Untitled Story Part

33 0 0
                                    

"Ineng.. pwede bang maka hingi ng isang rosas?" Tuwing papasok ako sa school ay nakikita ko si lolo ben. Si mama lagi ang nasa labas tuwing umaga kaya naman sya ang nakakausap ni mama.

Ganto naman lagi ang eksena tuwing umaga, pag nabigyan sya ni mama ay magpapasalamat na sya at aalis.

Dahil nga papasok na ako ay magkakasabay Kami at magkkwentuhan, madalas ay sasabihan nya kong mahalin ko ang mga magulang ko, pero mapapansin na may kirot sa pangaral nyang ito.

Hanggang sa na curious na talaga ko kaya naman

"Lo. Nasaan na po ba ang mga anak nyo? Ang asawa nyo? At para kanino po ang rosas na yan?"

"Ah ito?" Tinaas nya ng bahagya ang rosas at tumawa ng mahina "para ito sa asawa ko. At ang mga anak ko, alam kong mabuti na ang buhay nila kaya baka hindi na nila kami kailangan" nagulat ako sa sinabi nyang yon. Sa itsura ni lolo ben eh napaka hirap na sa kanya na kumilos magisa.

Pero ang isang pang pinagtataka ko ay kung nasaan ang asawa nya

"Oh apo. Dito na ako dadaan. Byebye" nag wave saakin si lolo, natuwa ako sa ngiti nya. Sayang. Hindi pa ko na satisfy sa kwento nya.

-

Uwian na namin, heto na naman ako naglalakad pauwi. Malapit lang kasi ang school ko.

"Ija.." halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.

"Lo! Kayo po pala. Ginulat nyo naman ako" nagmano ako sa kanya at nagsabay kami sa paglalakad

"Tungkol po doon sa kaninang uma--" naputol ang sasabihin ko at biglng syang nagsalita

"Ipapakilala kita sa asawa ko.." nagalak ako sa sinabi ni lolo, bahagya akong hinila ni lolo para lumiko sa isang street di kalayuan sa amin

Nang mapansin ko kung saan kami patungo ay agad npa kunot ang noo ko
"Lo? Sabi nyo ipapakilala nyo ko sa asawa nyo? Eh bakit po tayo nasa sementeryo?" Napatawa sya ng mahina.

Hindi sya nagsalita ang nagpatuloy lng sa paglakad kaya sinundan ko sya. Tunigil kami sa isang puntod

In loving memory of Anastasia ocampo.

"Nandito na ako asawa ko at may kasama ako.." doon ko lnhg na realize ang lahat. Patay na ang asawa ni lolo

"Kkwentuhan kita apo. Namatay sya dahil sa isang aksidente, hindi ko nga akalain ang araw naiyon eh.." napatingin ulit ako sa puntod at napakarami doong tuyot na rosas

"At ang mga anak ko, wala na atang balak na balikan ako"

"Saan po ba sila?"

"Hindi ko rin alam eh. Basta napagtapos ko sila. Si reah ang panganay kong architect si louie naman ay engineer at ang bunso kong si owen ay doctor. Iniwan na nila kami, siguro sawa na silang alagaan kami. Naiintindihan ko sila at masaya ako para sa kanila, alam kong maganda ang buhay nila ngayon. Buti at naitawid namin ang pag aaral nila, ang asawa ko ay nagtitinda ng gulay sa palengke at ako suma sideline sa construction, janitor, at kargador" napangiti si lolo.

Napansin ko naman ang isang pinagtagpi tagping yero na siguroy bahay nya

Napasakit sa loob ko na ganto ang nangyari kay lolo. Nakakaawa.

Inihatid ako ni lolo sa bahay namin nung araw na yon.

-

Kinabukasan hindi ko nakita si lolo at hindi rin kami nagkasabay. Nung naglalakad ako sa labas ng village ay may mga pulis at maraming tao at dahil chismosa ako ay nakitingin ako

Tumigil ang mundo ko nang makita kung ano yun. Si lolo ben naka handusay sa sahig at duguan ang ulo. Ang sabi ng saksi na hit and run daw.

Sinagot ng pamilya namin ang burol at libing ni lolo. Itinabi namin sya sa puntod ng asawa nya at mula noon ay araw araw na kong dumadaan dito at nagiiwan ng puting rosas..

puting rosasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon