Prologue

8 0 0
                                    

"1! 2! 3!" Nakaramdam ako ng excitment nang nagsimula nang mag-simula nang tumugtog si Chaze sa kanyang electric guitar, kababata ko.

Bata pa lang kami ay pinangarap na naming bumuo ng banda. Passion talaga namin ang music. Kaya heto at nagpapractice kami para sa Audition sa school na nilipatan namin. First time naming mag audition kaya todo practice kami.

"Wooh.." Sabi ko nang magsimulang sabayan ni Scarlette si Chaze sa electric guitar, lead vocalist din siya ganun din si Lohan na bassist, ako naman sa Drums.

"Nagtatanong.. bakit mahirap sumabay sa agos ng iyong mundo?" Naglilip sync ako habang pumapalo.  "Nagtataka.. Simple lang naman sana ang buhay kung ika'y matino," 

"Go Scar!" Pagchi-cheer ko sa best friend ko. "Sabihin sa akin lahat ng lihim mo iingatan ko, ibaling sa akin ang problema mo, kakayanin ko.." Sinabayan ko siya kumanta kahit na wala akong mic. I love to sing, pero pangarap ni Scarlette ang maging singer kaya napunta ako sa pagda-drum, tutal ay mas magaling siya kumanta sa'kin at marunong ako mag drum.

"Isa pa?" Tanong ni Chaze nang matapos ang Akap.

"Last, Oo by Up Dharma Down," sabi ni Lohan na agad naman naming inaprubahan. Kinuha ni Scarlette ang electric piano at sumenyas sakin, nag simula naman akong pumalo. 

Natapos na kami sa pagpapractice at nagpaalam na silang umuwi. Bukas na ang audition kaya halos hindi ako masiyado nakatulog dahil sa pinaghalong kaba at excitement. 

Kinabukasan ay napagdesisyunan namin na magkita-kita sa school since iisang school lang pinapasukan namin. 

Nandito kami sa cafeteria para maglunch, pagkatapos nito ay audition na. Naka asul kami na t-shirt na may nakalagay na Acquaintance Party sa harap at Pangalan nang school namin sa baba, Apelyido naman sa Likod.

"Eira," Pagpapansin ni Chaze sa'kin. 'Di ko siya nilingin dahil alam kong aasarin lang ako nito. "Eira, Eira, Eira-" 

"Ha?" 

"Panget mo," 

"Mas Panget ka, mukha kang unggoy na kulot," Balik asar ko kahit ang totoo'y matangos naman ang ilong, medyo mahaba ang natural nitong medyo kulot na buhok na medyo brown na natural rin, katamtaman ang kapal ng kilay, makinis ang mukha, at mapulang labi. Kapag tinignan mo naman sa mata ay mahaba ang pilik mata at playful ang kanyang hazel brown eyes. 

"Sus, pasimple pa kayong dalawa, eh.." Binalingon ko  si Scarlette na umiinom ng Zesto. 

"Bakit?" Nagkibit balikat lang siya tsaka tumingin sa katabi niyang si Lohan na tahimik na kumakain ng Carbonara, napangisi naman ako at kinanta ang Pagtingin ng Ben & Ben, pinandilatan naman niya ako ng mata.

Palibhasa may gusto sa kapatid kong tinuturing kaming hangin. 

"Ay girl, kilala mo ba yung mag-ge-guest para sa acquaintance ball bukas? Balita ko gwapo tsaka mayaman daw!" Pagchi-chismis ni Scarlette sakin, ngumunguya pa ng kanin. 

"Weh? Mas gwapo pa'ko dun, eh! Diba Eira?" Tumaas baba pa ang kilay niya sa'kin tsaka ngumiti ng nakakaloko.

Kumanta naman ako ng, "Mangarap ka~ Mangarap ka~" Kaya napasimangot ito.

"Hindi ako aattend-" Kamot kamot yung sintido ko. 

"At bakit?" Nakapameywang at nakataas ang kilay ni Scarlette. 

"Huh? edi wala akong partner?"  Chaze pouted.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Sino ba'ng may sabi sa'yo na gusto kita maging partner at magiging partner kita?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mga biro talaga nito. 

IN EVERY BEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon