"Haah.. Haa.."
Hinihingal na napasandal ako sa likod ng isang puno. Mahigit dalawang araw na akong tumatakbo at kanina ko pa nararamdaman ang pagod sa aking katawan.
Kahapon ko pa gustong iligaw ang mga humahabol sa 'kin ngunit patuloy nila akong nasusundan.
Nagsimula muli akong tumakbo papunta sa bayan na aking natatanaw mula sa bundok na tinatakbuhan ko. Konti nalang.
"Ah!"
Napadausdos at nagpagulong-gulong ako sa lupa matapos akong mapatid sa isang naka-angat na ugat ng puno.
"Ah.. Aray ko po.." Naiiyak na bulong ko sa sarili ko ng maramdaman ko ang hapdi ng mga natamo kong sugat sa magkabila kong tuhod at siko.
Nanigas ako sa aking pagkakaupo ng marinig kong muli ang mga kaluskos na nanggagaling sa mga halaman, dahon at sanga ng mga puno.
Pigil ang hininga na nagtago ako sa likod ng mga halaman. Sunud-sunod na anino ng mga tao ang nakita ko habang nakatago ako.
Nanginginig at naiiyak na nanatili akong tahimik habang iniinda ang mga sugat ko.
Pinalipas ko ang gabi na nakatago sa likod ng mga halaman. Tahimik na umiiyak habang patuloy sa pagkalam ang aking sikmura.
Kinabukasan, kaagad akong naglakad papunta sa malapit na bayan. Dahil sa mga sugat ko na hindi pa nalilinis at nagagamot ay nakarating ako sa harapan ng bayan ng bandang hapon na.
Napasandal at napahawak ako sa malaking gate habang hinahabol ko ang aking hininga.
"Miss! Ayos ka lang ba?"
Tanong ng isang lalaki. Napaangat ang tingin ko sakanya ngunit bigla nalang nagdilim ang aking paningin.
******************************************
Refix's POV“Kuya Refix! Kuya Refix!"
Sabay-sabay at pulit-ulit na tawag sa 'kin ng mga bata sa academy.
Ako, si Aydan, si Nikita at ang mga kaibigan namin ay nandito sa academy para makipaglaro at turuan ang mga bata habang wala pa kaming misyon na ginagawa.
Binabasahan namin sila ng mga story books, nakikipaglaro sakanila, at tinuturuan sila ng mga bagay-bagay na kailangan nilang malaman habang bata pa sila.
Looking back, naranasan ko na rin ang ganitong bagay. Noong nasa academy pa ako at nasa edad kagaya ng mga batang ito ay ang unang beses na nakilala ko ang Master ko.
Ang Guro ko ang siyang nagturo sa akin ng mga basics ng pagiging isang ninja. Noong bata ako ay tatamad-tamad ako. Ayaw makinig sa mga alituntunin at mga aral na binibigay sa amin ng mga guro sa academy. Kaya hindi ko masasabi na isa akong mabuting mag-aaral noon. Mabuti nalang at may mga natitira pa akong mga kaklase at kaibigan na hindi ako iniwan at nagsawa sa mga pinanggagagawa ko noon. Basically, those friends and classmates are them.
Natigil ang aking paningin kina Vivie at Leo na naglalaro sa may swings kasama ang ibang mga bata. Pagkatapos ay lumipat ito kay Percy na bitbit ang bata sa kanyang magkabilang bisig, ang dalawa pang bata ay nakasabit sa magkabila niyang binti, at isang batang babae na nakahawak sa tela ng kanyang suot na damit. But despite of how chaotic the kids are, his serious face never fades.
At sa tuwing napapatingin ako kina Aydan at Nikita ay tila nababalot ng kagalakan at kasiyahan ang aking puso. They're like a married couple now kahit kakapropose palang ni Aydan ilang araw ang nakalipas.
Mukha silang masaya habang binabasahan ng story book ang mga bata. I wish na sana ay maranasan ko rin ang ganyang bagay.
"Kuya Refix!"
YOU ARE READING
Shinobi's Conviction (Shinobi #2)
FantasyShinobi #2 "Alam mo ba kung ano ang pinaka-una sa mga alituntunin ng isang ninja? Never leave your comrades behind. Either they're alive, dying, or dead." *Cover is mine. All credits are rightfully mine.*