BLISS TWAYLEM GONZALES 2.0 POV
"Bliss Twaylem Gonzales, what have you done?" my father yelled at me.
"Wow, concern? You know I have zero tolerance for insincere people," nginitian ko ng nakakaloko. "Bastos ka talagang bata ka!"
"Yup and I am aware of it.." I added.
"Dad, enough! Ako na bahala kay Twaylem, Sige na dad. Kumalma ka na," pumagitan na si Kuya Uno. Ang nag iisang magaling sa mata ng aking ama. Sabagay, trophy son siya samantalang ako? Isang kahihiyan sa pamilya as my father labelled me.
"Buhay pa naman 'yon. Mga masasamang damo matagal mamatay. Just like us,"
"Twaylem, anak pa talaga ng principal ang binully mo this time? Ikinulong mo siya sa cr dahil lang sa mababaw na dahilan?"
"Pinag kakalat niya na nag palaglag ako, ang o.a ha? Kinulong lang siya, pina-amin. Guilty kaya hysterical siya ngayon. Kahit ano naman paliwanag ko, sila pa rin papakinggan mo. Thanks sa concern, dad." Kung alam lang nila ang hirap ng pagiging bloated. Busog lang ako hindi buntis! Kaloka. Unbelibabel!
Hindi nag dalawang isip si Papa na sampalin ako. Napatahimik na lang din si kuya sa ginawa sa akin ni Papa. Sanay na ako sa mga sampal niyang tagos hanggang buto. Matigas na din naman kasi 'tong mukha ko kaya kahit anong gawin nila, wala na akong maramdaman.
"Yeah, I am grounded. You don't have to say it dad." Inayos ko ang sarili ko na para bang walang nangyare.
"Oh by the way, Did you say hi for me to Lucifer?"
"Twaylem, enough!" sigaw ni kuya habang pinipigilan si papa na sampalin ulit ako. "Edi enough! Tapos na ba ang bugbugan session? If yes, mag papahinga na ak—"
Hinigit ni Daddy ang braso ko,
"Ano mag kukulong ka na naman diyan sa kwarto mo? Tatakasan mo na naman ang reyalidad? Tumatanda kang pa-urong! Bakit hindi mo gayahin ang kuya—" nag pantig ang tenga ko nang marinig ko na naman 'yang litanyang yan.
"There. You said it, hinihintay 'kong sabihin mo 'yan kanina pa eh. Kahit anong gawin ko, si kuya lang ang nakikita niyo. Atleast kung puro kagaguhan ang gagawin ko, napapansin niyo ako. 'Yon nga lang, bugbog sarado ako. Pero atleast, you noticed me."
My father massage his head, alam ko high blood na ito dahil sa akin. Ako din high blood na.
"I am grounded right? Kung tapos na 'yang sona mo, mag papahinga na ako. Kung pwede po sana, Dad?" nakangiting sabi ko sa kanila.
They both took a deep breath.
Pag kapasok ko sa kwarto, isinarado ko padabog ang pintuan. Hindi ko na din mabilang kung ilang pintuan na ang nasira ko sa pag dadabog ko.
I got notifications from Zia, my plastic bestfriend.
Suspened. LOL – ZIA
I roll my eyes heavenwards. The hell I care kung suspended ako. Besides, kayang kaya ko naman tumakas sa bahay na 'to.
Iinom na lang natin 'yan – ZIA
Money talks. Let's get some drink. My treat, bitch-
Pag katapos kong i-send 'yon kay Zia nag bihis na agad ako.
Nang makapag ayos na ako, pasimple akong lumabas ng kwarto.
"Where are you going? You're grounded." nagulat ako nang makita ako ni Kuya Uno. Hawak hawak ko ang sandals ko habang nag lalakad. To avoid certain noise na rin.
BINABASA MO ANG
LABYRINTH ACADEMY 2021 VERSION
ActionTuklasin ang misteryo at hiwaga sa likod ng LABYRINTH ACADEMY. Kasama ang L.A GANG at mga astig na iba pa.