Kabanata 1

17 0 0
                                    

Heto na naman ako. Pinagmamasdan ang magandang painting na ito. Sa tuwing nalulungkot ako ay pinagmamasdan ko lamang ang painting na ito at nawawala ang lahat ng aking mga suliranin.

Sa sala nakalagay ang 'aking' painting.

Ang pagkaka-'akin' ano?

Ang totoo ay hindi sa akin ang painting na ito, kundi pag-aari ng amo ko.

Isa itong pinta ng isang tulay na napapalamutian ng mga bulaklak sa gilid at sa banda roon ay makikita ang isang ubod ng gandang mansyon.

Balang araw, titira ako sa mansyong katulad na katulad nito. Wika ko sa aking sarili kahit hindi ko naman alam kung magkakatotoo pa ang pangarap kong iyon.

'The Bridge, 1523, N and P Forever,' muli kong binasa ang pamagat ng painting, ang taon kung kailan ito ginawa at ang signature nito.

"Perla!!!!"
Matinis na boses iyon ni Lola Rosa.

Hay, maglalaba na naman! Maktol ng aking kalooban.

"Nandyan na po!" Sagot ko.

Mula nang ako'y maulila ay kinupkop na ako ng aking Lola Rosa. Bata pa ako noon nang mawala ang aking ama't ina. Si Tatay namatay sa aksidente kasama ang ina ni Doña Perpetua. Hindi iyon nakayanan ni Nanay at pagkalipas ng ilang buwang pagkakasakit ay sumunod na rin sya kay Tatay.

Napakasakit noon para sa akin. Sino ba naman ang nais mawalan ng mahal sa buhay? At ang mas masakit pa sabay pa silang kinuha sa akin sa mura kong edad.

Ngayong sumapit na ako ng disiotso ay ipinaunawa sa akin ni Lola Rosa na sadyang maikli lamang ang buhay ng tao at bawat oras ay ginto. Kaya naunawaan ko na rin ang nangyari.

Isinama ako ni Lola Rosa sa impyernong bahay na ito nang mamatay sina inay at itay. Impiyerno dahil sa mag-iinang Doña Perpetua, Señorita Cecilia at Señorito Alfonso.

Ang mabait lang sa mag-anak ay si Don Ricardo, na kasama ng kanyang anak na si Señorito Alfonso ngayon sa ibang bansa.

Mabuti nga at isinama ni Don Ricardo si Señorito Alfonso sa ibang bansa, dahil ubod na ito ng yabang at bastos pa.

Sabi ni Lola Rosa lalo daw naging mapagmataas si Doña Perpetua simula nang mamatay ang ina nito sa aksidente kasama ng aking ama. Namana ni Señorita Cecilia ang ugali nitong halos idolohin pa ang ina.

Buhay kapalit ay buhay!

Natatandaan ko pa ang sinabing iyon ni Doña Perpetua. Buhay daw ang kinuha namin sa kanya kaya buong buhay daw kaming maglilingkod sa kanya. Wala kaming magawa kundi ang sumunod.

Kapos ako sa pinag-aralan, kaya wala na ba akong karapatang lumaban?

Pinalad naman akong makatapos hanggang mataas na paaralan sa tulong ni Sir Ricardo. Kung sila Doña Perpetua ay alipin ang turing sa amin, ay iba si Sir Ricardo--anak ang turing nya sa akin. Pamilya na rin daw nya kami ni Lola. Kung hindi nga tumutol si Doña Perpetua na magtapos ako hanggang kolehiyo ay malamang abogado na ako ngayon na nagtatanggol ng mga api.

"Naku, Perla! Umuusok na ang ilong ni Ma'am Cecilia sa galit. May idadagdag pa sa lalabhan nyo ni Lola Rosa," si Imelda, ang matalik kong kaibigan na isa ring katulong sa bahay na iyon.

"Hayaan mong umusok ang ilong nya sa galit. Kalalaba ko lang ng damit nya kahapon, magpapalaba na naman sya," sagot ko kay Imelda.

"Naiinggit lang iyon sayo, Perla. Laking ganda mo naman kasi sa kanya."

Heto na naman si Imelda. Pinagkumpara na naman kami ni Ma'am Cecilia.

"Kuh! Ikaw talaga!"

"Totoo naman ah! Tadtad lang sya ng kolorete sa pagmumukha kaya gumanda-ganda sya ng kaunti. Pero tingnan mo tingnan mo kapag nawalan iyan ng ayos sa mukha, kamukhang-kamukha nya ang ina nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bridge Where stories live. Discover now