The Waves and The Sunset.
Isang ordinaryong araw na naman ang malapit ng magwakas. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang mahabang upuang gawa sa kahoy habang pinagmamasdan ang nakahuhumaling na paglubog ng araw, nagmistulan namang musika sa aking pandinig ang kalmadong hampas ng mga alon ng dagat sa dalampasigan habang marahang dinarama ang malamig na simoy ng hanging dumadampi sa aking katawan. Nanatili ako sa ganoong posisyon at ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa papalapit sa aking direksyon, nilingon ko ito at bumungad sakin ang isang matandang babaeng suot ang isang maganda at puting bestida. Marahan itong umupo sa aking tabi. Ilang minutong
katahimikan ang namagitan saaming dalawa.“Saan ka ba nagpunta?” wika ko na siyang bumasag sa aming katahimikan.
“Sa isang malayong bayan na kung tawagin nila ay paraiso. Maganda roon at payapa” sagot niya ng hindi man lang inaalis ang tingin sa papalubog na araw.
“Alam mo bang simula nung umalis ka palagi kong tinatanong ang aking sarili kung paano na ang bukas ng wala ka” pilitin ko mang ngumiti ay sadyang hindi talaga marunong magsinungaling ang aking mga mata. Nagsimulang pumatak ang mga luhang hindi ko na mapigilan.
Humarap ito sa aking direksyon at idinampi nito ang kanyang mga palad upang punasan ang aking mga luha, malamig at kulubot na ang mga ito.
“Masaya na ko kung nasaan man ako ngayon, hindi ka dapat malungkot dahil
payapa na ako" kung kanina'y walang kaemo-emosyon ang makikita sa mukha nito, ngayon naman ay nagbitaw ito ng isang malapad na ngiti na tila ba gustong patunayan ang binitawan nitong mga salita.“Hindi lang kasi ako sanay ng wala ka, sinanay mo kasi akong nandyan ka palagi sa tabi ko, kaya nung iniwan mo ko hindi ko alam kung paano pa ako babangon, hindi ko alam kung paano pa ako magpapatuloy” patuloy lamang ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking pisngi at sa kanyang mga palad, ramdam ko ang pangungulila sa bawat salitang binibitawan ko.
“Tandaan mo ito, may mga pangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin
kontrolado at hindi natin kayang diktahan at wala tayong ibang pagpipilian kundi tanggapin ito upang tayo’y makapagpatuloy” ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang binibitawan niya.Hindi ako makasagot, ang tanging alam ko lang ng mga panahong ito ay nalulungkot ako, nasasaktan ako, gustong umiyak hanggang wala ng katiting na luha ang lumabas mula sa ating mga mata, gusto kong humiling na sana’y huwag na siyang umalis pa. Kasi hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa presensya niya.
"Tumahan kana, gusto ko maging matatag at masaya ka kahit wala na ko sa tabi mo, baunin mo lahat ng payo, saya at mga alaala, gamitin mo itong inspirasyon para muling bumangon. Magpatuloy ka lamang sapagkat pagdating ng tamang panahon tayo'y magkikitang muli" matapos bitawan ang mga salitang iyon ay ang
syang unti-unting panlalabo ng kanyang mga kamay na kasalukuyang hinahaplos ang aking mga luhaang pisngi.Bago ito tuluyang maglaho ay nag-iwan ito ng isang matamis na ngiti, isang ngiti na babaunin ng alaala ko sa mahabang panahon.
Kasabay ng tuluyang paglalaho ng matandang babae ay ang siya namang
pagmulat ng aking mga namumugtong mga mata. Panaginip, sa unang
pagkakataon ay dinalaw ako ng nag-iisang bababeng mamahalin ko sa buong buhay ko, ang lola kong yumao isang taon na ang nakararaan.
BINABASA MO ANG
The Waves and The Sunset
Short StoryI wrote this because it's a requirement in our Creative Writing subject✌