Stolen Kiss

2.2K 3 0
                                    







Tuwang tuwa ako. Inaya ako ng manliligaw ko na maging date niya bukas! February 13 ngayon at bukas ay may ganap ang school namin para sa celebration ng Valentines!


Ise-set up niya kaya ako sa Marriage Booth?


Malaki ang ngiti ko habang inaayos ang aking mga gamit bago lumabas ng classroom. Napansin iyon ng aking mga kaibigan pero ipinagsawalang bahala nila ito.


Masaya akong naglalakad sa hallway nang matanaw ko ang bestfriend ko sa cafeteria. Katapat lang kasi iyon nang building na nilalakaran ko ngayon kaya kung tatawagin ko man siya ay makikita niya agad ako.



"Wren!" Tawag ko sa kanya. Excited na akong ipaalam sa kanya ang napag usapan namin ni Akil kanina!


Agad naman siyang nagpaalam sa Mama niya na school cafeteria manager. Nakita ko pa nga ang munting ngiti ni Mama sa amin. Tinakbo ni Wren ang pagitan namin da ako hinila sa medyo may kadilimang hallway kung nasaan ang library katabi ng Chapel.



Napapatalon pa ako bago simulan ang kwento. Umuulan pa kaya naman medyo maraming estudyante sa lugar na kinatatayuan namin dahil sumisilong. Nang lingunin ko sila ay mga Grade 8 students lang pala na mga kaibigan ko rin.


"Wren may ik-kwento ako sayo tungkol kay Akil!"


Bigla siyang umayos ng tayo saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Agad akong napapikit dahil akala ko ay pipisilin na naman niya ito. Ngunit nagkamali ako.


May malambot na dumampi sa labi ko.



Focc. Wala na akong first kiss?!


Kinuha na ni Wren ang first kiss ko!



Bagaman malinaw akong nakakapag isip ay hindi pa rin mai-proseso ng utak ko ang biglang nangyari. Ilang beses pa akong napakurap saka lumingon sa mga kaibigan ko. Mabuti na lang at nahaharangan ang paningin nila ng mga hawak na payong.


"Uh? Teka. Anong nangya--" sa ikalawang pagkakaton. Mulat na mulat ako at kitang kita ko kung paanong lumapat ang labi niya sa mga labi ko.


Teka! Bakit ganto!? Ang sarap niuang humalik! Nakakapanghina! Nakakalasing.



Dahil sa sarap ng halik na iginawad niya sa akin ay sa ikatlo, ikaapat hanggang ika-siyam na halik ay pinagbigyan ko siya. Mumunting halik lang iyon pero halos matunaw ang mga buto ko sa tuhod.


Yun ba yung butterfly kisses na nababasa ko sa Wattpad?


Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari pero isa lang ang malinaw sa akin.


Gusto ko pa ng halik ni Wren. Ang sarap niyang humalik.


"W-Wren"



"Hmm? First kiss mo ba?" tanong niya.


Dahil sa kahihiyan ay agad akong tumalikod at humalo sa mga kaibigan. Nakipag usap pa ako kay Ronie na parang walang nangyari. Ngunit kahit ganon ang pinapakita ko sa panlabas ay grabe naman ang kabog ng dibdib ko at samu't saring bagay ang pumapasok sa utak ko.


Putangina. What happened?!

How I Lost My VirginityWhere stories live. Discover now