Chapter two: Pain begins

4 0 0
                                    

May 23, 2014

Akala ko isa lang tong simpleng araw. Pero Mali ako. Dito pala sa araw na to magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko.

 

  Maagang gumising ang kapatid ko para sa Summer Class Graduation niya. Nakagayak na siya habang ako'y nasa kalagitnaan ng masayang panaginip ko. Biglang bato sa akin ng isang unan.

"Hoy gumising ka na. Tanghali na oh."  sabi niya.

"Anong tanghali? Gag* alas syete palang oh. Tss. Kaaga aga nang aabala ka." inis kng sabi.

Di pa siya nakuntento. Binato niya ulit ako. Sasabog na ko sa inis kaya wala na kng nagawa kundi umiyak. Pero ayun siya, mukhang tuwang

tuwa pa din sa ginagawa niya.

"Hoy Shagu, Gising na!" sigaw niya.

Napabalikwas ako sa kama at napahiyaw. "HINDI KA MAKAKAUWI NG BUHAY. PUTA KA."

Agad akong bumalik sa paghiga matapos sambitin iyon. Naramdaman ko naman ang ginawa niyang pagbalot ng kumot sa katawan ko.

"Sorry Pot." sabi ng kapatid ko.

"Tss." Tipid kng sagot.

  Maya maya lang..

"Hoy Rohan tara na. Malelate na tayo sa Graduation mo."  hiyaw ni mama.

"Oo na. Ayan na ko." sagot niya.

 

Ayun sa wakas. Umalis na din sila. Malaya na ko sa pagtulog ko.

...Pagdating ng tanghali, umuwi siya dala ang binili niyang hamburger para sa amin. Inabutan niya ako ng isa.

"Ate oh. Sorry na." -Rohan

  Laking gulat ko ng tinawag niya akong Ate. First time yata yun ah. Ah eh basta, Di ako magbaba ng pride. Di ko ito knuha at pnagpatulog ang paglalaro ko.

  Dahil sa pagkabagot, lumipat ako sa kbilang kwarto upang magbasa ng binili kong bagong libro. Nandun rin ang mga pinsan kong sina Berto, Joven ar Jonathan. Di namin namalayan na sumama pala si Rohan sa barkada niya.

...Kinahapunan ay panatag ang loob nming lahat na walang nangyayaring masama. Hanggang sa isang sandali at dumako rito sa amin ang Kaibigan niyang Si Mark John at pinsan nming si Sonny na umiiyak.

"Ate meng *Sobs* Si Rohan po, *sobs* sumisid *sobs* sa ilog. Tapos di na *sobs* po umahon." umiiyak na sabi ni Mark John.

  

  Dala dala rin nila ang basang damit ng kapatid ko. Agad na pnuntahan ni Mama si Papa.

"Hoy. Yung anak mo raw, nalulunod sa ilog." Walang expresyong sabi ng nanay ko.

  Pagkarinig ni Papa nun ay agad siyang tumayo at sumakay sa motor. Dali dali siyang pumunta sa knaroroonan ng nalulunod kong kapatid. Dalawang oras na pala itong nalulunod. Ni wala man lang humingi ng tulong sa knila. Hnayaan lang nilang mamatay ang isang batang walang kamuwang kamuwang sa buhay.

  Agad kaming sumunod dun sa ilog. Malayo ang Lakarin bago makarating roon. Anlawak ng ilog, Sa punto ko bay parang walang pag asa na makita pa ang bangkay niya. Ngunit mali ako. Ilang saglit lang ay nakita kong iniahon ang kanyang lupaypay na katawan.

  Pagkakita ko rito ay di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Halo halong emosyon. Pagtataka, Panghihinayang, Pagsisisi, Konsensya at Lungkot. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi nagpoproseso ang utak ko. Blanko ang lahat.

...Agad akng tinungo ni papa at niyakap.

"Wala na si Rohan, wala na ang kapatid mo." sambit niya ng humahagulgol.

"Pa, hindi pwde. Buhay pa siya dba? Kasalanan ko tong lahat e. Sana kung di ko siya inaway knina sana kasama pa natin siya ngaun. Di pwde pa. Kasalanan ko to lahat." nagwawala na ko. hindi ko na alam gnagawa ko.

  Ginawa na ang lahat sa bangkay niya. Pero wala, ni isang paghinga ay wala siyang binitawan.

  Agad akong napaisip. Kasalanan ko to. Kung di ko sana sinabe na hindi siya mkakauwi ng buhay, edi sana magkasama pa kami ngaun.

Hindi ko na alam gagawin ko.Sa isang iglap pala pwdeng mawala ang lahat. Nawalan ako ng mahal sa buhay. Ang hirap! :'(

a/n: Mag ingat sa mga bnibitawang salita. Minsan kasi, mayroong mga bagay na di mo inaasahang mangyare ng walang permiso.

She was Just a Normal Yet Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon