Death Wish
Nag-ayos ako ng buhok ko. I need to get out. Masyadong nakakasuffocate dito sa kwarto ko, kailangan ko rin ng sinag ng araw kahit ilang oras sa isang linggo.
I tugged the seam of my skirt para medyo humaba naman, matagal ko na itong hindi naisusuot dahil matagal na rin simula noong ikinulong nila ako sa lugar na ito.
No, not literally kinulong. Kailangan ko lang daw magpahinga. Pero ang nararanasan ko ay solitary confinement. Mahirap. I was not able to live a normal life because in the first place they said that I was not supposed to. That I do not deserve living such life.
Anak ako sa labas. Yes, isa akong malaking pagkakamali. Nasira ang buhay ng ibang tao dahil sa pagkakamali na iyon, at ngayon ay pinagbabayaran ko ito.
I was diagnosed with brain tumor since I was ten.
Sa totoo lang, binigyan na ako ng taning ng doktor ko noong ten years old ako. Maaaring hindi na daw kase maalis ang tumor sa utak ko at baka kapag sinubukan nilang alisin iyon ay mapaaga ang deadline ko.
6 years. Six years na lang daw ang itatagal ko sa mundong ito.
Noong una, mahirap at masakit. Kasi marami akong maiiwan. Marami akong hindi maeexperience.
And now, I only have five months to live.
I'll turn sixteen five months from now. So they decided that I should live a normal life.
Sana nga. Sana.
I wish I could live a normal life.
--