"So andito nanaman ako sa lugar na ito"
sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng St. Francis of Assisi Church... It's been 10 years since nung huli kong punta dito kasama siya.. 23 na ako pero ba't ganun, bakit umaasa pa rin ako na tutuparin niya yung promise niya sa akin since 4th year high school.. I guess I still love that guy..
Hi ako nga pala si Bernadette Alberto.. madalas na tawag sa akin ng aking mga kaibigan ay Berna minsan Berns but I prefer Berna, ang pangit kaya ng Berns parang sunog ibig sabihin.. Anyway moving on I'm gonna tell you about my First Love, si Jonathan Reyes o si Nathan... tara na sa memory lane..
It all started when I was still a first year highschool.. galing kasi ako sa isang prestige na school.. maraming matatalino at mayayaman.. kaya nga nagtataka ako kung paano ako napadpad sa school na yun eh.. hindi naman ako ganung kayaman...
Well ganto kasi yun.. yung tito kong si Tito Emil ang nagpapaaral sa akin... gusto daw niya maging maganda ang future ko kaya sasagutin na daw niya yung pag-aaral ko hanggang college.. Gusto din daw niyang kasing makabawi sa Mommy ko kasi nung nag-aaral pa daw siya, si Mommy yung nagbabayad ng matrikula niya.. By the way si Mommy Leslie ay kapatid ni Tito Emil just so you know...
So anyway back to the story.. napunta ako sa school na wala akong kilala ni isa.. pano ba naman galing lang naman akong public nung grade school so may pagkaculture shock na naganap sa akin...
"Hi there, welcome to our school. Freshmen ka lang ba?" tanong sa akin ng isang teacher habang naglalakad ako sa hallway ng school..
"Ahh yes Ma'am bago lang po ako dito."
"Oh I see, nagiistart na kasi yung Freshmen's Orientation sa gym so halika samahan na kita papunta dun" sabi sa aking nung teacher.. "
Ay nako Ma'am pasensya na po kayo sa akin" sagot ko naman..
"It's alright come on samahan na kita"..
So sumama na ako kay teacher papuntang gym.. grabe ang laki laki ng gym.. ang ganda as in sobrang ganda.. may dalawang court, isang pang basketball at isang pang volleyball.. at ito pa covered court pa.. tapos may stage din sa harap.. ang ganda grabe hindi ako makapaniwalang makakakita ako ng ganung kagandang gym..
"Ang ganda ba ng gym ng school?"
tanong sa akin nung teacher na kasama ko..
"Ahhmm uhuh"
halos speechless ako sa ganda ng gym..
"Haha halika upo tayo dito"..
so naupo na kami at nakinig sa mga nagtatalk sa harapan..
"By the way anung pangalan mo? I mean kanina pa kita kinakausap di man lang kita kilala haha. Let me start I'm Mrs. Capistrano".. sabi niya sa akin..
"Ah nice to meet you po Mrs. Capistrano, I'm Bernadette Alberto po, but you can call me Berna in short." sabi ko naman
"Nice to meet you Berna hehe" sabay ngiti sa akin..
Grabe sobrang bait ni Mrs. Capistrano.. makwento din siya.. actually sa buong orientation nagkwekwentuhan lang kaming dalawa.. meron na daw siyang dalawang magagandang anak.. isang grade 1 tapos isang nursery... nakwento din niya na OFW yung asawa niya.. Seaman daw.. sa sobrang chikahan namin ni Mrs. Capistrano ehh hindi naming namalayan na tapos na pala ang orientation.
BINABASA MO ANG
Somewhere down the Road
RomanceUnang gawa ko to after three years ng stay ko dito sa Wattpad.. let's just say sobrang tagal kong nagkaroon ng inspiration magsulat... Hope you guys like it (y)