PANG-APAT

4 0 0
                                    

PANG-APAT

KINABUKASAN

"ARAY NAMAN!" naramdaman kong may humatak saakin sa gilid ng pasilyo kasabay nito ang pagtulak niya saakin na siyang nagpasandal saakin sa malamig na pader.

"Bakit mo ko tinakasan kahapon? Alam mo bang ang sakit ng pagbato mo ng libro saakin." Mariin niyang sinabi kasabay ang mahihigpit na hawak sa braso ko.

"Eh, Sino ba namang hindi gagawin yon huh! Ikaw na nga yung nangbangga saakin ni hindi mo lang naman ako tinulungan makatayo. At ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?!"

Ngumiti ka ng nakakaloko. Kasabay ang paglapit mo ng iyong muka saakin. "Tumigil ka nga!" sabay tulak ko sakanya palayo.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo saakin." May ipinakita ka saaking kulay pulang card at iyong inipit sad ala-dala kong libro.

"Magkita tayo sa ika- dalawangput' ng Disyembre." Kasabay non ang pag bitaw mo saaking mga braso. Naiwan akong nakatulala at pinapanood siyang naglalakad palayo saakin.

Nakasulat sa pulang kard ang isang kaganapan na gaganapin sa aming paaralan ang Christmas Royale Ball. Nag dadalawang isip ako kung pupunta ba ako at haharapin ka. Ang kabang aking nararamdaman ay hindi ko maipalagay o maialis man lang sa sistema ko. Kinakabahan ako subalit kaytagal ko din itong hinantay, umipon ako ng maraming lakas ng loob. Sa loob ng tatlong taon pinaghandaan ko ito. At eto na ang pinakahinahantay ko'ng pagkakataong makita at makausap ka'ng muli."

Sumapit ang gabi ng ika dalawangput' ng Disyembre, nakasoot ako ng kulay rosas na gown, nakabraid ang aking mahabang buhok at nakapalamuti dito ang mga bulaklak na pang ipit. Mabagal at malambing na musika, kasabay nito ang pagtunog ng kampana sa chapel hudyat na magsisimula na ang misa.

"Kamaria..." nabigla ako't may tumabi saakin. Matipuno, nakasuot ka ng tuxedo na itim na may nakapaloob na kulay pulang polo.

"Tristan.." sabay tayong puamsok sa chapel upang dumalo sa misa. Kinakabahan man dahil katabi kita subalit wala naman ako'ng magagawa.

Lumalim ang gabi, tumutugtong ng mga Christmas songs na instrumental. Nakita ko ang paligid makulay, mga naggagandahang mga damit, mga pagkain, mga parol na iba't iba ang kulay, mga mapaglarong kumukutikutitap na mga Christmas lights.

Hanggang ang tugtog ay napalitan ng mabagal at malambing na tunog. Ako'y iyong tiningnan kasabay ang pagsambit na "Maari ba kitang maisayaw, Binibini?"

......

Maraming salamat sa patuloy na pag babasa ng kwneto ni Tristan at Kamaria. Hanggang sa dulo :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEATROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon