HDL 2

31 2 0
                                    

Habang umiiyak si Lyka sakalsada dahil sa pagkakadapa, nilapitan siya ni Paul. Dahan-dahang napa-angat ng ulo si Lyka at napatingin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Napatulala at napanga-nga naman ito.

"Ayos ka lang?" tanong ni Paul habang tinutulungan itong tumayo

"O-o, s-salamat." nauutal na sagot naman ni Lyka

Pagkatapos matulungan ni Paul si Lyka ay agad din itong umalis at iniwan si Lyka mag-isa.

"Ang cool niya talagang tignan."--Lyka habang pinagmamasdan ang paalis na si Paul

"Napakalayo talaga ng ugali ni Jaynord sa'yo. Para kayong hindi magkapatid." dugtong pa nito saka naglakad paalis

"Ugh. Nakakainis si Mama, siya ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis tapos pinagalitan pa ko."

"Ha? Sino un? Ba't may nagsasalita?"--tanong ni Lyka sa sarili nang may marinig na boses ng isang batang lalake. Hindi nalamang nya ito pinansin at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang may tumama sa noo nya.

"Araaaaaaaayyy." sigaw ni Lyka habang nakahawak sa noo at nakatingin sa basyo ng coke in can

"Naku. May natamaan ata ako?"

Nang makita ni Lyka kung sino ang nakatama sa kanya ay mas lalo itong nanggigil dahil si Jaynord pala iyon.

Naiinis na nilapitan nito si Jaynord. Nakakuyom ang kanyang mga kamay na tila ba handa nang manuntok.

"Ano bang problema mo?! Gusto mo bang maghiganti ha?!"--Lyka

"Eh, tanga ka pala eh. Sino bang nagsabi sa'yong saluhin mo ang lata?! Paharang-harang ka kasi sa daan!"--Jaynord at saka mabilis na umalis dahil ayaw niyang makipagtalo pa.

"Duwag! Duwag! Duwag! Bakla!" sigaw ni Lyka sa paalis na si Jaynord. Napalingon naman ito dahil dun at tigninan ng masama si Lyka

"Nakakainis ka talaga Lyka! Nakakainis, times two, times two, times two! Humanda ka sakin bukas!" sigaw din pabalik ni Jaynord at saka tuluyang umalis.

Mabilis rin na umalis si Lyka at umuwi na sa kanilang bahay.

Mahirap lamang ang buhay nila Lyka. DOble kayod sa pagtatrabaho ang kanyang ina at kung minsan ay tumutulong naman kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Si Lyka ang bunso sa kanilang pamilya. Sa sobrang abala ng kaniyang ina at dalawang ate ay hindi na siya gaanong napagtutuunan ng pansin, kaya lagi siyang nasa lansangan na nakikipag-laro kapag walang klase.

Ni hindi alam ng kanyang ina ang nangyayari sa kanya sa araw-araw. Hindi na nakilala pa at nakita ni Lyka ang kanyang ama. Ipinagbubuntis pa lamang ni Tesie si Lyka nang mag-pasya si Victor(ama ni Lyka) na mag-abroad at mag-apply bilang isang pintor sa Seoul, South Korea. Ngunit nakalipas ang ilang taon nang wala silang naging balita dito. Ang tanging alam ni Lyka ay patay na ang kanyang ama.

Pagkauwi ni Lyka at nakitang abala ang kanyang ate at nanay ay nagpasya na lang syang umalis ulit at pumunta sa sementeryo kung saan ang puntod ng kanyang tatay ayon sa kanyang ina.

"'tay, siguro kung buhay ka pa hindi nahihirapan sila nanay at ate ngayon para kumita ng pera. Siguro masaya tayo, ako. 'tay sana buhay ka pa para maranasan ko kung ano ang pakiramdam ng may tatay." naiiyak na wika na Lyka habang nakatingin sa puntod

"Bakit ka pa kasi namatay! Ha? 'tay?!" umiiyak na sigaw ni Lyka

"Ehm, excuse me." wika ni Paul mula sa likod ni Lyka

Lumignin naman ang bata na umiiyak pa rin.

"Ano ang sabi mo? Tatay mo ang nakalibing diyan?" tanong ni Paul

Tumango na lamang si Lyka.

"Teka, teka. Mukhang nagkakamali ka! Eh Daddy ko--ah este Tito ko ang nakalibing diyan." paliwanag ni Paul

"Ha??!" gulat na wika naman ni Lyka at binassa ang pangalan na nakalagay sa lapida na kanyang iniiyakan.

Madaling pinunasan ni Lyka ang luha sa mukha nya at tumayo.

"Pasensya ka na ha? Mukhang naligaw ako." palusot ni Lyka at saka nagmadaling tumakbo paalis

Nang makalayo na si Lyka ay umupo siya saglit upang magpahinga.

"Nakakahiya, may paiyak-iyak pa akong nalalaman. Hindi ko naman pala tatay un, nagkamali pa ko ng pinuntahan." wika ni Lyka sa kanyang sarili Unti-unti itong tumawa dahil sa katangahan.

"Baliw na ata ako. Baliw baliw!" patuloy pa rin ito sa pagtawa.

"Naku! Madilim na, lagot ako. May pasok pa bukas." wika nito nang tumigil sa pagtawa saka nagmadaling umuwi

Hinihingal itong dumating sa kanilang bahay.

"Buti nalang busy parin sila" bulong nito

Dali-daling naglinis ng katawan si Lyka para hindi siya mapagalitan.

"Lyka! Lyka! Bumaba ka na diya! Kakain na!" tawag ng kanyang ina

"Opo 'nay! Andyan na!" tugon naman nito.

 

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon