2 weeks has been passed.
Gusto ko talagang puntahan si Dad sa kulungan pero hindi nila ako pinayagan.
Gusto ko talagang ipamukha kay Dad kung gaano kamali na nagawa niyang saktan ang pamilya niya.
Gusto kong isisi sa kanya kung bakit hindi kasama ni Tita Alira ngayon si Azrea.
Na dapat ako iyon.
Lolo decided na sa mansyon na lang muna sila Tita Alira at Chaze kasama ni Lolo.
Kita namin 'yong takot sa mga mata ni Chaze nang araw na babalik na sana sila sa bahay kung saan sila natuloy.
Umiyak si Chaze at sinabing ayaw niyang umuwi ro'n. Baka naroon daw si Dad.
Look at what happened. Nagka-trauma pa yata si Chaze!
"Baby." nilingon ko si Third na katabi ko ngayon sa sofa.
Dito na kami tumira sa bahay na binili niya no'n.
"Hmm?" sagot ko sa kanya.
Nakasandal ako sa dibdib niya habang nanonood kami.
"Are you still thinking about going to your Dad?" tanong niya.
Tumango ako bilang sagot.
"Can you please don't mind him for now? I promise you that I'll help your Lolo to make sure that your Dad will pay for what he did. Please?" maamo niyang pakiusap.
Tumango ako, "I'm sorry. I promise you, hindi ko na ulit iisipin pa iyon." ani ko.
Hinalikan niya ang buhok ko, "I just don't want you to be stress, Baby. Remember what happened 3 days ago." pag-aalala niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Naalala ko na naman kung paano ako nagpumilit sa kanilang hayaan akong puntahan si Dad at ang naging resulta, dinugo ako.
Sobra akong natakot no'n. Akala ko mawawala ang baby ko dahil sa kapabayaan ko.
Buti na lang at naagapan ako at nastress lang daw sabi ng doctor.
"I know. I'm really sorry for what happened. Promise hindi na talaga, Third. Sorry." sobra talagang guilty ang naramdaman ko ng araw na iyon.
Hinaplos niya ang buhok ko, "I just want you to be safe. I want the both of you to be safe." aniya.
Tumango ako, "I understand and as I promise you, hindi na talaga." ani ko saka ako umalis sa dibdib niya.
Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya. May naalala kasi ako. Hindi ko pa pala siya natatanong about sa bagay sinabi nila sa akin noon at kung kailan niya pa nalaman.
"Ikaw. Kailan mo pa alam na may something kay Ssen at Charles Ethan?" simangot ko.
He chuckled.
After kasi nang kasal ko noon.
Pagbalik din namin sa bahay ni Lolo, sinabi nila sa akin ang about ro'n sa relasyon ng dalawa.
Kaya pala ang weird nila. Tapos weird pa ng pagkain na gustong kainin ni Ssen...
Kaya pala ganoon na lang ang tanong ni Charles Ethan na paano kung mabuntis niya ang girlfriend niya, nagbabalak na pa lang lahian si Ssen. Tsk.
Kaya pala bigla ang pagsulpot ni Tita Elysse at Tito Samuel. Tsk.
"Oh, that? Well, hmm." alinlangan niyang sagot.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Subukan mong magsinungaling." ani ko.
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomanceCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...