Chapter 1: Bawal Matulog

850 30 16
                                    

"Boy......boy.......gising! bawal matulog dito"

Ito ang boses ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Derick sa isang sikat na park sa Maynila. Isang unipormadong lalaki ang nakita niya sa pagdilat ng kanyang mga mata. Bigla itong napatayo sa takot at muntik pang mahulog sa sementadong upuan na kanyang hinihigaan. Buti nalang at nahawakan ito agad ng taong gumising sa kanya.

"Uy....ingat ka! muntik ng tumama ang ulo mo semento"

"Boss.....pasensya na! hindi ko sinasadyang makatulog....." takot na paliwanag ni Derick.....

"Boss....huwag nyo akong ikulong, pangako hindi na ako matutulog at aalis nalang po ako dito" nagmamakaawang pahabol nito.....

"Relax lang boy, wala naman akong sinasabing ikukulong kita. Wala namang nakukulong dahil natulog lang sa isang park. Ginising kita kasi bawal matulog dito at baka mapagalitan din ako ng boss ko, ako kasi ang nakatoka sa area na ito at isa pa baka mapagtripan ka ng ibang mga tambay dito. Mukha ka pa namang anak mayaman"

"Ganun po ba, salamat po boss....aalis na po ako....pasensya na po at salamat ulit!" paalam ni Derick.....

"Sige......ingat ka at huwag kung saan saan tumambay, maraming loko at mga gago sa daan"

Habang nag aayos ng sarili at ng ibang gamit si Derick. Hindi naiwasang pagmasdan at titigan ito ng unipormadong lalaki. Napansin agad nito ang maruming paa ni Derick habang suot ang sira at nakabuka ng mga sandals nito. Ngunit nagtataka ito dahil mukhang mamahalin naman ang suot nitong short at T-shirt maging ang dala nitong backpack. Idagdag mo pa magandang kutis at maamong mukha na talagang halata mong anak mayaman. Habang papalayong naglalakad si Derick hindi parin maalis ang tingin ng pulis dito. At para bang may bumubulong dito na sundan nito ang lalaking kanina pa nakakuha ng kanyang atensyon. Sakay ang service na motor, hinabol nito si Derick.

"Boy......gusto mong kumain? Libre ko" bungad ng lalaki habang sakay ng umaandar motor.....

"Hindi na po boss, busog pa po ako....salamat po" tanggi ni Derick habang patuloy sa paglalakad......

"Busog? Parang hindi naman halata..... huwag kang matakot sa akin at isa pa libre ko naman, eat all you can! Uy biro lang.....tara na! may malapit na kainan dito at mura lang.....sakay kana"

Gusto sanang tumanggi ni Derick pero alam nitong gutom na gutom na siya at buong araw itong walang kain. Naisip niyang hindi lahat ng taong makikilala ay malilibre siya ng kain. At isa pa tiwala siya sa taong ito dahil sa pulis naman ang nag alok sa kanya at halata din naman na mabait ito. Huminto sa paglalakad si Derick ganundin ang motor. Agad na sumakay sa likod, bago umandar inabot muna sa kanya ang isang helmet.

"Boy, suot mo.....mahirap na baka mahuli tayo.....kapit ka sa akin ng mabuti baka malaglag ka"

"Ok po boss....." sabay hawak sa balikat ng pulis.......

"Oh, bakit nanginginig ka? Huwag ka matakot!"

"Kinakabahan lang po ako"

"Bakit naman, kinakabahan ka dahil ngayon ka lang nakasakay ng motor o dahil sa pulis ang kasama mo?"

"Parehas po........."

"Hahaha......Huwag ka matakot, mabait ako..... relax lang ha....alis na tayo!"

Habang umaandar sila tuloy lang ang pulis sa pagsasalita at pagtatanong pa minsan minsan.........

"Ano palang pangalan mo boy?"

"Derick po boss....."

"Alam mo nakakatuwa ka.....sobrang galang mo naman, boss na nga ang tawag mo sa akin, panay pa ang "po" mo"

Arestadong Puso (boyXboy) ongoing.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon