2 years ago...
LIBBY was on her way home mula sa ospital kung saan siya nagi intern bilang Physical therapist.. Sa ospital kung saan isang oras lang ang nakakaraan ay bigla siyang napadausdos sa sahig at nawalan ng malay. She was pregnant.
JACOB would be happy, anang isipan habang sinususihan niya ang pinto ng condo unit ng lalaki kung saan na rin siya nakatira halos magi isang taon na.
No, Jacob would be sooooo happy.
Hindi ba't ito ang laging nag-aaya ng kasal? Nangangarap na bumuo na sila ng isang pamilya? Pero lagi niyang iginigiit na kailangan nilang maghintay.
Not that she wasn't ready to be a mom. Pinapangarap din niya ito lagi. She's 24 years old, afterall. But she wasn't ready to face his family. Too insecure, in fact. Kaya nakukuntento siya sa sitwasyon nila.
During the day, they live their separate lives. What matters to her is that they come home together. Every night. Every single night. Kuntento na siya. Jacob loves her. Her. The ordinary Elizabeth Fabiana, loved by the budding tycoon Jacob La Guardia. Ang bunsong anak ng pamilya La guardia na kabilang sa mga prestihiyosong pamilya ng bansa.
They are into telecommunications business and Jacob has just recently started his very own company of Security Installation catering to big companies.
"When will you agree to marry me?" minsan tanong sa kanya ni Jacob.
Now. Tomorrow. I should have married you long ago, sagot ng isipan. Pero nginitian niya lang ito. "What's the rush,babe?" and kissed him intently to keep him busy. To keep him quiet.
Hindi niya masabi ang mga insecurities niya. Siya na hanggang ngayon ay pilit iniaahon ang sarili mula sa hirap. At 24, hindi pa siya nakakapagtapos sa kursong Physical Therapy dahil working student siya. Hati ang oras sa pagtatrabaho at paga-aral.
When she first started college sinuportahan niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga fastfoods. Buti na lang nauso ang ESL jobs at nasimulan niyang magtrabaho bilang ESL teacher hanggang sa mag homebased na rin.
It was only last month na nagpahinga siya mula sa pagtatrabaho dahil nagsimula na ang internship niya.
Her mind is in a hurry. Gustung-gusto niya nang makapagtapos. Makapag-exam, pumasa. Kahit degree lang ang panghahawakan niya kapag pumayag na siyang ipakilala sa pamilya ni Jacob.
Jacob claims he's proud of her, and there's no doubt that's true.
But Libby grew up always being looked down upon. Her mom was famous for being the most beautiful sa kanilang bario sa probinsya. Pero dahil salat sa pamumuhay, nakipagsapalaran sa Maynila kung saan nagtrabaho bilang masahista.
She got involved with a married man, was abandoned when she got pregnant. At kung mahirap na ang buhay noon ni Barbara Fabiana, mas lalo pang humirap nang panindigan nitong buhayin at itaguyod ang anak.
They went back to the province kung saan lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nito. Pakikisaka, paglalabandera, pagmamasahista, pagtitinda ng miryenda at kung anu-ano pa.
At sa halip na hangaan sa pagsusumikap nito, people demeaned and snickered. "Ka gandang babae pumatol sa may asawa, yan tuloy nagkakandamalas-malas."
"Hindi na yan aahon sa hirap. Idinadamay pa ang anak."
Ilan lang iyan sa mga lumalabas sa bibig ng tsismosa nilang mga kapit-bahay.
Lumaki si Libby na sanay sa mga pamigay. May sulsing uniporme, malaking sapatos na sinisiksikan ng papel, bag sa highschool na may larawan ni Ultraman. She never complained. Nagsumikap pa rin. Hindi man siya henyo sa paaralan, dahil sa sipag mag-aral ay lagi siyang nabibilang sa mga tumatanggap ng parangal.
Tinuruan din siya ng mama niyang manghilot pero lagi siyang sinasabihang huwag iyong seryosohin, bagkus ay tutukan ang pag-aaral.
Ngumingiti lang siya, hindi masabi rito na gusto niyang mag-aral ng Physical Therapy sa kolehiyo. Dahil hindi niya naman alam kung kakayanin ba nilang igapang ang pagkokolehiyo niya.
Namatay ang mama niya sa pneumonia ilang linggo lang matapos ang graduation niya sa highschool.
Nagbingibingihan siya noong burol kahit pa gustong sumabog ng dibdib niya sa galit.
"Sa ganda niyang iyan, maghanap na lang siya ng kahit matanda basta mayamang mapapangasawa para makaahon naman siya sa hirap. Huwag gagaya sa nanay niya."
She vowed she'd never do that. Hindi siya kakapit sa isang tao para lamang i-ahon ang sarili sa hirap.
Isang malayong kamag-anak ang nag-alok sa kanya na magbantay sa mamihan nito sa Maynila para raw tulungan siyang makapag-aral.
Mahigit isang taon siyang nagtrabaho rito saka napagtantong wala itong balak tulungan siya sa pag-aaral,bagkus ay pakikinabangan lang nito ang ganda niya sa dami ng naaakit niyang customer.
One time may regular customer silang matandang lalaki ang nagrereklamo sa masakit na balikat nito. Naawa siya dahil alam niyang kargador ito sa palengke at iyon ang sanhi ng nararamdaman nito. Nag-offer siyang hilutin ang matanda at hindi inakalang dahil doon ay magkakaroon siya ng sideline. Halus gabi-gabing may kustomer siya ng hilot.
Isang kaibigan ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya na mag-apply sa isang sikat na fastfood. Umalis siya sa mamihan at nakipagsiksikan sa mga bagong kaibigan na nakasama sa trabaho. At nang sa wakas ay nakaipon ng sapat ay nag enroll siya sa pinakamalapit na pamantasan.
From then on, there was no stopping her. She promised herself that no matter how long it takes tatapusin niya ang pag-aaral.
And then she met Jacob La Guardia. She'd just started working part time as an ESL teacher sa isang maliit na kumpanya. Hindi ka puwedeng tumangging sumama sa Team Building kaya't hayun kasama siya sa beach ng hapong iyon.
Naglalaro sila ng Taboo words pero hindi sila masyadong makapag concentrate dahil sa ingay na nagmumula sa grupo ng mga kalalakihang naglalaro ng volleyball malapit sa kanila.
They've finally decided to move farther nang biglang mapatigil sila dahil naghiyawan na naman ang mga kalalakihan. This time, out of distress.
Mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang isang lalaking namimilipit sa may buhangin habang di alam ng mga kasama nito ang gagawin.
Instinct made her run. She immediately knew they were not supposed to move him without identifying his needs.
Mabuti na lamang at protocol sa team building nila na laging may dalang first aid kit. sinigawan niya ang isa sa mga kasamahan na hanapin iyon.
The guy was chanting curses. And he was doing it fluently,she noticed, na nagpangiti pa sa kanya habang lumuluhod sa may paanan nito.
"Who the hell are you?" he glared and growled,
Hindi siya sumagot bagkus ay sinenyasan lahat ng nakapalibot sa kanila na lumayo. Nakalapit na si Izza dala ang first aid kit.
Sprain. Iyon ang unang naisip niya habang sinusuri ang paa ng lalaki.
"I need to take off your shoes."
"Hey, are you a doctor?" tanong ng isa sa mga kalalakihan.
"You wish." aniya habang binubuksan ang first aid bag.
"Hinay-hinay ka miss. If you're not sure with what you're doing, he could sue you 'til your eyes bleed kapag nagkamali ka jan ng galaw."
She was about to bring out the bandages but stopped when she heard that. She let out a sigh, put back the bandages and started closing the bag.
"Hey, why did you stop?" kunut-noong tanong ng lalaking nakahiga
"It seems like you and your friends don't need any help afterall." Tiningala ang mga nakapalibot sa kanila. "So, what do you propose to do? Bring out your phones and take pictures? I'm sure that would be very helpful."
"Don't go, damn it! Do what you were about to do!" anang lalaki nang simulan niyang tumayo.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Help me,please." he said between gritting teeth.
She bandaged his sprained ankle properly and gave instruction habang ipinapasok sa van na magdadala dito sa ospital.
"Wait!" sabi nito nang isasara na ng mga kasamahan ang van. "Miss, please wait."
Kunut noong napalingon uli siya. "Yes?"
"I need you to come with me to the hospital." nang akmang tatanggi siya ay inunahan uli siya nito. "Come closer may sasabihin ako."
Hindi sana siya papasok pero ipinagtutulakan siya ng mga katrabaho at kesa naman magmukha silang mga bata habang pumapalag siya ay pumasok na rin, Isinara ng traydor na mga kasamahan niya ang pinto.
Muling sumensyas ang lalaki na lumapit siya.
Doing all her best not to touch his feet, inilapit niya ang ulo.
"I need you to come, I don't trust these morons." ang tinutukoy nito ay ang driver at kasama nito sa harapan. Ang ibang kasamahan nila ay may kani kaniyang mga sasakyan.
The two 'morons in front heard that and groaned their protest pero kumindat lang ang lalaki sa kanya sabay ngiti.
Sabihin na nating nakuha siya sa isang ngiti. She was totally mesmerized. It was only then that she noticed how good-looking he was.
Umandar ang makina ng van at wala siyang nagawa kundi ayusin ang upuan at pumuwesto. Mabuti na lamang at di niya pa tinatanggal ang shorts at topper sa ibabaw ng one piece swimwear.
"My name's Jacob, by the way. What's yours?"
"Elizabeth."
"Elizabeth." ulit nito sabay tango ng marahan. "Libby. I'll call you Libby."
And that's when Libby's carefully planned life wavered a bit. She became feeble when it came to Jacob La Guardia. After three months of dating, she finally moved in with him.
Ang tanging pinanindigan niya na lamang ay ng pagiging independent niya pagdating sa pag-aaral. Tinanggihan niya ang ilang beses na pagooffer nito na pag-aralin siya. When he realized how determined she was with her resolve ay hindi na siya nito pinilit bagkus ay tinulungan na lamang siya sa mga pasimpleng paraan na hindi niya matatanggihan. Tulad ng 'pagpapahiram' sa laptop nito na ayon dito ay hindi na ginagamit, para makapag-apply na siya ng homebased na trabaho. Mga ganong bagay.
Ang laki ng ipinagbago ng buhay ni Libby nang dumating si Jacob. And now with a baby on the way, napaisip si Libby na kailangan niyang magrelaks ng konti. May isang buhay na siyang mas dapat bigyang halaga. Maybe she needs to lower her guard a little. Maybe pride is not really what matters most now. Maybe she'd best give Jacob the chance to really take care of her...
NAPAPALUHA siya mula sa halu-halong mga emosyon habang hinihintay na sagutin ni Jacob ang tawag niya sa kabilang linya,
"Hello? Libby, are you okay?" there was alarm in his voice. Natural. Sa unang pagkakataon tinawagan niya ito sa ganitong oras. Something she'd never done before,ever. As if she had an unspoken rule na hindi nila dapat iniistorbo ang isa't-isa during the day.
That's how complicated their relationship was.
And everything's about to change from now on, anang isipan.
"I'm okay. I just missed you."
Sandaling katahimikan. "Really?" alanganin pa rin ang lalaki.
"Really." tumawa siya. "Come home now?" it was only 2pm. Too early,really.
"Tell me you're really okay,Libby. And why are you home so early? You're supposed to be on duty." maririnig na nag-aalala pa rin ito.
"Medyo masakit lang ang ulo ko kaya umuwi ako ng maaga, but bring me home an ice cream and I'll be okay."
"Mango flavor or mango flavor?" sa wakas ay gumaan ng boses ng lalaki.
"You know me so well babe," napatawa siya ng mahina. "Love you."
"Love you, see you in a bit."
BUT she didn't see him in a bit.
She waited and waited hanggang sa magdilim. Noong una'y nakaramdam pa siya ng pagtatampo. Was there an emergency sa office at di ito makaalis? But no, if that were the case tatawag at tatawag ito.
When she tried calling him again, 'cannot be reached' na ang naririnig niya sa telepono.
Was there an accident? No! Agad na tanggi ng isipan.
But there was an accident. It was already midnight ng isa sa mga kaibigan nito na si Rocco ang nakaalalang may girlfriend pala si Jacob na dapat ay nasa ospital din. He actually came to get her.
Manhid ang isipan niya habang binabagtas ng kotse nito ang kalsada papuntang ospital.
"I'm sorry talaga, we were all so worried na hindi ka namin naalala kanina." paulit-ulit na hingi nito ng paumanhin.
"How is he?" ang tanging tanong niya.
"We don't actually know yet. But his car was a total wreck. I'm sorry, what am I saying? I'm sure he's going to be alright."
Nasapo ni Libby ang tiyan at dahan dahang humugot ng hininga. Inhale, exhale...
He's going to be alright. Everything's going to be alright...
SHE was wrong.
Hindi niya malala ang mga sumunod na pangyayari. Everything seemed blur when she got out of the car to enter the hospital.
Her head was spinning nang marinig niya ang mga inabutan nilang nagbubulungan.
If he doesn't wake up any moment there's a big possibility he'll go comatose, possible brain injury, arm amputation...might not wake up at all...
At some point yata ipinaliwanag ni Rocco sa pamilya ni Jacob na girlfriend sya nito. That they've been living together for some time. Hindi nagregister sa utak niya kung paano iyon tinanggap ng pamilya ng lalaki, all she knew was that she finally had her chance to enter his room.
Pero hindi siya nakalapit. She remained rooted to the floor, Gilalas ang mukhang nakatingin sa kama kung saan naroon ang lalaking halos di makilala sa dami nang sugat sa mukha at kanang bahagi ng katawan.
Is it possible that he's still alive? The man in the bed looked dead.
Mas lalong nanikip ang dibdib niya. Hinahabol ang paghinga.
She didn't know how long she stood there. But she knew she didn't dare get closer to him.
Look where your selfishness has led to! Usig niya sa sarili. Look at what you did!!!
She took a step backward. And another hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng silid.
She ran.
And never stopped running.
YOU ARE READING
Winning Back My Angry Ex-lover
RomanceExcerpt: "I saw you. I saw how disgusted you were when you saw my wounded body lying in that hospital bed. I saw you ran. In a way, that made me want to live. So I vowed to find you. I vowed to make you face everything that you ran away from. And yo...