Beatrice's Point of View
"Cass! Cass!! Cassandra!!" Malakas na sigaw ko kay Cassandra dahil hindi ko siya mahanap.
Asan na ba na yung babaeng yun?
"Oh bakit??" Takang tanong niya habang nagsusuot ng hikaw. Pinag-masdan ko ang suot nya ngayon. I think she's wearing a sky blue satin fitted dress. Kitang kita ang kurba ng katawan niya. Ganda naman dis gurl. Di na ko nagulat na nabingkwit nya si hapon. Gwapo din yung isang yun e. Singkit nga lang.
"Susunduin daw ako ni Samuel" sabi ko sa kanya.
Bigla syang tumili kaya nahulog yung isa nyang hikaw. Dali dali niya namang hinanap iyun. Napairap nalang ako at inayos ang suot ko.
I'm just wearing a Sadie Crochet Lace Plunge Mini Dress. Kulay black siya, ayoko ng pula e. Okay naman diba?
"Gora lang, Beatrice! Aaaaa!! Kinikilig na naman ako hihi" sabi ni Cassandra.
Inirapan ko syang muli at pumasok muna sa kwarto para kunin ang purse ko. Kumunot ang noo ko ng biglan tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko iyung tiningnan.
Sumikdo bigla ang puso ko ng makitang message iyun galing kay Samuel. Hindi ko naman itatanggi at wala talaga akong balak itanggi kanino man na gustong gusto ko itong lalaking 'toh.
Actually, matagal ko na siyang kilala. Nung buhay pa si Mama, hindi ko lang sinasabi sa kanya kasi akala ko naalala nya ako. Pero hindi pala at nagpapasalamat ako dun.
Binasa ko nalang ang text sakin ni Samuel at hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mabasa kong naglalakad na daw papunta sa condo ni Cassandra.
Excited kong nilagay ang phone ko sa itim kong purse at nagmamadaling inayos ulit ang nakalugay kong mahabang buhok.
"Beatrice! Nasa labas na si Samuel!" Rinig kong sabi ni Cassandra kaya dali dali ulit akong lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa may sala.
Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko si Samuel na prenteng nakaupo sa may sofa at may dala na naman syang bouquet of flowers!
He's just wearing a simple black polo and also black slacks. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang isang hikaw niya na nasa kaliwang tainga niya.
Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang bulaklak at doon ko ulit napansin ang medyo hindi kalakihang tattoo. Para siguro sa iba madumi ang merong tattoo lalo na sa lalaki pero. Except for me. I find it hot kaya!
"Gaga ka kanina mo pa tinitingnan yung tao. Baka matunaw yan, Beatrice huh? Puntahan mo na at umalis na kayo hihi" bulong ni Cassandra sa akin bago ako nilagpasan.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Samuel at hindi naman ako nagkamali. Awtomatiko siyang napatayo at nginitian ako. I smiled back and walk towards him.
Nang makalapit ako ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng maamoy ang napakabagong mabango nya. Hmm! Ang yummy ng amoy hihi.
BINABASA MO ANG
Bad Girl (Beatrice Ezza)
RomanceAttractive Girl Epistolary #5 An Epistolary Novel Beatrice Ezza Xerxes and Samuel Anthony Kaiser Started: April 5, 2021 Ended: April 16, 2021