Chapter 1

1 1 0
                                    

Dahil sa gulo ay naging iba ang atmosphere kagabi pero masaya pa rin natapos ang kasiyahan. The Celebration went well kung hindi lang sa lalaking iyon. Nalasing na ata ito at hindi na nakapag pigil magsabi ng  kung ano ano.

I can't focus last night. Iniisip ko pa din kung gaano kalakas ang epekto ni Keena kay Haegon, isang salita lang niya naging okay na ulit ang unggoy.

Hindi ko pa nga din maintindihan kung bakit siya nagalit ng ganun kagabi. Baka nasaktan siya dahil sa pagkukumpara ni Keena sa akin na isang hamak na jologs na malaki ang suso. Bakit tingin ba niya nagpagawa ako ng katawan?! Excuse me lahat ng parte ng katawan ko totoo. Tamang ehersisyo lang ganon.

Loko yung lalaki ah! manyak siya pati suso ko siguro pinag papantasyahan. Men will be men tsk! Nangingitngit pa din ako sa inis. Dapat pala ay ako na ang sumapak doon sa lalaki.

Someone knock on my door. Parang masisira na sa lakas ng pagkaka-katok. Tignan mo tong taong to, tutulog pa ako dapat dahil masakit pa din ang ulo ko.

"Anooooo!" Malakas kong sigaw at hindi pa binubuksan ang pintuan.

"Open the door."  at kumatok pa ito ng malakas.

"What!? Sobrang sakit pa ng ulo ko, please stop banging my door!"

Nagmamakaawang sabi ko sabay takip sa tenga ko.

"Just open the door!" Inis na sabi nito.

Ano bang problema niya. Lokong to sabing matutulog muna ako e. Wala akong choice dahil hindi talaga siya tumigil at kukuha nalang daw siya ng susi kapag di ko pa siya pinag buksan. Kahit masakit ang ulo ko ay na manage ko naman maabot ang doorknob at pagbuksan siya.

Wala sa wisyong bumalik ako sa higaan dahil alam kong kulang na kulang pa ako  sa tulog ko. Pabalagbag akong humiga at binalot ang sarili ng comforter.

"Eat." He said and place the food in front of me.

I open my left eye and close again. Mukhang yummy nga niluto niya ngayon. Pero ang bigat talaga ng ulo ko!! Parang binibiyak tapos kulang nalang iumpog ko sarili ko sa pader.

Argh!! I hate drugs, este I hate alcohol pala.

"May martilyo ka bang dala? Parang mas need ko 'yon. " inis na anas ko sa sarili.

Hindi ito sumagot kaya naman ay dinilat ko ang mga mata ko. Pagkakita ko ay may martilyo nga siyang dala. WTHOTDOG!  Realquick, e?

"Mukhang kailangan mo nga nito." Breathless he said.

Atomatiko akong napatayo at lumayo sa kanya. Ano bang trip 'nya ba't may dala siyang martilyo? Nag jo-joke lang naman ako sa kanya dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

He heaved a deep sigh and collect his fist. Pati ang mga mata niya ay mataman na nakatingin sa akin. Ano bang problema niya ba't siya nagagalit?

"You screwed everything..." He started.

"Huh? What did I do? did I flirt someone?"
I said totally clueless.

Wala talaga akong maalala na nangyari kagabi. H-ell! Sabi na dapat hindi na ako uminom! Baka nakita ng mommy niya na may kinausap ako or maybe... the worst..

"STILL CLUELESS!!" sigaw nito sa akin.

Kung nakakamatay lang ang mga mata niya kanina pa ako hindi humihinga. Lahat ng lasing ko kagabi ay nawala dahil sa sigaw niya. Alam ko na, pero hindi ko maamin sa sarili ko ang kasalanan ko.

"Akala ko ba mahalaga sa'yong makuha ang pera mo? Then simple importante din sakin mabalik si Keena, but what you  did last night won't fix this anymore." punong puno ng galit ang mukha niya.

"I- I don't know what are you talking about." Nauutal na sabi ko.

H-ell! kung tama nga ako, shemay bat ko nagawa yon?! Ako pa,  sakin pa mismo galing! Ako mismo sumira ng usapan namin. Ano ba kasing ginawa mo kagabi Shannon!?

Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang mag isip. pero wala talaga akong maalala. Tumingin ulit ako kay Haegon at ganon pa rin ang aura niya. Mas lalong tumitindi pa ito!

"Haegon... wala akong maalala.." Pag amin ko. "Ang alam ko nag pakabait naman ako."
pagtuloy ko at nag finger cross na sana naging mabait nga ako at panaginip lang to.

Pumasok si Tita Clairine at ang asawa nitong si Mr. Macco. They are both look exhausted! Shemay! Mukhang hindi nga ako nagpakabait kagabi. Ano bang ginawa mo Shannon!

"Iha, I thought you are different among Haegon's girl...I am so disappointed on what you said last night." I saw pain in her every words and her hand placed on her chest.

"Haegon! I can't believe that you can fool us, your family! Hindi kita pinalaki para lokohin kami ng mommy mo!" Galit na anas ni Mr. Macco at inalalayan palabas si Mrs. Clairine.

"How do they know?" napalakas ang pagkakasabi ko at lumingon ang galit na si Haegon.

"How do they know, Wag ka magulat dahil lahat ng tao kagabi alam ang palabas natin! Inamin mo sa kanilang lahat dahil sa sobrang lasing mo. Pinakita mo sakin ang perang nakuha mo sa parents mo, Na transfer na nila sa account mo ang mana. Kaya ba iniwan mo na ako sa ere!" Sigaw nito ng papalapit sa akin.

"What?  Na transfer na yung pera?" naguguluhan na tanong ko.

Bigla pumasok sa isip ko ang isang senaryo. Parang isang panaginip, pero sana nga isang panaginip nalang.

"I'm sorry, but I need to go, I have to run an errands tomorrow ..." Pagpapaalam ni Keena.

"Huh, agad? waiiiit!" pag pigil ko.

Lasing na ata ako dahil hindi ko na makita ang mga mukha ng mga kasama ko. Kanina ko pa hindi makita si Haegon. Sumama kasi ako kay Keena at nakipag inuman. Ang lakas pala talaga niya sa alak kasi sabay naman kaming uminom pero she still on her sense.

"You're too drunk... rest now." Maikling ngiti ang ginawad niya sakin.

"Wait lang may announcement lang ako  upo ka lang saglit hehehe." Lenggay na tumayo ako.

Sa wakas ay nakarating ako sa stage, Biglang sumulpot si Haegon at pilit akong pinapababa.  "Anong ginagawa mo.. lasing ka ba? " bulong nito sa akin pero hindi ko pinakinggan.

"Attention everyone! hoy pakinggang n'yo ko sabi!"  Sabi ko ng makitang busy pa rin makipag daldalan ang mga ito sa mga kanya kanyang table. Anniversary celebration namin 'to kaya dapat pakinggang nila ako.

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko. Natawa na din ako ewan kung bakit. " Ayan, Thank you pala po sa lahat ng dumalo tonight! Applause tayo!" At pumalakpak din ako.

They are all laughing at me. " And sa'yo sa aming pinaka guest tonight, Ms. Keena Orlov , the one and only love of Haegon!" Pumalakpak ako ulit at konti nalang ang sumabay.

"Shan stop it!" Saway ni Haegon sa gilid ko. inaagaw na niya ang microphone.

"Hey wait! Alam mo ba Keena, It was all planned... (I laugh) This show is for you.. Mahal na mahal ka ni Haegon to the point na mag execute ng plan para mapapunta ka dito sa Philippines!  Palakpakan naman natin si Haegon!" I clapped.

Wala ng pumalakpak at lahat sila ay natahimik dahil sa sinabi ko.

end of scenario

"Haegon... I-I was drunk... I'm sorry..." Saad ko dito pero hindi pa ako nakakatapos ay isang sampal ang dumampi sa mukha ko.

"You can leave, Wag na wag ka na magpapakita sakin!"

Umalis ito at sinara ang pinto ng pabagsak. Hawak ko ang pisngi ko at may tumulong luha. H-ell! Bakit ko nagawa yon? Bakit ko siya nagawang ilaglag?






////

Short update lang mga atez still unwell pa din tayo. Next update damihan ko na hehe.

April 30, 2021

The Bride to beWhere stories live. Discover now