Chapter 21
Noong maggabi na nag-inuman lang kami nila Daddy at Renzo sandali tapos umuwi na sila Mommy at Daddy sa bahay. Sila Ate at Renzo naman umuwi na sa kanya-kanya nilang condo.
Nilinis ko muna ang pinag-inuman namin sa veranda bago pumasok sa loob ng kwarto para matulog dahil 10 pm na.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko saka ipinikit ang mata ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Hindi ko pinansin 'yon dahil tinatamad akong kunin at sagutin. Inaatok na kasi ako at medyo masama pa din ang pakiramdam ko.
Napabuntong hininga nalang ako noong tumunog nanaman ang cellphone ko para sa isang tawag.
Sino ba yung tumatawag na'yon? Hating gabi na ah?
Bumangon ako sa pagkakahiga ko saka naglakad papunta sa desk ko. Tapos na ang pagriring ng cellphone ko noong nakuha ko ang cellphone ko sa desk ko.
I opened it and check the miss calls. I froze when I saw Mav's miss calls.
Anastasia missed calls (35)
"Bakit ang dami niyang tawag?" I whispered to myself.
Binuksan ko ang message box ko dahil andami ding text doon. Nakita kong puro text din ni Mav yung nandoon.
Anastasia:
Are you mad?Anastasia:
I'm sorry.Anastasia:
Please sagutin mo naman ang tawag ko.Anastasia:
Galit ka ba?Anastasia:
I'm just doing my workAnastasia:
Raze?Napapikit ako ng mariin at saka naglakad papunta sa cloth-set ko para kumuha ng jacket. Inilagay ko sa bulsa ng sweatpants ko ang cellphone ko saka kinuha ang susi ng kotse ko.
Pagkalabas ko ng pinto at pagkasara bigla ako nahilo kaya napahawak ako sa pader at pinikit ng mariin ang mata ko. I sighed heavily and continued walking.
Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko inayos ko kaagad ang seatbelt ko. Inilagay ko sa bintana ang siko saka hinawakan ng ulo ko dahil nahihilo talaga ako.
Tinawagan ko ang cellphone niya kaso busy. May kausap yata. Nagdrive ako papunta sa condo niya dahil sa pag-aalala.
"I just hope that we are not going to argue Mav. I'm not feeling well now." I said talking to myself while walking towards her condo.
Kumunot ang noo ko noong makita si Hira na nakatayo doon sa tapat ng pinto ni Mav. Naglakad ako ng mabilis papunta doon at magsasalita na sana noong makita si Eros at Mav sa loob. Nag-uusap
"Raze is mad at me. Masama bang ipaglaban ko ang kaibigan ko? Masama ba maghangad ng hustisya para sa kaibigan ko?" Umiiyak na tanong niya sa kay Eros habang nakaupo sila sa sofa. "Pagod na pagod na din naman ako sa kaso na'to. Hindi ko naman ginusto na makalaban siya sa korte. Bakit kailangan niyang paulit-ulit na ipaglaban sa akin si Ara? Akala ko ba ako ang mahal niya? Eh, bakit si Ara pa din ang pinipili niya?"
"Mav..." Nag-aalala sambit ni Eros at saka tuluyang lumapit sa kaniya. Umupo siya sa tabi ni Mav at niyakap ito. Niyakap din ni Mav pabalik si Eros. Isinumsob ni Mav ang muka niya sa dibdib ni Eros habang umiiyak. I glanced at Hira. She's bowing herself and I heard her sobbing.
I sighed heavily and leaned my back on the walk because I feel dizzy.
"He's my only strength to continue this case pero... pero bakit siya din itong nagiging dahilan ng paghihina ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/258978471-288-k126779.jpg)
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
Ficção GeralLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...