Disclaimer:The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance to actual persons living or dead is entirely coincidental.
Hi! So if ever na may babasa nito I just want to share a little note for you.
Ang main inspiration ko po dito ay ang Ashes of Love na isang Chinese drama. I've got the idea about realms from that drama and some scenes are an idea from that drama too. Pero I assure you that this story doesn't have an identical plot with Ashes of Love. Thank you! Enjoy reading :>
--------------------------
"Riri."
"Riri!"
Sunod sunod na pagtawag saking pangalan ang siyang nagpagising sa akin.
"Kanina ka pa tinitingnan ni Master Plum, tinutulugan mo na naman ang klase niya." Umupo ako ng maayos at hindi ko napigilang mapahikab na sakto namang nakatingin sa akin si Master Plum na nagtuturo sa harap namin.
He stopped talking and walked towards my seat.
"Lagot ka Riri! He looks mad." Bulong sakin ni Fleur.
"Oo galit ako, Fleur!" Nagulat kaming lahat sa galit at nakakatakot na sigaw ni Master Plum kaya walang naglakas loob na tingnan siya.
"Mauri!" Hinampas ni Master Plum ang lamesa ko kaya napilitan akong tumingin sa kaniya.
"Pumunta ka sa harap at basahin mo ang nakasulat sa libro!" Hindi agad ako kumilos dahil sa takot sa kaniya kaya hinampas na naman niya ang lamesa.
"Move!" Dali dali akong tumayo at pumunta sa harap upang gawin ang kaniyang iniutos. Pagharap ko sa klase ay nakita kung nakaupo si Master Plum sa upuan ko kanina at hindi ko mapigilang matawa. Pati narin ang iba kong kaklase ay hindi na napigilan ang mga tawa.
Masyadong mataba at malapad si Master Plum kaya nagmistulang maliit na upuan ang aking silya at mukha siyang higanteng nakaupo dito.
Pinandilatan niya kaming lahat ngunit hindi parin nito napigilan ang tawa ng aking mga kaklase.
Tumikhim na lamang siya at pinanatili ang estrikto at seryosong mukha."Start reading now Mauri."
Kinuha ko ang libro at sinimulang basahin ang nakasulat sa mga pahina.
"Sa daigdig na ito ay may ibat ibang tribo, kaharian at siyudad na pinamumunuan ng iba't ibang mamumuno." Tiningnan ko si Master Plum at nakita kong nakapikit na ito ngayon. Nang mapansin niyang huminto ako ay idinilat niya ang kaniyang mata kaya agad naman akong nagpatuloy.
"Kaharian ang may pinakamataas na ranggo sa tatlo kasunod nito ang mga tribo at panghuli naman ang mga siyudad.
May apat na kaharian ang daigdig. Ang Puting kaharian o White realm, Itim na kaharian o ang Black realm, Kaharian ng mga Halaman o ang Floral realm. Sa tatlong kahariang ito nakatira ang mga immortal habang ang mga mortal naman ay nakatira sa mundo ng mga tao o Human realm. Layunin ng mga kahariang ito ang panatilihin ang balanse ng daigdig kaya isang malaki at mabigat na responsibilidad ang dala ng mga ito.
Naninirahan sa Puting Kaharian ang karamihan sa mga malalakas na immortal o tinatawag na higher at highest immortal. Meron silang iba't ibang kakayahan at responsibilidad na naaayon sa lakas ng kanilang kapangyarihan. Pinamumunuan ito ni Haring Ravaecus at katuwang nito ang asawang si Reyna Aviona.
Sa Black realm naman ay dito nakakulong ang mga nilalang na nagkakasala hindi lamang sa kanilang kaharian kundi pati na rin sa iba pang kaharian. Itim na kaharian ang tawag sa kanilang kaharian dahil hindi abot ng sinag ng araw ang kanilang lugar. Hindi sila nakakaranas ng umaga, tanghali o hapon pawang gabi at kadiliman lamang ang kanilang nararanasan. Demonyo ang tawag sa nga nilalang na naninirahan dito. Nahahati sila sa dalawang pangkat ang mga puting demonyo na hangad ang kabutihan at kapayapaan ng mundo at ang mga itim na demonyo na layunin ay maghatid ng kaguluhan at sakupin ang apat na kaharian.