"Hazel ano nanaman ba yan?"
"Bakit inaano ba kita."
Sabi ng babaeng naka dapa sa kanyang kama habang umiiyak.
"Umiiyak ka nanaman dahil dyan sa crush mo eh lechugas barabas naman ulit ulit na lang yan walang buwan ka atang di umiiyak sa gagong yan."
Inis nyang sita sa akin.
" Hoy gaga ka talaga di ka naman inaano."
"Kung di ka naman kasi bobo eh ikaw kase palagi ang gumagawa ng first move ayan tuloy asa ka ng asa eh wala naman talaga."
"Litsi flan ka best friend ba talaga kita, wow nakakaiyak ang supportive mo ata."
"Pano ako hindi tatalak sayo eh wala ka ng ginawa kundi umasa ng umasa akala ko ba move on na tapos minessage ka lang bigay ka na agad eh wala ka pala."
"Alam mo naman baga Grace na simula-"
"Grade 5 hanggang ngayong 4th year na tayo crush ko parin sya kahit ilang beses kong pilitin mag move on wala parin isang hi nya lang boom shak blak wasak ang sinasabi kong move on."
Sigaw ni grace ki Hazel
"Ilang beses mo na ba yan sinabi oh tingnan mo nga saulo ko na lang. Hazel di ka ba nahihirapan ako kasi grabe na tama na katangahan na yang maituturing utang na loob naman mag seseven years na yang feelings mo para sa kanya di parin napapatay, pano kasi isang apir lang ang tibok ng puso mo quadruple."
Patuloy lang sa pakikinig ang dalaga.
"Gawin mo lahat para di kana masaktan habang maaga pa agapan na kasi baka hindi na maalis mahirap na."
"Napag isip isip ko rin tama ka masyado na akong nagpaka tanga tama na."
****
Dumaan ang graduation,college at maraming taon ng muli nya itong nakita sa isang hospital.
"Uyyyy kumusta ka na matagal tagal na rin tayong di nagkita. Kumusta buhay mo?"
"Oy Hazel ikaw pala yan halika punta tayo sa may playground."
"Sige ba."
****
"Hazel may sasabihin sana ako sayo."
"Ano yun Reid?"
"Ang totoo nyan alam ko na na may gusto ka saakin simula grade 5 hanggang 4th year alam ko din na pinag aaralan mo ring mag move on non. At heto kana may soon to be husband ka na."
Hindi naka salita si Hazel, naghahalo halo ang emosyon nya. Kaya pinagpatuloy ni Reid ang usapan.
"Bakit ko hinayaan ganon? Ang totoo nyan mahal talaga kita noon pa lang ewan ko kung anong nakita ko sa babaeng madungis, walang pakealam sa itsura at higit sa lahat kayang makipag sabayan sa trip ng kahit na sinuman. Noong nag chachat or text tayo mas lalo akong na fall. Siguro 2nd year tayo noong nakumpirma ko sa sarili ko na mahal talaga kita. Pero bakit ko nga ba hindi sinabi sayo? Kasi hindi mo ako deserve."
"A-ano bang sinasabi mo dyan!?" Maluha luha nyang sigaw.
"Hindi ako karapat dapat sa babaeng katulad mo. May bisyo ako na kahit anong gawin ko ay di mawala sa katawan ko. Wala akong pag asa maging successful sa buhay. Asa lang ako sa magulang ko at higit sa lahat may sakit ako."
"BAKIT HINDI MO SINABI! MAIINTINDIHAN KO NAMAN SANA! A-a-at anong sabi mo may sakit ka? naglolokohan ba tayo dito?"
Pabulong nyang sabi.
"Totoo ang mga sinasabi ko lahat ginawa ko para kalimutan ka nag bisyo ako nag rebelde, sumubok ng ipinagbabawal na gamot. Hindi kita sinisisi pero kaya ko yon hindi sinabi kasi gusto kong makahanap ka ng taong magbibigay sayo ng magandang pamilya at mamahalin ka. At may lung cancer ako 4th stage na. Di ako nag papacemo kasi para saan pa patapon narin naman ang buhay ko."
"Tanga ka ba? Alam mo bang maraming nagmamahal sayo at iiyak pag nawala ka? Hindi ka ba naaawa sa mga taong nasa paligid mo hindi mo man lang ba icoconsider ang feelings ng ibang tao ganyan ka ba talaga ka selfish at selfless. Alam mo bang sa sinasabi mo ngayon gusto kong bumalik sa nakaraan at ako mismo kokompronta sayo itatama ang mga maling ginawa mo."
"Sorry gusto ko lang naman na makahanap ka ng matinong lalaki na iibigin ka at pahahalagahan ka. Kaya ko yon ginawa. At alagaan mo ang magiging asawa mo. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya."
"Wag kang ganyan."
"May taning na ang buhay ko at ngayon ang deadline. Salamat sa Diyos dahil kahit sa huling araw ko naka pag tapat ako ng feelings ko sa taong mahal ko hangang ngayon."
At tumayo na sya tsaka tumalikod at kumaway sabay sabing
"Paalam masaya ako at nagkita tayo muli at nasabi ko ang dapat kong sabihin sayo 14 years ago."
At bigla na lang syang nahimatay.
BINABASA MO ANG
14 years ago (one-shot)
Teen FictionWe cannot predict the reasons behind the actions.