PROLOGUE

640 14 5
                                    

"Oh my God! Nee-chan, someone's chasing us!" agad akong napalingon sa aming likuran matapos itong sabihin ni Tamara na kasalukuyang hindi mapakali kakatingin sa salamin ng motorsiklo.

Limang motorsiklo ang kasalukuyang humahabol sa amin at pawang mga nakaitim at nakamaskara ang mga nagmamaneho nito. Hindi sila mga normal na tao. Kahit malayo sila sa amin, ramdam na ramdam ko ang masamang aura na nagmumula sa kanila. Marahil ay mga first class demons sila.

"Don't be distracted. Hindi nila tayo aatakihin sa ganitong pampublikong lugar. Just concentrate on your driving!" sinunod naman niya ang utos ko at lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng motorsiklo.

"Mukhang mali ka Nee-chan. I think we're in trouble!" muli akong napalingon sa aming likuran at laking gulat ko ng makitang napapaligiran na nila kami.

"Shit!" nasabi ko na lamang ng makitang sabay sabay silang naglabas ng baril at itinutok sa aming dalawa. We can't fight in here. Nasa kalagitnaan kami ng highway at siguradong madaming madadamay pag nagkataon. Pero kapag hindi naman kami lumaban, maaari namin itong ikamatay.

"Tamara, ako ang magda drive."

"Pero Nee-chan, marunong ka bang magmotor?" hindi ko na siya sinagot at agad na inagaw ang handle sa kanya. Tinodo ko ang takbo namin habang paekis ekis na umiiwas sa mga balang humahabol sa amin. I'm a former drag racer kaya't balewala na sa akin ang ganitong stunt.

"Tamara, use your soul weapon! Kahit dalawa lang ang mawala sa kanila, malaking tulong na iyon sa atin."

"Yosh!" agad niyang nai-summon ang kanyang twin gun at pinaputukan ang dalawang malapit sa amin.

"May the God forgive you." wika niya habang sinusundan ng tingin ang unti unting paglalaho ng dalawang nilalang na ito. Three more left. I was about to accelerate more ng makaramdam ako ng matinding kirot sa balikat, sunod sa tagiliran at sa kanang braso. Kasunod nito ay ang unti unting pagkalat ng pulang likido mula dito.

Crap! Tinamaan ako ng bala!

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang unti unting panlalabo ng aking paningin. I am even loosing my control in driving.

"Nee-Chan, okay ka lang?"

"D-don't mind me..."

"Pero- Oh hell!!! You're bleeding!"

Hindi ko na inintindi ang iba pa niyang sinasabi at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Nang may madaanan kaming kanto ay hindi ako nagdalawang isip na pumihit dito. And the good thing is, walang kabahayan sa lugar na ito at puro puno lang ang makikita.

We quickly jumped off and prepared ourself for a battle. Ilang segundo lang nga ang binilang at napapaligiran na kami ng mga nilalang na kanina ay humahabol sa amin. Kung kanina ay tatlo na lamang sila, ngayon ay nasa sampu na ang kanilang bilang.

"Nee-chan, kaya mo bang lumaban?"

"Kakayanin ko Tamara."

I summoned my scythe at nagsimula nang atakihin ang mga kalaban. Ang ilan sa kanila ay espada at baril ang gamit kung kaya't medyo nahihirapan kaming dalawa na kontrahin ito.

"Maghiwalay tayo Tamara. Ako nang bahala sa mga may espada."

"Yosh!"

Ilang minuto lang ang lumipas at tuluyan na namin silang nagapi. We just watched as their body turned into ashes.

"May your soul be saved." bulong ko. Nagsimula na akong humakbang papalapit kay Tamara ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay nagdilim na ang paningin ko.

Marahil ay madaming dugo na ang nawala sa akin. Bahagya ko na lamang naririnig ang kanyang pagtawag sa aking pangalan. Nilalamon na ako ng dilim at unti unti na ding bumabagsak ang katawan ko.

Ito na ba ang katapusan ko? No one will be able to save me...

Ngunit bago pa man ako tuluyang mapapikit, naramdaman ko pa ang mga brasong sumapo sa aking katawan.

"Don't give up yet, Charlie."

"Shin...."

Hoho! First story na mystery/thriller/adventure. Hope na sana po ay suportahan nyo. Thankies >3<
-yukiinari07

The Substitute ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon