Ilang ulit pa akong napabuntong hininga bago muli tinitigan ang mataas at magarbong gate na nasa aking harapan. Kung pagmamasdan mula sa aking kinatatayuan ay hindi mo aakalain na isa pala itong eskwelahan. Akala ko nga nung una ay naliligaw na ako. Mabuti na lang at nabasa ko ang pangalan na nakaukit sa itaas ng gate na ito.
St. Agatha Academy...
Sa magkabilang dulo ng pangalan na ito ay may nakaukit na malaking krus. Maybe this one is a prestigious school.
Ito na lang ang pag asa ko. I hope na sana ay tanggapin ako dito kahit na isang buwan nang nagsisimula ang klase. Dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong mukhang maihaharap kay Dad kapag nagkataon. Kung hindi lang kasi ako nadamay kanina! Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang nangyari. Siguro hindi talaga ako nababagay sa school na iyon.
Nagsimula na akong humakbang palapit sa lalaking nagbabantay sa gate. Marahil ay naramdaman niya ako kaya naman napatingin na din siya sa akin.
"Good afternoon po Sir." magalang kong bati sa kanya na sinuklian naman niya ng isang ngiti.
"Anong maitutulong ko sa iyo, Hija?" I cleared my throat before answering. This is it Charlie!
"Ahm, nakakahiya man pong sabihin pero, tumatanggap pa po ba kayo ng transferee dito?"
Crossed fingers, tinatawagan ko ang lahat ng diyos, santo, santa, diwata o kahit ano pa, please give me a positive answer!
"Ah, transferee ba kamo? Gusto mong mag enroll sa school na ito?"
"Opo sana." sagot ko sa alanganing tono habang napapangiwi.
"Saglit lang Hija, itatawag ko muna sa school admin kung tumatanggap pa sila." tumango na lang ako sa kanya habang siya naman ay tumalikod na at nagsimulang mag dial sa intercom. Maya maya lang ay may kausap na siya sa kabilang linya ngunit hindi ko ito nadidinig. O dapat bang sabihin ko na sinasadya niyang huwag itong ipadinig sa akin? Ilang sandali lang ang lumipas at ibinaba na niya ang telepono at lumapit sa akin sabay abot ng isang kapirasong papel.
"Maswerte ka Hija. May libreng slot pa daw para sa isang estudyante kaya naman maaari ka pang mag enroll dito. Puntahan mo lang ang nakasulat sa papel na iyan at maaari mo nang ayusin ang paglipat mo sa school na ito."
"T-talaga po? Naku, maraming salamat po Sir." unti unti niyang binuksan ang gate para sa akin kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at nagmadali nang pumasok sa loob.
"Thank you po ulit- Sir?" hindi ko maiwasang magtakha ng hindi ko na siya makita sa kanyang pwesto kanina. Saan nagpunta yun? Weird ha.
Ngunit agad ding nawala ang pagtatakha ko nang mamalas ko ang kagandahan ng paligid dito. Pagpasok mo ay agad na bubungad ang isang malaki at mataas na fountain na napaliligiran ng makukulay na mga bulaklak. Sa paligid din ay madaming mayayabong na puno ang nakatanim.
Ngunit ang nakaagaw nang aking atensyon ay ang mala simbahang istruktura na gusali na matayog na nakatayo sa gitna ng dalawang magkaharap na building. Maybe that is the main school building.
Nagsimula na akong humakbang palapit dito habang hindi ko pa din maiwasang balikan ang mga nangyari sa akin kaninang umaga.
A few hours ago...
"Charlie, pwede bang patulong?" mula sa pagkakaidlip sa ilalim ng punong ito ay agad akong napadilat nang madinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Agad kong nabungaran ang mga mukha ng mga kaklase kong babae na halatang may kailangan sa akin.
"Yes?"
"Ahm, magpapatulong lang sana kami na buhatin yung mga rifle pabalik sa stock room, kung okay lang sana?" alanganin nilang sabi habang pinaglalaruan ang kanilang daliri.
BINABASA MO ANG
The Substitute Exorcist
Mystery / ThrillerSabi nila, espesyal daw ako. Normal na kasi sa akin ang makakita ng mga nilalang na hindi pangkaraniwang nakikita ng mga normal na tao. Normal naman talaga ang pamumuhay ko not until the day that I accidentally discovered a secret organization that...