FOUR

113K 3K 860
                                    


Mabilis niyang naibaba ang cellphone at agad akong nilapitan. He didn't seem to believe that he found me here. Tila ba ilusyon lamang ako sa kanya at hindi nawawala iyon kahit nakalapit na.

He sat in front of me. My blank face stared back, watching his eyes danced in between the tunes of fear and the old song of disbelief. Sa naghalong damdamin ko ay hindi na nito alam kung alin ang mas nanaig hanggang sa namamanhid na lamang pati diwa ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Wala ka sa classroom ninyo. Your friend Sean told me you didn't go to your class so I tried to call you but..." his voice trailed off. Tila naghahanap ng sagot nang ibinaba nito ang tingin sa aking suot.

Bumaha ang mga tanong sa isip ko. Bakit niya kilala si Sean? Paano niya nalaman ang classroom ko? Paano niya nakuha ang number ko? Ngunit sa dinami-daming tanong ay wala man lang lumabas sa bibig ko. Wala akong ganang magsalita. Sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam saan magsisimula.

I continued staring at him behind the brown lens from my sunglasses. With caution and hesitancy filling his eyes, nilapit ni Evan ang kamay niya hanggang sa mahawakan ang glasses ko. Hindi ako pumalag nang dahan-dahan niya itong tinanggal at binati ng namumugto kong mga mata.

His lips parted for a moment before its abrupt shut. His jaw clenched repeatedly as though he wants to murder the reason for these tears. Bumilis ang paghinga niya. I can see how he's trying to control himself, caging the anger in his every rapid breathes. Mabilis dumaan ang dila niya sa siwang ng kanyang labi saka may pag-aalinlangan na hinubad ang aking cardigan.

He seethed violently upon seeing what's hiding beneath the dark cloth.

"Bakit mo ginawa 'to?" mariin ang pagkakabulong niya. I could hear a slight growl from him.

Kinuha niya ang isa kong kamay at iniharap ang pulsuhan sa kanya. He held my other wrist with the fresh wounds on it. He muttered a curse after checking it for so long.

"Bakit Scarlet?" Umigting pa lalo ang panga niya.

Magaan niyang hinaplos ang mga laslas ko saka maingat na binitawan ang aking kamay. He caged my face in between his hands. Inangat niya ang aking ulo para matitigan ko ang mukha niyang nilulunod ng pag-aalala.

"Kalmot lang 'to ng aso..." garalgal ang boses ko nang magsalita.

Umiling siya at bigla nalang niya akong niyakap.

Hinigpitan pa niya ang yakap bago ako tuluyang pinakawalan. Nang muli akong titigan, doon bumuhos ang aking luha. He quickly caught the free tear with his thumb and wiped the remaining wet traces in my cheek.

Binuhat niya ako. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Wala na akong pakialam kung saan niya ako dadalhin basta malayo sa amin at sa iba maliban sa kanya na siyang nakakaintindi sa akin.

I was about to cave in to sleep when I heard the door creaked. Marahan akong dumilat sapat para masilip ang pagpasok namin sa isang silid. Evan settled me in a longer sofa. Siya na rin ang naghubad sa aking sapatos. I pulled my knees to my chest and hugged them. Tinago ko ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod.

Narinig ko ang lumalayong mga hakbang niya. A minute later, he came back and I felt the space beside me dipped low. Kinuha niya ang kamay ko at maingat na pinunasan ang aking mga braso at pulsuhan ng maligamgam at basang tela.

"Hindi ka ba uuwi?" he asked softly.

Umiling ako, nanatiling tinatago ang mukha sa pagitan ng mga tuhod.

Sa mararahan na haplos niya sa aking kamay para amuin ang hapdi ng sugat, unti-unti akong nakaramdam ng antok. I must have been that exhausted from all the crying last night. From all the pain that always slows me down. Pero bago pa ako sumuko sa pag-idlip ay nakarinig ako ng tunog na nagpaangat ng aking tingin.

LOYAL HEARTS #1: ROSS AND SCARS (Rewritten Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon