Chapter 3

496 27 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at pumunta sa bathroom at nag shower. Pagkatapos ay pumili ng dress na susuotin.

Mapipilitan na naman akong mag dress. Ang pinaka ayaw ko pa naman na suotin ay dress dahil kapag humahangin nakikita ang beautiful legs at colorful panty ko na may stitch designs.

Favorite ko ang stitch designs bakit ba?

Dahil sa wala akong mapili sa mga dress ko sa sobrang sexy at ikli ng iba ay dumampot nalang ako ng black dress na hanggang tuhod ko at black sneakers at iyon ang sinuot. Bahala na, eh sa hindi ba naman ako marunong manamit. Pare-pareho lang naman na damit yan at nakakatamad kaya pumili.

Pagkatapos kong magbihis ay sinuklayan ko kaagad ang buhok ko at binlower. Pagkatapos ay naglagay ng perfume at dinampot ang phone at wallet ko at nilagay sa black sling bag ko at lumabas na ng kwarto.

Ng tuluyan na akong nakababa ng hagdan ay naabutan ko ang tatlo kong tukmol na kapatid na bihis na bihis na.

Infairness ang gwapo nila sa mga suot nila. Gwapo naman talaga sila pero sa paningin ng iba at hindi sa akin.

Bahala sila diyan.

"Kuya Felix!"

Ng makita ko si Kuya Felix ay agad akong lumapit sa kanya habang nakangiti at niyakap siya. Siyempre lab na lab ko si Kuya Felix maliban sa dalawa kong tukmol na kapatid na nagpapasakit ng ulo ko.

Si Kuya Felix ang panganay sa amin at fourth year college na siya. Siya lang din ang iba ang university na pinapasukan. Sa Yap University siya nag-aaral.

Habang ang dalawa naman na si Kuya Ozric na pangalawa kong kuya at ang pangatlo naman na si Kuya Zayn ay mga senior high school na at sa Zigfred National High School din sila nag- aaral tulad ko. 

Ang pinaka close ko sa mga kapatid ko na puro lalaki ay si Kuya Felix dahil siya lang ang kumakampi sa akin. Habang ang dalawa naman lagi akong inaasar at iniinis.

"Ano yang suot mo?" biglang tanong ni Kuya Ozric ng kumalas na ako sa pagkakayakap kay Kuya Felix.

"Bakit? inggit ka? ang ganda ganda ko ano?" sabi ko pa at umikot ikot na parang prinsesa.

"Tsk! para kang pupunta ng lamay. Ang baduy ng suot mo, hindi bagay sayo." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ano daw??? baduy ang suot ko?! aba naman!

"Seriously sola? all black? para kang nanay." sabi naman ni Kuya Zayn at bahagyang tumawa kaya napasimangot ako at tumingin kay Kuya Felix.

"Kuya oh! sinabihan nila na baduy ang suot ko at mukha akong nanay. Eh sa favorite ko ang black bakit ba?!" pagsusumbong ko pa kay Kuya Felix.

Parang gusto ko ng maiyak sa inis ng tumawa din si Kuya Felix ng mahina.

"Kuya naman!" singhal ko sa kanya.

"Sola, I think you should change your outfit. Halika sasamahan kita." sabi pa niya at hinawakan ang kamay ko at hinila paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Sinasabi mo din ba na baduy ang suot ko? ganun ba?" tanong ko habang paakyat kami at tumigil naman siya at humarap sa akin.

"I didn't say that. I just said that you should change your outfit." sabi pa niya at napayuko nalang ako at tumango dahil nakakasama lang talaga ng loob.

Bago pa man kami makaakyat ng tuluyan ay nilingon ko ang dalawa kong tukmol na kapatid na prenteng nakaupo sa sofa sa living area at sinamaan ng tingin. Tanging nakakaasar lang na ngisi ang ibinigay nila sa akin.

Mga walanghiya talaga! gusto ko silang kalbuhin! tignan natin kong titilian pa ba sila ng mga babae sa school pag naging kalbo na sila.

Pagkarating namin ni Kuya Felix sa kwarto ko ay dumiretso kaagad siya sa walk in closet ko at siya na ang pumili ng dress na susuotin ko. Habang ako naman ay nakaupo lang sa kama ko at naghihintay sa kanya. Ng nakapili na siya ay lumapit kaagad siya sa akin at ipinakita ang black and white floral sleeveless fit and flare dress.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now