"Siya 'yung crush ko ate oh, yung nasa stage.."
"Ah, si beverly, matalino yan eh, magiging kaklase mo yan kapag naging section 1 ka na sa susunod na pasukan."
"Oo naman, kaya nga achiever nga ko ngayon eh,"
Umuwi na kami pagkatapos kong matanggap ang aking medalya. Excited na ko sa susunod na pasukan, magiging kakaiba ang S.Y.2005-2006 ko dahil alam kong magiging classmate ko na si crush. Sana makilala ko sya ng lubusan at maging magkaibigan kami.
Grade 5 pa lang ako, alam ko na ang salitang Crush, alam ko na ang pakiramdam na magkaroon ng crush. 'Yung tipong pinagpapawisan ka, mauutal ka pag nandyan sya at kapag kausap mo. Mawawala ka sa sarili. Grabe lang yung feeling ng ganun. Hindi naman sa pag mamayabang, pero simula nung grade5 ako hanggang sa ngayong 3rd year college na ko, marami akong babaeng naging crush, pero yung pagsasabi ko ng crush na yun sa kanila, minsan mahal ko na pala.
Naging classmate ko na nga si Beverly, naging magkaibigan, naging super close, at dun ko sya nakilala ng lubusan na naging dahilan kung bakit nawala ang feelings ko for her. Siguro nga pagmahal mo yung isang tao, hindi mo mapapansin yung mga bagay na may mali sa kanya, tingin mo sa kanya perpekto pero once na isinantabi mo muna ang pakiramdam mo sa kanya at kinilala syang mabuti, dun mo malalaman na bulag nga talaga ang pag-ibig.
Oo, binuksan ko ang mata ko sa katotohanan hanggang sa napalayo na ang loob ko sa kanya hanggang sa magGraduation.
High School na kami, parehas kami ng school na pinasukan pero sya section1 pa rin ako nakasama sa mga heterogeneous sections. Hanggang sa mga oras na yun, bumabalik yung feelings ko sa crush ko. sinusulatan ko sya,
Sya ang naging inspirasyon ko para magsipag ako sa pag-aaral, at naging achiever ulit ako nung 1st year high school ako. Sabi ng tadhana, dapat magtagpo ulit ang landas namin at ituloy ang nakaligtaang kwento.
Ako nga pala si Venedict, 19 na taong gulang, at hinahanap-hanap ko ang tunay na pag-ibig na matagal ko ng hinahangad. Maraming babae na ang dumaan sa buhay ko, puro sakit, sarap, tukso, pagtitiis at pagod na ang naramdaman ko. Hindi ko inaakalang sa daming babae na ang nakasakit sa puso ko, ang best friend ko lang ang makakapagpabago ng buhay ko. Pero bago 'yun, isasalaysay ko muna ang hirap at pagod na pinagdaanan ko bago ko naramdaman ang tunay na pagmamahal na ngayo'y nararamdaman ko.
"Nandito na ko sa tapat ng room nyo! baba kana."
Matagal syang dumungaw sa bintana nung oras na tinext ko sya nun.
"Uy! nanjan ka na pala, sorry ah, may ginagawa kasi kami ng mga classmates ko. Ano nga pala yung ibibigay mo?" sabi ni Beverly.
"Ah, eh,. okay lang, hehe. uhmm..ibibigay?..uhmm"
"Akin na kasi..alam ko love letter na naman yan eh, di ba?" may ngiti at halong pang-aasar na bulong ni beverly sa akin.
"Nakakahiya kasi eh, 1st year HS na kasi tayo tapos hehe...basta.." nauutal-utal kong sinabi habang inaabot ko sa kanya ang sinulatan kong papel. Nasa stationery ko sya isinulat, hiningi ko pa sa aking ate.
"Wow naman, ang effort, salamat ah! basahin ko na lang mamaya. Babye!"
"Ah...eh...teka...!
Hindi pa ko tapos magsalita nang bigla syang tumalikod at bumalik sa kanilang silid-aralan. Nakakapanghinayang dahil yun na ang pagkakataon kong masabi sa kanya ng harapan na mahal ko pa rin sya. Lagi na lang kasi sa text at sulat ko nasasabi yung nararamdaman ko, feeling ko nga hindi sya naniniwala sa 'kin eh. pero gagawa ako ng paraan mapatunayan ko lang sa kanya na mahal na mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
Best friends who become perfect lovers
Teen FictionIto ay kwento sa buhay pag-ibig ng isang lalaking nagngangalang Venedict. Maraming babae ang kanyang naibigan, halos lahat ay nanakit lang sa kanya. Dahil sa mga pinagdaanang nya, marami siyang natutunan sa buhay lalo na sa usapang pag-ibig. Sinumpa...