Chapter 3

6 0 0
                                    

"Seriously Ace? Hanggang dito ba naman fuck boy ka pa din?" Carlos said.

Nakita kong nakatingin ng masama si Jaile sa kamay nung Ace kaya tinanggal ko ang hawak no'n sa bewang ko.

"Sino ka?" Tanong ko kahit na narinig ko naman na ang pangalan niya kay Carlos.

"Ace Martinez, your future boyfriend. And you are?" He said and smirked playfully. Tiningnan ko lang siya ng masama, sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Jaile.

"Let's go Eirelle, we're going to be late." Hinila niya ang kamay ko para umalis na pero pinigilan siya ni Jane.

"Do you have alzheimers, Peter? Nakalimutan mo na agad na dito na din kami mag-aaral? HAHAHA." Natawa na din sina Keziah tyaka Ace.

Inirapan nalang siya ni Jaile at nauna nang maglakad.

"Peter! Wait!" Sigaw ni Keziah at sumunod kay Jaile.

Sabay kaming naglakad ni Carlos. Sandali, bakit nga pala nandito siya?

"Alam ko na iniisip mo Luna, iniisip mo kung bakit ako nandito." Natawa siya kaya nilingon kami ni Jaile pero agad din naman siyang umiwas ng tingin.

"So, bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Classmates ko sila nung elementary, sinabihan nila akong samahan sila sa first day of school kaya nandito ako ngayon." Magkakaibigan na pala sila mula elementary? Grabe ha, ang strong ng friendship.

"Wow, masyado mo naman atang ginagampanan yung trabaho as Student Council Secretary." Natawa kaming pareho dahil doon.

Isa si Carlos sa mga pinakasikat na estudyante dito sa school. Hindi lang dahil sa secretary siya ng student council, bukod do'n napakagaling niyang photographer at galing siya sa isang mayamang pamilya. His family owns a lot of buildings, 'di na ako magtataka kung bakit magkaibigan sila nina Jaile. Sabi nga nila, birds of a feather flocks together.

Narating na namin yung classroom kaya umalis na din si Carlos. May meeting daw kasi sila sa student council.

Pumasok na kami sa kanya-kanyang klase. Tutok na tutok ang buong klase sa dalawang nakatayo sa harap, paano eh ang gaganda nung bagong estudyante.

"Hi, my name is Keziah Achlyssus Garcia. Actually nandito na ako kahapon to give myself a tour kaya some of you find me familiar."

"Good morning everyone, I'm Maxine Jane Sy." She then smiled to the crowd.

"You can sit wherever you want, girls." The teacher said.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Ace, nasa kabilang section ang loko kasama ni Peter.

Natapos ang klase ng mabilis kaya agad kong inayos ang gamit ko para maabutan ko si Peter.

"Hoy, Jaile!" Sigaw ko pagkalabas ng room.

Pero my words fell on deaf ears. Paano ba naman kasi ang lakas ng tili ng mga babae sa paligid niya, kala mo naman artista.

"Hi Peter, may girlfriend ka ba?" Pabebeng tanong nung isang babae, kala mo naman maganda.

"Kung wala, ako nalang." Dagdag pa ng isa.

"Me-"

Sasagot na sana si Peter pero biglang sumulpot si Ace at sinabing "Single ako and ready to mingle, so call me." Kumindat pa ang loko.

"Kala mo naman ang gwapo," Bulong ng isang babae sa katabi niya.

Tatalikod na sana ako ngunit narinig kong muling magsalita si Ace.

"Hi Eirelle!"

Everyone turned their heads around to see the girl Ace called including Peter.

I was so embarrassed!! No one calls me Eirelle in school, not everyone knows my second name.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A DreamWhere stories live. Discover now