KUYA
Chapter 1
Sam's PoV
"ZEHERA SAM ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO? HINDI KA ISANG TURISTA PARA MAG TOUR LANG SA IBA'T IBANG SCHOOL... bla bla bla.."
Napangalumbaba na lamang ako sa talak ni mama.
Sa harap ba naman ng hapag kainan? nakuha pang manermon.
So? panu ako makakakain neto?
"...MAGHANDA KA NA. NAGHIHINTAY NA ANG BAGO MONG PAARALAN"
napatayo ako bigla dahil sa sinabi ni mama
"What? mama naman. Kakaalis ko lang dun sa dati kong napasukan may bago na naman?" nguso kong sabi sa kanya
"AT SA TINGIN MO ANONG GAGAWIN KO? GET READY. NOW!" ma-awtoridad niyang sabi habang nakaturo sa kwarto ko
"Bu-"
"NO BUTS! ZEHERA. GET.READY. KUNG AYAW MONG IBALIK KITANG LONDON!!" Putol ni mama sa akin.
Agad akong nag ayos. Di pa ako nakakain huhu paano ba naman ako makakakain kung sa harap ng grasya tinatalakan ka na
Hmpkk
Wala na akong magagawa kundi sundin ang sabi ni mama kasi ayoko naman na mapunta ulit akong London.
Iniisip ko pa lng ang lugar na yun mukhang naiinitan na ako. It's a place like hell.
"FASTER!! IHAHATID KITA" narinig kong sigaw ni mama sa labas kaya binilisan ko na lang na ilagay ang kung ano ano sa bag ko.
Kung tutuusin di naman talaga ako literal na mag aaral. Tsk. Ditch is life.
"OO NA" sigaw ko pabalik sa kanya.
Napairap na lang ako bago lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin ang nakakunot noong tingin ni mama. Ano na naman bang problema neto? Edi ako na ang bastos na anak. *irap
"ISA PANG DITCH MO ZEHERA. HINDI NA AKO MAGDADALAWANG ISIP NA IPABALIK KA SA LONDON" sigaw ni mama
Arghh. kanina pa to sigaw ng sigaw. Hindi naman atah ako bingi.
Tumalikod na siya at sinundan ko na lang siya habang bitbit ang bagpack ko.
Ngumuso na lamang ako pero saktong paglabas namin ng bahay ay pangiti ngiti akong nakatingin kay kuya na nakasalubong namin.
"Ma! huwag niyo namang pagalitan si Sam ng ganyan. Ang aga oh..Hinay hinay lang." bungad ni kuya habang binebeso si mama
"Zuho!! bakit andito ka pa? dapat andun ka na sa school mo!" mahinahong sagot ni mama.
Nakita kong sinenyasan ako ni kuya habang yakap yakap si mama na parang sinasabing umalis na ako dun at mauna sa kotse. Hihihi
Agad agad akong naglakad papunta sa sasakyan ni kuya at ngiting ngiti pa ako dahil mukhang di ako nakita ni mama.
Pagbukas ko ng sasakyan ng backseat narinig ko ang sigaw ni mama na tinatawag ang pangalan ko kaya agad kong sinara ang pinto.
"BWHAHAHAHAHAHA" ang galing talaga ng kuya ko
"AKO NA PO MA ANG MAGHAHATID KAY SAM" rinig kong sabi ni kuya pero di ako nakatingin dun sa kanila. Inaayos ko kasi ang sintas ng mga sapatos ko na di ko pala naayos kanina.
Alam kong papalapit na si kuya sa kotse niya. Lagot na ako kapag tumingin ako dun baka kakaladkarin ako ni mama. huhu
"Hi" isang pambabaeng boses ang narinig ko kaya literal na napaangat ang tingin ko. Nakangiti siya.