BECOMING A WOMAN

5 0 0
                                    

Matapos nga ang pitong taon at sa tulong ng mga kasamahan ko sa pabrikang pinapasukan ko ay nakalimutan ko si Bruno. Tinuruan ako ng mga kaibigan ko na magsimba. Gala dito, gala doon. Shopping dito, shopping doon. Namuhay ulit ako ng normal. Na dati ay si Bruno lang ang sentro ng buhay ko. Sa kanya lang umiikot ang Mundo ko. Nang matapos ang kontrata ko sa Pabrika ay nagpahinga ako ng isang buwan. Isang buwan pa bago makabalik muli sa Pabrika. Habang nasa bahay ako at nagpapahinga. Tiningnan ko ang sarili ko napansin ko na maayos at maganda na ang postura ko. Ngunit parang nalulungkot ako. Maaari nga na naghahanap muli ang puso ko ng pag-ibig. Pag-ibig na magbibigay kulay muli sa Mundo ko. At sa tulong nga ng Facebook ay nakilala ko si Mike.

TUNAY AT WAGAS NA PAGMAMAHALWhere stories live. Discover now