//Certified 4//

849 26 17
                                    

//Certified 4//

Kanina lang kami dumating galing sa resort, pero dumiretso agad ako ng mall para mamili. Namiss ko kasi ang ambiance ng mall eh, tsaka magsastart na sa Monday ang pasukan, eh Saturday na ngayon so I have to be ready.

After kong magmalling, umuwi na ako agad. Pabagsak akong naupo sa sofa at tiningnan ng masama ang babaeng nasa harapan ko…

“HOY!” rude ba? Paki mo?. “Kunin mo nga yung tsinelas ko.” utos ko doon sa bago ko daw na Yaya. Tss. Yung tatay ko kasing pabagets ang naghire dyan eh, para daw bantayan ako sakaling gumawa na naman ako ng hindi niya magugustuhan at ipadala na niya ako ng tuluyan sa Germany para manirahan kasama nila, which I don’t really like.

“Saan po nakalagay?” tanong niya sa akin.

“Nasa akin, nasa bag ko yata eh.” pilosopong sagot ko. “Kaya ko nga pinapakuha sa’yo diba. Malamang sa malamang ikaw na din ang maghahanap.”

“Sabi niyo po kasi kunin eh, hindi hanapin.” saad naman ni Yaya ko daw sabay kamot pa sa ulo niya. Tss.

“Eh kung maghanap ka na lang kaya at dalhin mo dito?! Dami pang satsat. BILIS!” itinaas ko yung paa ko sa center table. Nakakastress naman kasi ‘tong araw na ‘to. Bad trip! Ang daming iisipin sa opisina. Oh yeah, hindi ko nasabi sa inyong negosyante po ako sa edad ko na ‘to, well ginaguide pa din naman ako sa pagpapatakbo ng company. Kaya nga ako nabansagang ‘THE MULTIMILLIONAIRE SWEETHEART’.

“Eto na po tsinelas niyo Ms. Sashana.” napamulat ako nung marinig ko si Yaya. Isinuot ko na yung tsinelas ko tapos biglang nagring yung cellphone ko.

“OH?!” mukhang nagulat pati si Yaya sa sigaw ko. “SINO KA?”

[Geez. Para kang nakalunok ng megaphone. Alam mo ‘yun? Ahw ang sakit nun ah.] sagot nung sa kabilang linya. Di pa nasanay. Tsk.

“Sino ka ba?!”

[Grabe ka naman di mo man lang narecognize yung gwapo kong boses?]

“Kaya nga ako nagtatanong diba?” -.-

[Si Clyde po ‘to Ms. Sashana, yung gwapong bestfriend/secretary niyo.]

“Ah kaya naman pala, pagkakuha ko pa lang ng cellphone ko, umihip na ang nagbabadyang hanging habagat.”

[Oo nga po eh, Ms. Sashi, na feel ko na din naman yung ambiance ng kasamaan ng ugali pagkasagot mo ng tawag. Anyways, hindi ako tumawag para asarin ka o ku--]

“Oh talaga? Eh kung sabihin mo na kaya ngayon na ang dahilan kung bakit ka tumawag?” bad trip ‘to.

[Eh kung pagpasalitain mo kaya muna ako at nang matapos na ‘to? Tss. Feeling mo gusto kong tumawag sa’yo?]

“Feeling mo naman gusto kong marinig yung boses mo? Go na. Magsalita ka na. Your waisting my time.”

[Eto na nga oh. Umatras si Mr. King.] yun lang naman pala eh.

“So? Paki ko?!”

[Ano ka ba naman Sashi. Isang malaking kawalan sa kompanya si Mr. King. At alam mo ba kung bakit siya umatras? Una, dahil sa kawalan niya ng ganang makipagnegotiate sa’yo dahil sa katamaran mong umattend ng mga ineeschedule niyang meet ups. Pangalawa, inaway mo lang naman po ang kanyang anak. At Pangatlo, dahil isa kang maldita.]

“Tapos ka na?” inip at inis kong tanong sa kanya. Haba ng speech eh. “Mr. Habagat, unang-una hindi kawalan si Mr. King sa ating kompanya, tayo ang malaking-malaking to the nth power na kawalan sa company niya. Secondly, nakakatamad naman talaga siyang kausap eh. Pangatlo, nanlalandi ang anak niya sa teritoryo ko kaya ko siya inaway. Pang-apat…Reyna naman talaga ako ng mga Maldita, magtataka ka pa ba? Panglima, may nakalimutan ka… Maganda ako at Mayaman ako, kaya hindi ko kailangan ng pera ng matandang iyon. And last but not the least…PAKI KO?!”

Pagkatapos kong tapatan ang kanyang mahabang speech ng aking napakahabang speech at sigawan, itinapon ko yung cellphone ko. Ewan basta itinapon ko lang. Napasigaw pa nga si Yaya eh.

“Hoy ikaw! Kunin mo nga yung mga pinamili ko sa kotse.” utos ko sa kanya.

Agad din naman siyang nagpunta sa labas tapos maya-maya lang pumasok ulit.

“Ms. Sashi, nakalock po kasi yung kotse niyo eh. Eh hindi ko naman po mahanap si Kuya Kiko eh.” pagrarason niya.

“Kiko? Sinong Kiko?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Yung driver niyo po.” napakunot naman yung noo niya.  “Bakit hindi niyo po kilala?” aba malay ko ba kung sino ‘tong mga alipores na nandito sa pamamahay ko?

“PAKI MO?!” echosera lang? Kebago-bago. “Hala, kumuha ka ng bato at pukpukin mo yung bintana ng sasakyan.”

Nanlaki naman yung mata niya, “A-ano pong gagawin ko sa bato?” ulit niyang tanong na para bang sinisigurado kung tama yung narinig niya.

“Lunukin mo tapos sumigaw ka ng DARNA. Baka sakaling may mangyari tapos magamit natin yang super powers mo para mabuksan yung pinto ng sasakyan. Tss.” sarap ipalapa nitong babaeng ‘to sa aso eh. “Ano pang hinihintay mo? LAYAS.”

Dali-daling lumabas si Yaya Darna, paki niyo sa tawag ko sa kanya? Eh sa hindi ko alam pangalan eh, hindi naman nagpapakilala at hindi ko ugaling mangilala. Narinig ko na lang na nabasag yung bintana ng kotse. GOOD. Nakikinig. Tapos ayun, pumasok na siyang dala-dala yung mga pinamili ko. Parang nakuba nga ata pagkatapos eh, sa bigat at dami ba naman nun.

“Hayy. Kakapagod.” sandali siyang nagpahinga tapos napaupo sa tapat nung mga pinamili ko. Ang lampa.

“Hello my little sister.” bati ng isang gwapo ‘DAW’ na nilalang galing sa itaas ng bahay. Aba ngiting-ngiti pa ang walang hiya.

“Sa pagkakaalam ko wala akong kapatid.” sabay irap sa kanya at hindi na pinansin ang kanyang pag-upo sa tabi ko.

“Prrrr. Eto naman ke aga-aga bad trip agad. Tss.” reklamo niya. “Pero dahil gwapo ako at masaya ako ngayon, hindi ako papaapekto.” Oh diba? lakas ng yabang. Grabe.

“Nakita kita eh, kaya nabadtrip ako.” inis na saad ko.

“Hoy, ikaw na bata ka, di ka marunong rumespeto sa Kuya mo ah. Tsk. Nga pala, kami na ni Min.” pagbabalita niya. As if naman matutuwa ako sa balita niyang yun? Tsk. Tsaka pang-ilan na ba niyang girlfriend yan. Kung makapagpalit parang damit lang eh noh. And oo nga pala, sa kasamaang-palad, may KUYA akong ABNOY. I wonder paano naging President ng school ‘to, bakit kasi sa kanya pa pinangalan at binigay yung property ng school, eh di hamak na mas matalino naman ako kesa sa kanya.

“So? Paki ko?! Maghihiwalay din kayo.” masama na kung masama. Masasaktan lang kuya ko, trust me. Baliktad nga eh, kung ako walang karomance-romance sa buhay, siya naman napakahopeless romantic na in the end nagiging HELPLESS PATHETIC.

“Ang sama nito.” sabay irap. Infairness naman sa kanya, marunong siya. “Nga pala, pahiram ako ng kotse mo tsaka pautang na din. Alam mo naman grounded ako.” tapos lumapit siya sa tapat ng mirror at inayos ang sarili. As if naman may magbabago sa itsura niya diba?

“Yeah. I know. Binugbog mo kasi yung estudyante mo. Tss.” inirapan lang niya ako ulit.

Kaya pala mabait ang loko, may date. Tsk. Well, gwapo naman ‘daw’ talaga kasi ‘tong abnormal na ‘to eh. Syempre, iisang dugo lang ang nanalaytay sa aming dalawa kaya naman di na ako tatanggi. Huh. Lahi kaya kami ng magaganda’t matatalino.

“Nandun sa labas yung kotse,” tapos tinapon ko sa kanya yung ATM card ko. “Oh, utang yan ha. Try mong hindi ako bayaran, gigilitan ko yang leeg mo.”

“Magbabayad ako. Thanks sis.” tapos hinalikan niya ako sa pisngi at ayun nagpaalam na. Pero pagkalabas na pagkalabas niya.

“SASHANA HAUTEA SMITH!” sigaw ni Kuya. Napatakip naman si Yaya ng tenga niya pati na din yung ibang katulong. “MALDITA KA TALAGA!”

Napatawa naman ako, “I LOVE YOU KUYA! HAHA.” at yun na umakyat na ako ng kwarto.

Well, hindi pa nga yun game eh. Tss. Ang OA ni Kuya.

I'm Sashi and I'm Maldita  [JULNIEL/JULSAM/JULQUEN] ONHOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon