Hirap din palang maging lalaki nuh ?
Must read :
sensya Girls :) babawi tayo kapag nakapagisip ako :) comment your reaction :) wag sanang mang gera okay ? :) hope you like it .
*gabi. Usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na pare ?
Ako , ok lang. Eto , nagmumuni-muni. Nag-iisip. minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba .
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun, pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan hindi magiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naisip ko, alam kaya ng mga babe ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? Eh yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya ? ang feeling ng masaktan pag nabasted ?
Malamang-lamang siguro hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap natin eh. Ang alam lang ata nila eh mamili , manakit at magsaya. Tingin mo ?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang lalake na ang naghihirap. Hassle satin ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin natin para masabe natin sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae , diba ? tapos liligawan pa natin. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.
Maghahatid sa bahay, tutulungan , sasabayan , pakakainin , pagtyatyagaan , lahat na kulang na lang eh pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit ? well , depende sa trip nila .
Oo tol, sa trip lang nila . wala silang pake kasehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha natin, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin , sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila . kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na badtrip, iiling-iling at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa , marami silang alibi. “hindi pa ‘ko ready eh…” , “ Sorry pero I think we should just be friends.”, “Ha ? uhmmm , nagpapatawa ka ba ? HAHAHAHA …”, “better luck next time nalang muna , okay lang ?” , “give me a decade, pag iisipan ko muna…”, “para lang kitang kapatid eh…” , yaddah yaddah. Isang malaking pagsusuklob ng langit at lupa ‘yon para satin.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang yun tol. Sa pre-relation stage pa lang yan . pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake. Tayo daw ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtyatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo , tayo ,tayo. Sila ? uhmmmmmmmm teka isipin ko .
Ayon. Sila lang magsasabi kung anong oras kayo magkikita. Sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang text. Sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano sila ang magbabawal sila ang magsasabi kung kelan ka dapat magshave , kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila kung kelan sila di dapat badtripin dahil meron sila , at kung kelan ka korni. Ewan . ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pre , dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda di okay. Pag may problema, lasalanan natin. Haaaaaaaay buhay . minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal natin kaya din a natin iniintindi yan.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa yap magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal eh. Hindi lang parang laru-alro lang. seryoso at kung magmahal man tauo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiayk-iyak, iina-inarte, dadradrama , at kung anu-ano pa. hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito ang pinakamasaklap
*singhot*
Ang ending ng relasyon sa mga panahong ito, either sawa na sila , hindi na tayo trip, may nahanap na silang better satib o kaya they need f*ucking space and time muna. Bad trip noh ? wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don ? syempre wasak na imahe natin. Tayo ang lalabas na mya kasalanan , na playbaoy , na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts natin nasa kanila , sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image natin, ta higit sa lahat, mag-iisip kung papano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali mamomoblema sa pag aadjust sa pagiging single, at din na naman makakatulog. Haaaaaaaaaaaaaay buhay. Ang hirap maging lalaki. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano ? hindi kana nagsalita ? Il-Love ka noh ?
Ako , kamusta ? eto. Yoyosi yosi bubuntong buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok – lagok ng alak.
Ang mga babae talaga oo.
_END_
BINABASA MO ANG
Hirap maging lalaki .
Short Storytake time to read :) super short story or i must say conversation :) yaaay sorry agad agad :) wala lang magawa . ^______________________________^