DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"We're here, tawagan mo ko kapag magpapasundo na kayo nila sir ha?" paalala sa 'kin ni kuya bago ako bumaba ng sasakyan.
"opo, mauna na ko, kuya" pagkasara ko ng pinto ay hinintay ko pa s'yang makaalis bago kumaway ulit. Nilibot ko ang tingin sa parking lot, walang katao-tao marahil ay abala sila sa mga dumating na bisita.
Dumiretso na ko sa elevator at akmang sasarado na ito ngunit may kamay na humarang sa pinto dahilan para muling bumukas ito. Tumambad sa 'kin ang dalawang kalalakihang may dalang Itim na brief case. Sa akto nila ay parang nagmamadali sila.
'maybe they're one of the visitors'
Ngumiti ako sa kanila 'tsaka bahagyang yumuko, sinuklian naman nila akong ng ngiti bago tuluyang pumasok sa elevator.
"hija, baka naman p'wedeng makisuyo...sa 5th floor lang kami" pukaw sa 'kin ng isa sa mg lalaki.
"uh-okay po" gaya ng sinabi n'ya ay pinindot ko ang 5th floor.
"salamat" tumango naman ako sa kan'ya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makalabas sila. Kahit na nakatalikod ako sa kanila ay ramdam ko ang titig ng isa sa kanila, nakakailang man ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Hindi sa hindi ako marunong makipagkapwa ngunit hindi ko gusto ang presensya nila kaya laking luwag ng makalabas na sila.
Nasa 7th floor na ko ng biglang mamatay ang ilaw at tumigil ang elevator. Nagsimula akong mag-panic habang hinahanap ang telepono ko sa bag pero saktong pagbukas ko ng flashlight ay ang pagbalik ng ilaw at pagandar ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay umakto akong parang walang nangyari. Pinagpag ko saglit ang damit ko bago dumiretso sa opisina nila mama.
'muntikan na ko dun ah'
Habang naglalakad ako papunta sa opisina nila mama ay nakakasalubong ko ang ilang nagtatrabaho ditong abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Saktong pagliko ko ay ang muling pagkawala ng kuryente sa buong paligid kasabay no'n ang nakakabinging paghiyaw ng ilan na dumagungdong sa buong palapag.
'may problema ba sa kuryente?kanina pa nawawala-wala ang kuryente'
Nanatili lamang ako sa aking pwesto habang hinihintay ang pagbalik ng kuryente at wala pang sampung minuto gaya ng inaasahan ko ay muling sumindi ang mga ilaw. Nakahinga naman sila ng maluwag 'tsaka muling pinagpatuloy ang ginagawa.
Sinubukan kong tawagan sila mama pero hindi sila sumasagot. Makailang ulit ko pa silang tinawagan pero hindi talaga sila sumasagot kaya naisipan kong libangin ang sarili habang hinihintay sila. Habang tulala sa bintana ay napagisip-isip kong parang may kakaibang nangyayari ngayong araw, mula sa dalawang lalaki kanina, sa pagkawala ng kuryente sa elevator at pati na rin dito.
'kanino ko ba namana ang pago-overthink?'
Gano'n na lang ang gulat ko ng mapatingin ako sa labas ng opisina nila mama. Everybody is rushing in separate ways! Para silang hinahabol ng sandamakmak na multo o zombie dahil sa pagkataranta nila! Hindi ko naririnig ang ingay sa labas dahil sa glass walls ng opisina nila mama. Nagpadagdag sa pagkataranta nila ang pagbukas ng mga sprinklers.
'may sunog ba?!'
Without thinking twice, I get out of the office as fast as I could and again something unexpected happened. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang tinis ng tunog sa speakers. Unti-unti na ring nababasa ang damit ko dahil sa tubig ng sprinklers. Naisipan kong ilagay ang dalawang kamay ko sa tenga ko ng sa gayon ay mabawasan ang naririnig ko. Kung hindi ka magiingat sa paglalakad ay madudulas ka dahil sa tubig.
YOU ARE READING
HEAR ME OUT
FantasyBecause of the tragedy that happened to Heneia, the course of her life changed because of the unexpected power she had. Even if she doesn't like what happened, she can't do anything but accept her ability...which is to hear every situation of the pe...