Chapter 34

369 30 9
                                    

Chapter 34

"Iuuwi na kita." Bulong niya sa akin. "Basang basa kana. Baka magkasakit ka." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tumayo ako at saka siya tinignan ng mabuti.

"Let's talk about us first." Malamig na sambit ko sa kaniya. "Ayaw mo na ba talaga?"

"May sinabi ba 'kong ayoko na?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Y-You said that let's stop seeing each other because I'm already engaged." Nanginginig ang boses kong sambit sa kaniya.

"Pero hindi ibig sabihin no'n na ayoko na." Kalmadong sambit niya sa akin. "We need to stop seeing each other because your engagement with Lance is already known by everyone. I don't want other people to accuse you of being a cheater and start to question your profession."

"Stop saving me. You already save me from my possible regrets kung mahahatulan si Ara ng guilty kahit inosente siya. Tapos ngayon naman sa propesyon ko. You're saving me from the possible accusation para hindi ako mawalan ng lisensya. Stop it Raze." Pagod na sambit ko sa kaniya. Yumuko siya saka bumuntong hininga. Hinawakan niya ang kamay kong may bandaid. Iyon yung natamaan ng bubog kagabi.

"I'm sorry. I'm sorry dahil nasaktan nanaman kita."

"Nasaktan din naman kita. Parehas lang tayong nasasaktan dito Raze pero sana hindi ka sumuko sa akin."

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka malambot na ngumiti sa akin. "I'll never get tired of loving you, Anastasia."

"I know all the things that you did for me." Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit kailangan mong gawin iyon ng patago? Pwede mo naman gawin iyon ng alam ko at sa harapan ko mismo." Dagdag ko. Hindi siya nakasagot at nag-iwas ng tingin.

"Noong... nilet go natin ang isa't-isa... kaya laging kasama ni Timmy si Dice kapag may gala kami dahil pinapasamahan mo kami sa kaniya diba? Tapos irereport sayo ni Dice yung nangyari sakin." Nakangusong sabi ko. "Kaya naman pala kapag may gagawin si Lance para sakin kinokontra niya kaagad. O kaya kapag may ibibigay sa akin si Lance bibigyan niya din ako. Alam ko din na... ikaw yung nagpapadala ng pagkain sa condo at office ko with tulips tapos... kagabi... hindi ka umalis. Hinintay mo muna ako magpatay ng ilaw at matulog bago umalis. You cry alone outside my condo. Pinatay ko yung ilaw para umalis kana doon at makapagpahinga kana dahil alam kong pagod na pagod kana."

"Pero ikaw yung pahinga ko."

"Then why are you keep on pushing me away?"

"I'm not pushing you away."

"Then ano lang? Lagi ka nalang magdedesisyon na tumigil muna tayo. Hanggang kelan tayo mag-aadjust para sa kanila."

Bumuntong hininga siya saka hinila ako palapit sa kaniya para yakapin ako ng mahigpit. "Alam ko kasi kung gaano kahalaga sayo ang pamilya mo. Kaya pinipilit kong maayos muna ang meron sa pamilya natin bago natin ipagpatuloy yung sa atin dahil alam kong hindi ka pa din magiging masaya sakin kapag yung pamilya mo galit sayo at hindi mo magawang maging masaya dahil naiisip mo na hindi sila masaya para sayo."

Yunuko ako saka niyakap siya pabalik. Hindi namin pinansin yung sarili naming basanga-basa dahil sa ulan. Ambon nalang siya pero hindi pa din kami umaalis dito.

He's right. I will never be happy being with him if my family is not happy for me.

"Maybe I am just being coward and weak to fight for you? I am... thinking other people too much that I didn't even think about us. I'm sorry. I failed you again... I broke my promise to you again."

"You are not a coward Raze... you're the strongest person that I know. You're the hero of everyone. Alam ko kung paano mo hinawakan ulit ang kumpanya niyo at ibinalik sa dati noong nalulugi na 'to dahil sa pagbagsak ng bagong building niyo sana. Kasagsagan noon ng kaso ni Lorence at lagi pa kita inaaway non. Tapos si Ate Cha depress pa no'n at sinabi sayo na nalaglag yung anak nila ng ex niya. Tapos yung kay Aries pa. Yung pagpapahayag ng nararamdaman ni Aries kay Ate Cha. Kung paano nag-away-away ang pamilya mo dahil doon at montik na masira ang pamilya mo. Then kay Eros. Kunausap mo yung father niya at ipinaintindi ang sitwasyon ni Eros at Hira. Tapos eto. Binigyan mo ng tamang hustisya si Lorence para sa akin at si Ara. Iniligtas mo siya sa posibleng pagkakakulong niya." Kumalas ako ng yakap sa kaniya saka siya tiningala at hinawakan ang pisngi niya para haplosin iyon.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon