GURABE

37 0 0
                                    

Kapag ba ang pagkagusto mo sa isang tao ay tumagal na ng a tear or two ano na bang tawag dun? Crush pa din ba or love na?

May nakalap nanaman akong storya hahaha kay Rin at kay Ken.

Si Rin ay isang normal na estudyante na may abnormal na mga kaibigan sa normal na paaralan. May nakilala siyang nakakaawa na nilalang nung freshie palang siya. Naging kaibigan nila ito at nakasama ng ilang linggo. Kahit naman kasi abnormal ang tropa nya ay may mga puso naman ang mga ito at marunong din makisama hahaha

So ayun na nga. Nakasama nila ung earthling na yon for weeka pero naputol din iyon dahil ung kaklase nung eaethling na un ay may sinabi sakanilang magtotropa para layuan si poor earthling. Edi layo naman sila kasi sila ay mga utu uto pa non.

Dumating ang sophie life nila. Magkakaklase ulit si Rin at ung abno nyang nga kaibigan. At dito na papasok si Ken. Si Ken ay isang transferee na freshie sa school nila. Nakilala siya ni Rin nung club meeting na. Magkaclub silang dalawa. Nakita ni Rin ung pangalan ni Ken sa attendance at nakitang magkasing apelido sila nung poor earthling na nakasalamuha nila dati. Ngayon, sa pagtataka nya, hinanap ng tingin nya si Rin at nakita nya mukha nito. Maputi, may braces at mukhang totoy hahahaha

At dahil sadyang echosera si Rin, inistalk nya si Ken at nakitang MAGKAPATID SILA NUNG EARTHLING NA YON!! Juicecolored! Magkapatid sila eh napakalayo ng mukha nilang dalawa!!

At dahil sa ilang bes inire si Rin sa sinapupunan ng ina nya eh araw araw nyang pinagmamasdan ang mukha ni Ken. Hinahanap nya kung san banda sila maglamukha nung earthling na yon dahil hindi talaga siya makapaniwala na magkapatid yong dalawang yon. Di siya makamove on hahahhaa

At dahil sa araw araw na pagtingin nya sa mukha ni Ken ay nahulog siya sa hagdan ay! Este kay Ken pala. Nahulog siya kay Ken. May gusto na siya kay Ken hahahaha

Agad iyon nalaman ng mga abno nyang mga kaibigan kaya todo asar sila pag makakasalubong nila si Ken hahha at dahil jan, nalaman na agad ng buong klase ang pagkagusto ni Rin kay Ken. Hanggang sa nalaman na ng buong school hahaha shempre alam na din ni Ken yon panigurado hahaha

Juinors na sila Rin at sophie naman ngayon sila Ken. At sa kasawiang palad, nagpasemi kalbo si Ken. Pero okay lang daw sabi ni Rin hahaha hindi non nabawasan ang pagkagusto nya kay Ken. Pero ito namang mga echoserang classmates nya eh patuloy na sinisiraan si Ken kay Rin. Kesyo ang panget panget daw ni Ken tas nagpoop daw sila dati ng tropa nila sa iisang bowl hahha (PASINTABI PO SA MGA KUMAKAIN) and so on. Pero hindi un naging dahilan para ayawan ni Rin si Ken.

At dun nya narealize ang isang bagay. Na kapag gusto mo talaga ang isang tao, kahit na ano pang flaw nya ang malaman mo, hindi un magiging dailan para ayawan mo siya.

At sa wakas! Seniors na sila Rin! Juniors na sila Ken.  At sa araw araw na ginawa ng Diyos simula nung magkamalay sila na nageexist pala silang dalawa ay NEVER as in NEVER pa silang nagpansinan. Kahit Hi man lang or Hello grabe!! Wala padin! Kahit nung JS!!

Kasi diba JS na nila. Shempre may socialization don. Naisayaw na si Rin ng iba nyang cmates na boys at tahimik na siyang nakaupo ngayon sa table nila kasama ang nga abno nyang mga kaibigan. Iaa lang ang nabalitaan nya tungkol kay Ken nung iras na yon, wala pa daw naisasayaw si Ken. Medyo masaya si Rin sa nalaman nya hahaha pero hindi daw siya aasa na isasayaw pa siya non kasi sadyang IMPOSIBRU lang talaga hahaha

Nang biglang naghiyawan ung boys sa kabilang dako ng venue. At doon nakita nya si Ken. Papunta sa bandang lugar nila. Maita lang si Ken na naglalakad ay nakakapagpabilis na agad ng tibok ng puso niya. Pano pa kaya ung lapitan siya at biglang nilahad ung kamay niya sa harap mo?! TANGINA ISASAYAW NI KEN SI RIN! Napuno ng hiyawan ang buong venue. Kahit ung faculty nakihiyaw din! Hahaha! Ngunit imbis na un ang marinig ni Rin ay ung sariling tibok ng puso nya ang tanging naririnig nya at kahit gumugulong gulong na sa sahig ang mga abno nyang kaibigan ay si Ken lang talaga ung nakita niya nung moment na yon. Isa lang ang naisaad na salita ni Rin nung mga oras na yon. GRABE. Hahaha un nalang nasabi nya.

Habang nagsasayaw sila, juicecolored! Di padin sila nag usap. Kahit ngitian man lang o ano, WALA! WALA TALAGA AS IN UGH!

At nang matapos na ung gabing yon, wala na. Parang walang nangyari. Gumraduate na si Rin at nasa kolehiyo na ngayon habang si Ken ay pagraduate palang.

Ngayong hindi na nila nakikita or nararamdaman ang kaluluwa ng isat isa. Siguro naman nakamove on na si Rin kay Ken. O baka hindi pa? Hahaha pero juicecolored! Sa dinami dami ng makakasalamuha ni Rin sa araw araw na buhay nya sa kolehiyo eh di pa ba siya makakamove on sa lagay na yon? Hahaha bayaan nyo. Itatanong ko sakanya kung nakamove on na siya o hindi padin hahahaha ge. PEACE OUT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM DESUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon