Ano bang meron dito?

186 1 0
                                    

Lahat ng iyong mababasa dito ay hindi nangangahulugang dapat paniwalaan nasa iyo kung dapat mo bang i-apply ito sa sarili mo o basahin mo lang ito para madagdagan ang iyong nalalaman. lahat ng naka saad dito ay mula sa mga napag daan ko sa buhay at mga sariling pananaw.

Hindi ito ung tipong tipikal na araw mo..

na gigising ka.. mag iinat, hihikab, kubadong mag lalakad at tamad na tamad kukunin ang twalya papasok ng kubeta at uupo sa trono ng isang oras habang naka pangalong baba at padampi damping hahawak sa tubig at sa unang buhos ay mag papadyak sa lamig. pag tapos mag bibihis at kakain sabay papasok kung sa skwelahan man o sa trabaho o tatambay....

Ito ung umaga na tulala ka tirik ang mata na parang nagulat pag tapos makitang bumagsak ka sa isa sa mga major subj. mo.

Wala nanamang tulog.. inumpisahan ang araw ng tanong at natapos ang araw sa Tanong, at mag uumpisa ulit ang panibagong araw sa TANONG!!! nakakaurat diba? walang katapusang tanong.. parang itlog at manok kung ano ba nauna..

ano nga ba yung tanong na un?? eh kung ang totoo naman walang tanong.. kasi wala ka namang karapatang mag tanong ng tanong na gusto mong itanong... (ANG GULO PATI AKO NAPAPATANONG KUNG BA'T PURO TANONG ANG SINUSULAT KO!) by the way.. (OH ENGLISH UN! naaral ko sa convergys)

IN LOVE EH! ung tipong hindi mo inaasahan pero dumating! ito na ung kinakatakot ko na ACCIDENT .. mas masarap nga naman ang hindi mo hinahanap yung kusang dumadating.. nakaka suya! sa totoo lang ito ang ayaw ko.. dahil ang aksidente nakakamatay! maswerte ka na pag nag 50/50 ka. sana kung mamatay ka eh.. hindi mas malas ka pa kung maging zombie ka na.. walking dead! ung tipong mag lalakad ka 2loy k lng ma bubuhay pero dahil sa inabot mong pag kasawi ay para ka ng walang buhay.. tamad ka na sa lahat ng bagay. HINDI KA NA NAG EEXIST! lalo na sa mundo ng taong un..

and masakit pa eh pag yung tipong binitay ka... yung bini-bitin ka na di mo alam kung san ka lulugar.. kung lalaban ka pa ba o babawi k n lng eh (tagal na ng noon time ssegment sa isang show na un ahh hehe tanda ko na!) iba kasi ung nakikita mo sa nararamdaman mo sa kanya sa sinasabi niya at sa sinasabi ng iba.. para kang naburot sa gitna ng pasahan bola at di mo alam kung san ka hahabol..

Hanggang sa malalaman mo na lang isang araw.. HINDI MO NA SIYA MATUTUNANG IWASAN KAHIT ANONG PILIT MO PA NA ARALIN, KAHIT NASASAKTAN KA NA NG SOBRA..

at ang alternative..... EH AARALIN MO NA LANG MAGING MANHID....

HIndi lahat ng napag aaralan Natutunan... Pero may Alternative naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon