I

6 0 0
                                    

Kabanata 1. Luna

Ang boring.

Puro tulog, cellphone, kain, alagaan ang mga anak kong pusa, repeat na lang ganap ko sa buhay! Dahil sa lockdown at pandemic na 'to eh mas nagenhance ang katamaran ko. Ang sarap magmura, hays.

Natawa ako sa memes na nabasa ko sa facebook tapos napasigaw ng maramdaman kong kinagat ni Luna 'yung binti ko, yung alaga kong pusa na black and white ang kulay.

"Luna, kakagatin din kita lumayo layo ka na sakin!" Sigaw ko sakanya pero tinignan lang ako tapos naglakad paalis ng akala mo nasa pageant ang gaga. Ang maldita talaga neto.

"Haaaaay, ano ng silbi ng ganda ko kung nakukulong naman!" Dumapa ako at sumigaw sa unan bago tumayo ulit. Makakain na nga lang tapos nood ng anime. Ubos kona lahat ng movies sa netflix dahil sa dalawang taon na quarantine kaya anime naman pinagiinteresan ko. Medyo tinatamad tamad pako manood ng tuloy tuloy, nakaka limang episode lang ata ako sa isang araw. Depende pa sa mood.

Nasa kalagitnaan nako ng pinapanood ko ng may magsigawan sa labas. Babaliwalain ko na sana kung 'di lang ako nakarinig ng mura at mga nababasag na gamit. Hala! Hot chika ata.

Hinawi ko ng unti 'yung kurtina, sakto lang sa mata ko habang pinapanood ko kung paano magbardagulan 'yung kapitbahay naming magasawa. Hindi malinaw 'yung sinasabi pero 'yung mura, oo.

"Uy gago!" Napasigaw ako ng binato ni Misis si Mister ng vase ng mga halaman sa terrace nila. Sakto sa mukha ni Kuya, gagu. Masakit ata 'yon, kawawa naman 'yung halaman. Kung makita 'to ni Mama baka awayin niya pa si Misis. Buti na lang nasa work. Plantitang Ina pa naman 'yon.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong madami ring nanonood sa magasawa. Sa lakas ba naman ng sigawan malamang ay baka buong baranggay manood sa pa free liveshow nila. Naalala ko nakatira nga pala ako sa isang compound na pang mga middle class. Hindi puro mahihirap pero puro chismosa.

Natawa na lang ako sa naiisip ko pero natigil ng mahagip ng mata ko 'yung lalaking naka blue jersey at nakasapatos tapos may hawak na bola. 08. Pawis na pawis pa siya habang nakikipagtawanan sa katabi niyang nakajersey din.

Ang gwapo niya kahit mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Favoritism ka, Lord? Anak mo din naman ako ha!

Hindi ko na napansin na nahawi ko na pala 'yung kurtina katititig sa kay Kuya. At dahil isang agwat lang ng bahay ang pagitan namin sa nagboboxingan, alam kong madali lang mahagip ng tingin nila 'yung bahay namin.

Napalingon siya bintana namin habang may naiwan pang ngiti sa labi dahil sa pagsikuhan nila. Huli na ng malaman ko kaya nakita kong unti unti ring nawala 'yung ngiti niya sa labi habang tinitignan ako o 'yung bahay namin? Nanlaki ang mata ko kaya malakas kong hinawi yung kurtina at tumalon sa sofa.

Hala! Nakita niya kaya ako?! Sana hindi! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog. Tapos napalunok habang nagchachant ng mga kung ano ano. Shuta!!

"Ginagawa mo dyan? Hindi ka na kukunin ni Lord kahit lumuhod ka pa, Sis." Biro ng Ate ko ng makita ang sitwasyon ko. Agad akong napatayo at hinila muna ang ilang strands ng hair niyang abot ko bago nag make face at umakyat sa kwarto.

Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. Feeling ko, mawawala na siya sa ribcage ko. Teka Kumareng Heart, kumalma ka! Ayoko pang magka heart attack. Ayoko pa munang mamatay hanggat hindi siya kasama! Charot.

Sumilip ulit ako sa bintana ko ng kaunti lang, 'yung hindi halatang wala ng sumisilip! >.<

Hinanap ko sila pero mukhang nakaalis na ata. Hays, hindi ko man lang nakita 'yung apliyido niya. Number lang ang nakita ko dahil 'yung lang ang malaki. Yung ano din kaya? Biro lang. Dumi ng isip parang hindi pinalaki ng tama!

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago sinimulan na 'yung mga plates ko na next week pa naman ang deadline. Ayoko kasing naggagahol dahil hindi ako makapagisip ng creative ideas kapag under pressure. So, no pressure. Cooker lang.

"Luna!" Sigaw ko sa may taas ng hagdan, hinahanap ang pusa ko.

Kanina ko pa kasi hindi mahanap si Luna. Hindi ako sanay na walang goodmorning greet saakin ang baby ko kahit madalas kinakalmot at kinakagat lang ako.

"Ate, kita mo Luna?" Umiling lang siya sakin habang kumakain sa tapat ng lababo. Ang tanga naman kumain nito. Kaya nga nauso 'yung dining table para kainan eh tapos pinili pang tumayo. Kapatid ko ba 'to? Baka anak ng Alien 'to ah inampon lang. Tanong ko nga kila Mama paguwi.

Inikot ko na lahat ng bahay pero ni balahibo ng pusa ko, wala akong nakita. Hindi naman pala labas si Luna kaya hindi ko siya hinahanap sa labas. Tumingin na din ako sa pool area tyaka garage pero wala din. Punyemas na batang 'to, kababaeng tao gala ng gala!

Binuksan ko 'yung front door at gate namin, baka sakaling madapuan ko ng tingin 'yung pusa ko. Naiiyak na ako. This is the first time na hindi si Luna ang unang bumungad saakin. No!! Is my daughter dead?!?!

Umupo ako sa gutter at nagswswsw. Kapag may lumapit na pusa aampunin kona, makikita mo Luna papalitan na kitang gala ka.

Biglang sumulpot si Luna sa tabi ko at sumampa sa balikat ko. Dinilaan din niya 'yung tainga ko. Natakot ata at narinig ang thoughts ko na palitan siya. Don't worry, my daughter, I will never ever replace you. Kinarga ko siya at tumayo.

"Baby! Saan ka galing ha? Alam mo bang namiss kita! Isang umaga lang tayong hindi nagkita!" Pagdadrama ko habang nagbabytalk na voice at niyayakap yakap si Luna kahit amoy pinabayaan.

Papasok na sana ako sa bahay agad nang mapalingon ako sa kaliwa ko kasi may narinig akong nagsalita.

"I want to say I miss you too, though,"

And oh God, what a Good morning, indeed.

---------------------------------
04-19-2021

Chaos of LoveWhere stories live. Discover now