of Wattpad. This story is all about a family oriented boy who fell in love with a happy-go-lucky girl who doesn't have her own family anymore because of a tragic accident. They met at the same school. Their attitude w...