Pag kakaiba ng BOBO at TANGA..

1.7K 2 1
                                    

Marami akong tanong na naririnig sa tuwing nag lalakad ako kung saan saan.. sa loob ng skwelahan, sa opisina, sa mall at kung saan saan pa.. at madalas na tanong ng mga tao sa isat isa lalo na kung ang pinag uusapan ay pag-ibig... "TANGA KA BA?? O SADYANG BOBO KA LANG TALAGA??


Ano nga bang pag kakaiba ng dalawang salitang ito, ng BOBO at TANGA..

Para sakin ito ang paliwanag ko diyan.. marahil sumang ayon ka at maaari din na hindi.. Tandaan ibat iba ang pananaw ng tao at na sa iyo kung papabor ka ba sa mga susunod na mababasa mo o hindi.

Unahin natin ang pagiging "BOBO" o "UNINTELLIGENCE" ano nga ba ito? ang bobo ay ang salitang tumutukoy sa pagiging mahina ng isang studyante sa klase?? o bagal ng pang intindi? kung ganito ang iyong pag intindi, marahil isa ka sa mga dapat sabihan nito... "BOBO!!" 

Walang taong bobo yan ang sabi nila, sa katunayan wala naman talaga. ang pagiging BOBO ay ginagawa ng tao sa sarili niya.. kung may taong bobo edi sana mas marami  ang di nakakapag tapos ng elementarya pa lamang.. isang katibayan na walang bobo ay ito.. kung ang aso nga natututo at marunong tao pa kaya?? bakit ang may mga kulang sa pag iisip, mas mataas pa ang nakukuhang edukasyon kumpara sa mga taong wala namang disabilities? diba??

Sa maka tuwid ang ka BOBOHAN ay ginagawa ng tao sa sarili niya mismo.. at ang nakakatakot dito nakakahawa ito.. tulad ng hindi pag-aaral sa araw bago ang exam.. tapos mag aaya ka pa ng inuman o gimik kasama ang ibang classmate mo.. so sino ang bobo sa exam kinabukasan?? IKAW! at wala ng iba! sa kasamaang palad hinawaan mo pa ng kabobohan mo ang mga Klasmeyt mo. Gets mo?

Ang sunod na salita ay ang "TANGA". ito naman ang salitang naiihahambing o naipaparehas sa salitang bobo..(hindi sa panget mong clasmate na nagrurunong-rununungan) ngunit napakalayo ng ibig sabihin ng dalawang salitang ito.. ang katangahan ay lumalabas sa emotional na parte ng buhay ng isang tao.. minsan sa sobrang talino mo nagiging ganito ka.

Ang katangahan ay hindi sadyang pag kakamali o kahinaan ng pag-iisip, ito ay isang natural na nang yayari sa isang tao lalo na sa kung siya ay inlove.. Ngunit may mga gumagawa din nito ng sadya.. ang pa-sadyang katangahan o tatawagin nating VOLUPIDITY (Voluntary Stupidity) ay ginagamit ng isang tao para ma depensahan ang kalokohan nila o minsan ginagamit ito upang mag bulag-bulagan o makatakas sa tunay na nangyayari sa paligid nila. ang iba ginagamit ito sa kamanyakan tulad ng pag bangga oh aksidenteng pag hipo sa katawan ng type nila. at mag sosorry at sasabihing di nila nakita o napansin ito.

Nag kakasabay ang dalawang salitang ito (ANG BOBO AT TANGA) kapag ang isang tao ay nakadama ng tunay at wagas na pag-ibig as in hindi kamanyakan.. o kalandian.

 Ito yung parte ng love na kahit mukhang nag lalakad na kubeta ang minamahal ay bale wala sa kanya. at kahit anong marinig na panlalait at katatawanang kumento ok lang, kadalasan nagagalit ka pa kahit alam mo na totoo naman talgang matabang bansot na parang pwet ng kawali ang batok ng sinisinta mo at ang mukha ay di maipaliwanag ng mga eksperto sa paranormal at kababalaghan.

kadalasan ang mga ganitong tao ay ang mga gwapo at magaganda sana kung hindi lang naging panget.. OO PANGET MGA PANGET NA TAO ANG NAKAKARANAS NG GANITO!!! 

kaya kung hindi ka panget at ayaw mo maging panget.. WAG KANG TANGA AT BOBO!!  

                                                                                                                                      SUSUNDAN.............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIndi lahat ng napag aaralan Natutunan... Pero may Alternative naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon