#HanggangNgayon

566 12 2
                                    

Written by SeokHan

Ayokong isipin na pinaasa niya lang ako. Ayoko rin isipin na hindi niya ako minahal, pero masyado ng maraming mga nangyari at mahirap ng ibalik ang nakaraan...

***

“It’s about time Stephen.” bulong ko sa sarili nang magmulat ako ng mata. Nagmadali akong bumangon sa kama at pumasok sa banyo. I took a long shower and made sure that I would smell good. Matapos kong makapag-bihis ay tumapat na ako sa salamin. Alam kong dito ako pinaka-magtatagal — sa pag aayos ng buhok ko. I’m not that vain before but today, I became one. Gusto ko kasi malinis, mabango at gwapong-gwapo ako'pag nagkita kami. Ngayong araw ang plano kong magtapat ng tunay na nararamdaman kay Shontelle. We’ve been friends for a year now. Ngayon din ang anibersaryo ng pagkakaibigan namin — naka-timing sa pag-amin ko ng pag-ibig sa kanya. I’m not sure if she loves me too, but I want her to know what I feel about her. Baka'pag nalaman niyang mahal ko siya, magkaroon ng chance na maging kami. I sighed. Kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng sabihin para agad ko na siyang maligawan.

1 message received.

Sandali akong natigil nang mag-beep ang cellphone ko. Maging ang puso ko ay nahinto sa pagpintig nang malaman ko kung sino ang nag-text. It was...

Shontelle:

See you later in the park, Stephen. May sasabihin din ako.

Nagtagal akong nakatutok sa screen ng cellphone ko. I didn’t even move. I’m rereading the message to check if I read it right. Nang masiguro kong tama nga ang pagkakabasa ko, saka naman tumibok ng pagka-bilis-bilis ang puso ko. May sasabihin din siya? Could it be? Oh men!

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga naiisip ko. What if she feels the same way? What if she planned to confess too? And what if all along we love each other at the same time but non of us crossed the line because we’re both waiting for each other to go first?

“Oh fuck!” naipilig ko ang aking ulo. Para akong tanga na ngiting-ngiti dito. I can’t stop myself to assume. Hindi naman kasi malabong mangyari iyon. But I want to hear it from her.

Tinitigan ko ang wall clock at nakitang 3pm na. Isang oras nalang. Fuck! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobrang kaba — ayaw mawala. Binabaliw ako ni Shontelle, pero kahit ganito ang nararamdaman ko — kahit kakaiba, gusto ko. I love the fact that Shontelle can make me feel things I never felt before. Siya lang talaga ang kayang gumawa nito sa akin.

***

Maaga akong nakarating sa park. Sinunod ko lang ang nabasa ko sa isang article kapag makikipag-date. You shouldn’t keep the girl waiting. You have to act like a gentlemen. And as a gentleman, nauna ako. Fifteen minutes nalang bago mag-alas kwatro. At habang lumalapit ang oras lalo akong naghuhuramentado.

Matiyaga akong naghintay sa favorite bench namin ni Shontelle. Dito kami unang nagkita, kaya sa tingin ko mas magandang dito rin kami ma-upo. Ayon din kasi sa article, mas sweet kapag memorable ang first date. Well, hindi pa ito ang first date but I want it to be special. May plano na ako sa maggaganap ngayong araw. Ilang minuto pa ang lumipas at bumaling muli ako sa wrist watch ko. Alas kwatro na. Bakit wala pa siya? Muli pa akong bumilang ng minuto subalit wala pa rin ’ni ang anino niya. Naisipan kong i-text na siya ngunit wala rin siyang reply.

Inaliw ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa ibang couple na nasa parke. Na-iimagine ko na kapag kami na ni Shontelle ang magde-date. Napapangiti ako. Para kasing may kung anong naglalaro sa tiyan ko. Nakakakiliti. Ito ba ang butterflies na tinatawag ’pag kinikilig?

“Fuck!” Kinikilig ako!

“Stephen!”

Halos lumundag ang puso ko, nang marinig ang pamilyar na tinig. It was her. My Shontelle. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Mukhang masayang-masaya siya. Is it because of me? Napangiti ako sa isipan pero kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Hashtag : whogoatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon