"Khy, hinihintay ka na ni Vix sa labas, papasok na raw kayo." sigaw ni mama galing sa labas.
"Opo! Nandyan na." nagmadali na ako sa pagsusuklay, ang aga naman ni Vix e 6:30am palang tsaka yung klase namin 8am pa magsisimula. Panigurado aabangan na naman nito yung crush niya na hindi naman siya pinapansin.
"Bye po!"
"Ingat kayo!"
"Opo!"
"Tagal mo naman." nakasimangot na siya habang nakaupo doon sa gilid ng gate namin. Bakit di nalang sya pumasok.
"Bakit di ka pumasok?"
"Trip ko lang," sagot niya habang nilahad ang kamay sa akin. Binigay ko agad ang suklay sa kanya, sya na raw magsusuklay.
"Sira." he chuckled.
"Alam mo, ligawan mo na kaya yung crush mo para hindi ka na namimirwesyo sa akin." naglalakad na kami patungo sa may sakayan ng jeep.
"Ouch ah. Pirwesyo na pala ako sayo," he acted like nasasaktan
"De joke lang, pero ito seryoso na, kailan mo ba balak gumawa ng move dun kay Raile? Baka maunahan ka pa, balita ko nililigawan na yun noong isang varsity player. Yung pogi."
"Hindi naman ako nagmamadali Khy, kikilalanin ko muna siyang maigi, tsaka paano ako manliligaw kung hindi niya nga ako kilala, parang tanga." napakamot sya sa batok niya.
"E paano ka makikilala nung tao kung hindi ka nga gumagawa ng paraan. Make a move dude, don't just sit in the corner and watch her with someone else."
"Wow, english...aray!!" binatokan ko nga, seryoso ako dito e.
"Oo na, pag nakita ko sya ulit."
"Promise yan ah?" he nodded.
"Tagal naman ng mga jeep, baka ma-late tayo nito." Reklamo ni Vix.
"Ayan may paparating, tumayo ka na diyan, para ka namang bata e." hinatak ko na ang polo niya para makatayo.
"Oh isa nalang yung bakante" sabi nung kundoktor ng jeep.
Sinilip ko yung loob ng jeep, isa na nga lang. Sasabihin ko na sanang di kami sasakay kaso nakita ko si Raile nasa loob ng jeep.
"Vix may nakalimutan ako sa bahay, yung ID ko. Mauna ka nalang, sakto isa nalang yung bakante, bilis!" hatak hatak ko sya ngayon sa polo.
"Hihintayin nalang kita," pinandilatan ko siya nang mata at sinenyas ang pwesto ni Raile na sakto yun yung bakante kasi umusog yung ale.
"Ah sige, una nako." He smiled at me na parang kinikilig.
"Galingan mo," tumawa lang siya at sumakay na sa jeep.
May posibilidad na ma-le-late ako ngayon kasi punoan na yung mga jeep. Wala ding bus.
Ilang minuto pa ang hinintay ko pero wala pa rin. Patay na.
May lalaking naka-motor na huminto malapit sa pwesto ko. Estudyante. Pinagmasdan ko yung ID lace niya, kapareho noong sa akin. Panigurado college student na din ito.
Nakakahiya man pero unti unti akong lumapit sa lalaki.
Nag-angat siya nang tingin sa akin noong nakalapit na ako.
"Schoolmate, uh... pwede ba akong maki-angkas sayo?" Walang hiyang tanong ko.
"Sa...akin?" tanong niya.
Doon ko lang na-realize kung ano yung sinabi ko.
"I mean sa motor mo," he chuckled. "Magbabayad naman ako ng pamasahe, sige na naman oh, baka ma late ako. Please."
YOU ARE READING
Rewritten
General Fiction"Kung papayagan ng panahon, hayaan natin na tadhana ang muling magtagpo sa ating landas." Huling salitang binitawan ng lalaking minahal ko ng buo at walang pag-aalinlangan. Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay hindi sapat para manatili sa isa't isa...