CHAPTER ONE
"Wooh!!! Go no.11,cute mo!,"sigaw ni Irish.
"Uy sis nabaliw kana dyan,"saway ni Jsa na matalik nyang kaibigan.
"Leshe,pabayaan mo nga ako.Mind your own business!,"pagtataray nya saka muling tumili.
Araw iyon ng MAPEHLYMPICS ng mga 4th year students.Ewan ba nya,pero mabilis na nakuha ng naka-no.11 na jersey ang kanyang atensyon.Nagtititili syang parang wala sa sarili.
Maya-maya pa nakita nya si Steven.Kaklase nya ito noong sya'y 2nd year.Patay na patay sya rito pero ni kailanman ay hindi nya iyon ipinahalata.
Ngayon natutuwa sya dahil sa tinagal-tagal ng panahon,ngayon lang uli sya nagkagusto sa iba.Oo,iniyakan nya si Steven dahil tanggap na nya sa sarili nya na walang pag-asa ang pag-ibig nya para dito.
Muli nyang sinulyapan si Steven at nagtaka.
"Ba't ansama ng tingin nya?,"tanong nya sa sarili.
Nag-iwas ito ng tingin na kasabay naman ng tilian ng mga kababaihan.Tumingin sya sa direksyon na tinitingnan ng mga ito.Nahigit nya ang kanyang hininga ng makita si no.11 sa di kalayuan.Hawak nito ang bola.
"OMG girls!,tinititigan nya ako!,"sabi ng isa sa mga babaeng katabi nya.
Nagtaka sya kasi obvious naman na sa kanya nakatingin ang lalaki.Mas nagulantang sya nang bago nito ishoot ang bola ay kinidatan sya nito.Muling nagtilian ang mga hitad.Syempre pa,alam nyang para sa kanya iyon.Mas natuwa pa sya nang makitang pumasok ang bola.Lumipas ang ilan pang minuto.Sampung segundo na lang ang natitira...
Lahat ay pigil ang kanilang hininga.Lamang ang kabilang koponan ng dalawang puntos.5-4-3...ilang segundo na lang ang natitira.Kitang-kita ng lahat ang pagsugod ni no.11.2-1!! Narinig sa buong gym ang buzzer na naghuhudyat na tapos na ang laban.Kasabay non ang tilian at sigawan ng mga manonood.Naipasok ni no.11 ang bola.Panalo sila!!!Naputol ang kanyang pagsigaw nang makita nyang nakasalampak si no.11 sa may gilid.Walang pagdadalawang isip na tumakbo sya palapit dito.
"Ahmm...o-okay ka lang?,"tanong nya.Bakas sa boses nya ang matinding pag-aalala.
"Yeah,napulikat lang ako,"sagot nito.Hindi nya malaman kung talaga bang bumagsak ito't nasaktan o nagkukunwari lang dahil ang lapad pa ng ngiti nito.Hinawakan nya ang paa nitong pinulikat.
"Aw!,"daing nito.
"O,akala ko ba okay lang.Ba't ka nagre-react dyan?,"mataray na sabi nya dito.
"Ang sabi ko,okay lang.Pero wala naman akong sinabing hindi masakit ah,"sabi nito na nakangiwi na ang mukha.
"Eh ba't ka kasi nakangiti dyan?Para namang umaarte ka lang,"pagdududa nya.
"Wala lang,masaya lang ako kasi nandito ka,"sagot nito.Nakangiti maging ang mga mata nito.
Natigilan naman sya sa sinabi nito.Well,kahit papano kinilig din naman sya.Parang matagal na sya nitong kilala sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya.
Walang sabi-sabing inihilamos nito ang kamay sa mukha nya."Namula kana agad,crush mo ko no?,"panunukso nito.
"Aba!Arrgghh!!Ang kapal naman ng mukha mo!Anong tingin mo sa sarili mo,sobrang gwapo?!,"inis inisang sabi nya.Ganon talaga sya.Okay lang na itanong mo sa kanya ang kahit na ano,pagsolvin mo ng kahit na anong mathematical equation.Huwag lang tungkol sa crush o sa kahit na anong malapit doon dahil di nya talaga kayang sagutin iyon.
"Di naman masyado,sapat lang,"sagot nito.
"Aba san ka nakabili ng kapal ng mukha?Makabili ngang isang tumpok,"sarcastic na sabi nya.