the eye

109 1 0
                                    

                   Ang pangalan ko ay frenn nagtatatrabaho sa isang quick service restaurant somewhere in manila normal ang buhay ko noon bago mangyari ang malagim na trahedya, sumabog ang isa sa inu-operate kung machine. Isang malaking frier(isang malaking lutuan ng fried chicken na puno ng mantika) ang inu-operate ko noon, ako ang taga fried ng chicken. Isang araw sa hindi maipaliwanag na dahilan  bigla nalang  sumabog ang  frier, sa lakas ng pagsabog napaliguan ako ng mantika particular sa mukha ko. Sa dami ng mantika na dumikit sa katawan ko halos maluto ako sa sobrang init. Nagtamo ako 3nd degree burn akala ko mamatay na ako sa mga oras na yon. Pero nakaligtas ako, samantalang  hindi ang  mga mata ko nabulag ang dalawa kong mata sa sobrang init ng nahilamos kung mantika hindi na nakayanan pa ng aking mata at tuluyan na nya akong iniwan. Matagal din ako nun sa ospital sabi nila habang buhay na daw akong mabubulag kung walang magdodonate ng mata para ipalit dun sa mata kung nasira na. So matagal din akong tambay nun sa ospital nagpapagaling at the same time naghihintay ako ng donor, sana mayroon. Grabe talaga ang sinapit ko  halos hindi ko matangap ang nangyari sa akin bakit ako, why always the good one. Lumipas ang ilang linggo ….. inip na inip na ako feeling ko wala na akong silbi panu na ako nito mabubuhay kung wala na akong paningin shit..talaga buti pa namatay nalang ako.

 Minsan sa isang gabi bigla nalang akong nagigising binabangongot, natatakot sa dilim feeling ko tila hinihigop ako ng blackhole nababaliw na yata ako puro nightmare na lang wala nang katapusan. Minsan Nanawalan talaga ako ng pag-asa naisipan ko ngang tumalon na lang sa bintana ng ospital para matapus na ang lahat ng paghihirap ko. Hanggang sa isang araw ang dumating, akala ko isa naman tong nakakabagot na umaga pero hindi may goodnews ang doctor sa akin mayroon daw willing magdonate ng dalawang mata para sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman makakakita na ulit ako. Ang mga mata ay galing daw ito isang babaeng nagpakamatay, tumalon daw ito rooftop nila, kaya ayon. 

May buhay pa ang babae ng dumating sa ospital kaya napagdisisyonan ng mga doctor, bago pa ito malagutan ng hininga ay tinangal na nila ang dalawa nitong mata para epreserve para pwede pa itong magamit. Medyo may kamahalan ang bayad pero ok lang sagot naman ang lahat ng gastosin ng kumpanyang pinagtratrabahoan ko. So ang nangyari agad-agad ay inuperahan ang mga mata ko, tinanggal nila yong luma at pinalitan nila ng bagong mata. Para sa akin kahit saan pa galing ang mga matang to basta makakakita ako ulit ay ok lang sa akin. So ang nangyari nagtagumpay ang operasyon goodbye to my old eyes hello to the new one. Pwede na ulit akong makakita after two months. Maraming salamat sa babaeng nagpakamatay at binigay nya ang mga nya sa akin.    

Three months later…

  Hay nakatulog pala ako anung oras na sinilip ko ang orasan sa aming crewroom malapit na

matapus na ang break ko mag 12:30pm na malalate na ako kung hindi pa ako nagmadali pero

nakakaantok  pa talaga gusto ko pa matulog dito sa stockroom madilim, mahangin at higit sa lahat nakakarelax habang nakaunan sa isang sako ng bigas. Pagpang-umaga ako dito ako laging natutulog.  Mahigit isang taon na rin akong working student dito. Superman...superman napatayo ako isang babae ang tumawag akala ko kung sino na si rexie pala tinatawag ako, superman kasi ang tawag nya sa akin. Si rexie ay isang magandang binibini pagnakita mo sya ng personal talagang mapapamura ka sa kasiksihan nya (pero hindi yan ang pag-uusapan natin) anung oras ka magclock-in tanung nya sa akin. maya-maya pa nang kunti sagot ko naman sa kanya nang biglang nagflush ang comfort room hindi naman yon nagfflush mag-isa  dati so ang nangyari nagkatinginan nalang kami at inisip namin baka guni-guni lang namin yon. Nagclock-In na ako at pinagpatuloy ko ang aking duty.

Lumipas ang oras

Ang oras ..

Ang oras..

Kunti lang ang customer nakakainip magduty ang ginawa ko umakyat ako sa stockroom para kumuha ng stocks umakyat ako sa taas dahil ang aming stockroom ay matatagpuan sa 2nd floor katabi ito ng aming crewroom. Malaki kasi ang store namin kaya nasa 2nd floor pa yong crewroom at stockroom. So ang ginawa ko pumunta na ako  sa taas ng bubuksan ko ang padlock ng stockroom biglang may narinig akong parang iyak ng bata hindi ako sure kung saan ang exact location ng iyak parang nasa loob ng c.r o parang nasa loob ng stockroom. Sa mga time na yon walang nakabreak na mga crew kaya mag-isa lang ako sa taas. Parang gusto kung hanapin ang pinanggagalingan ng iyak dahan dahan kung inilapit ang tenga ko sa mga wall at sa may pinto. Myroon kasing tatlong pinto na halos magkatabi isa sa c.r. isa fire exit tsaka ung  sa stockroom. Habang inuobserbahan ko ang paligid biglang tumahimik nawala na ang  iyak ng bata kaya tumuloy na ako sa gagawin ko binuksan ko na ang malawak na stockroom madilim sa loob. Kahit araw, kasi wala itong bintana kaya walang liwanag na nakakapasok. Nang humakbang na ako paloob para buksan ang ilaw bigla akong napaatras sa sobrang gulat. Kahit madilim sa loob ay naaaninag ko yong hugis ng tao parang sunog ang buo nitong  katawan,

the eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon